Natapos agad ang meeting naming iyon dahil sa ginawa ni senyorito. Magti-thank you talaga ako sa kanya mamaya! Alas-dies nang naglaba kaming dalawa ni Mona ng mga damit at uniform ko. Nakipag-videocall pa kami kina Franz at JP habang ginagawa iyon. "Bakit 'di kayo nag-sama, e 'di ako na sana naglalaba ng bra mo sis!" reklamo ni Franz. "Tapos hihingin mo? No thanks!" biro ko. "Damot naman this girl!" mataray na sagot niya. "Mona, pakibasa nga 'yan!" "Subukan mo!" pananakot ko kay Mona pero mabilis niya akong sinabuyan ng bula. Binawian ko siya at hinabol pa siya nang tumakbo siya. Hindi na namin narinig sina Franz at JP nang magbasahan kami gamit ang hose na nasa gilid. Tumatawa pa kami habang umiilag sa tubig ng isa't-isa. "Hoy, sis! Tama na!" pigil ko sa kanya nang ma-realize na

