"Woke up like this featuring mugtong mata," pabirong suggestion ko kay senyorito nang mag-picture kami at bigla niyang sasabihing ipo-post niya iyon sa IG account niya. "Joke lang!" mabilis na dagdag ko nang i-type naman niya iyon. Humalakhak siya at akmang ipo-post na nang kunin ko iyon sa kanya. "Ang panget ko rito, senyorito! Picture na lang ulit tayo mamaya tapos iyon ang i-flex mo!" "Okay, if that's what my baby wants!" malambing na sagot niya at muli akong hinalikan sa pisngi. Pagtayo ko ay alas nuebe na pala. Halos apat na oras din kaming nakatulog! "Baby!" tawag sa akin ni senyorito at itinaas ang kamay niya niya. Tinanggap ko iyon at hinila siya para tulungang tumayo pero hindi ko siya mabuhat! "Ang bigat mo!" Humalakhak na reklamo ko at lalong mas nanghina. Maya-maya pa ay da

