"Walang bawian, senyorito, ah?" tukso ko. "Sasaksakin mo 'pag ayaw mo magpaturok!" sigaw ni Ate Cathy. "Saksakin ng pagmamahal!" sinabayan niya pa ako sa banat. Lumawak naman ang ngiti ni senyorito at nakitawa rin sa amin. "Ang landi, sis!" si Mona na parang siya ang nahihiya siya para sa akin. Tinawanan ko na lang iyon at nakangiting pinagpatuloy ang pagkain. Dahil sa tanghaliang iyon ay na-inspire ako na pagbutihan ang entrance exam namin. Ang kaso, halos dumugo na ang utak ko nang mabasa ang mga tanong! Pinilit ko iyong inintindi pero ang mga nasa huliang tanong ay diretso shade na lang ako sa answer sheet dahil paubos na ang oras. "Sana mataas," umaasang bulong ko bago iyon inilagay sa machine na siyang magko-compute ng score ko. 'Di kasi pwedeng pumasa lang dahil may quota ang

