Chapter 55

1084 Words

Tumulong na lang ako sa paglilinis gaya ng dati kong ginagawa. Hindi kasi ako masyadong nakatulong nitong mga nakaraang araw dahil busy sa research paper namin. Buti na lang ay mamayang alas-nuebe pa naman ang usapan namin ng mga ka-grupo ko para simulang tapusin ang research paper. Pero si senyorito, inunahan pa kami! "Sis!" Habang nagwawalis ako sa harap ng mansyon, napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sa akin. Si Mona! Kaagad ko siyang nilapitan habang dala ang tingting walis. "Sis, anong ginagawa mo rito?" tanong ko matapos siyang batiin ng magandang umaga. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya nang mapahawak siya roon. "Nakakahiya 'to, sis. Pero pwede bang dito, muna ako? Magta-trabaho ako bilang kapalit! Walang-wala na kasi ako. Binigay ko lahat do'n sa pesteng pamilya ko!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD