"Ito ba 'yong gift niya sa 'yo, ha?!" Tumango ako habang naka-plaster ang ngiti sa labi. "'Yan ang when!" saad nila at kinikilig na niyugyog ang braso ko. "Swerte mo, sis!" Pagkabalik ko sa room namin ay binuksan ko agad ang f*******: account. Ang daming notification na nag-add at react sa mga dating post ko pero ang inuna kong tinignan ay iyong timeline ko. Bumungad sa akin ang shared post na may litrato ni senyorito. May caption pa ito na, "Kilala ko 'to pero 'di ko kayo bibigyan ng clue!" Si Franz pala iyon at kasama sa post iyong screenshot mula My Day ko! Nanlaki ang mga mata 'to habang tinignan iyong My Day ko dahil ang dami nang views! Binalikan ko ang post at naka-crop ang pangalan ko sa screenshot. Tangging iyong picture lang ng teddy bear, chocolate at love letter ang naki

