Chapter 52

1115 Words

Ibinaba ko ang bag at inilagay iyon sa tabi nang umandar na ang tricycle. Hinayaan kong liparin nito ang buhok ko at 'di na pinansin ang nakasunod sa aming itim na sasakyan. "Salamat po," saad ko bago bumaba habang dala ang mga gamit. Tinakbo ko ang mansyon nila senyorito at pinagbuksan siya ng gate. Syempre kahit galit ako sa kanya, 'di ko pa rin pwedeng kalimutan na maid ako rito at dapat pagsilbihan ko siya. Hinintay kong makapasok ang sasakyan niya bago iyon isinarado ulit. Dumalo naman sa kanya si Kuya Rommel kaya pumasok na ako at nagkulong sa kwarto ko. Umupo ako sa carpet, niyakap ang isang unan at isinandal ang likod sa kama para doon iiyak ang lahat ng pagpipigil ko kanina. Napahawak ako sa dibdib ko nang sumikip iyon at kinontrol ang paghikbi para makahinga ng mas maayos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD