Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang labi niya. Saglit lang pero hinabol niya ang labi ko nang humiwalay kaya naulit iyon. "Mamaya na ang harot! Tapusin muna natin 'tong paper!" utos ko dahilan para mahina siyang matawa. "Yes, ma'am!" "Ma'am ka r'yan! 'Di mo na 'ko baby?" "Research first so I'll call you ma'am!" "Cute mo!" gigil na sambit ko at pinisil ang pisngi niya bago itinaas ang hoodie ng suot niya at itinali iyon sa mukha niya. "Ayan, mas cute ka lalo!" Halakhak ko at binuhay ang phone niya para mag-selfie kami. Ngumuso ako at nakaawang naman ang labi niya sa litratong iyon. Para tuloy siyang inosenteng bata! Sunod ay idinikit niya ang mukha sa akin at ngumiti siya habang malawak ang ngiti sa labi. Gano'n din ako. Hindi blur iyon at maganda ang pagkakakuha. "Post mo 'to, s

