"Sa susunod na! Hindi naman 'yon gano'n ka-importante," paliwanag ko at lumapit sa kanya para yakapin siya. "Tulog na tayo!" Humikab pa ako kaya mahina siyang natawa. "You must be tired of school works," saad niya at niyakap ako pabalik. Napasandal ako sa dibdib niya at pumikit. "You should sleep now. You deserve to rest after a long day." Hinaplos niya pa ang buhok ko at hinalikan ako sa noo kaya mas lalo akong inantok. "Dito ka lang?" inaantok na bulong ko. "I'll leave later. Let's sleep together next time." Tumango ako at mas humiga ng komportable. "Goodnight, senyorito," bulong ko. "Yeah, sleep well, baby." Paggising ko ay yakap ko ang isang unan. Bigla kong naalala si senyorito. Umalis pala talaga siya. Nag-unat ako at ginawa ang morning routine bago lumabas. Papunta na ako

