"Rika!" sabay na tawag sa akin ni senyorito at Gavin nang makalabas ako ng kwarto. Napakagat labi ako at humigpit ang kapit sa tote bag kung nasaan ang pibagbihisan kong damit. "Bakit po?" Si Gavin na bagong ligo ang naunang lumapit sa akin kaya siya ang binalingan ko ng tingin. "Do you have hangover?" tanong niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "I'm sorry I should've pushed you to drink that much." Umiling ako at nginitian ito. Ayaw ko namang isipin na kasalanan niya iyon. "Okay lang po, Sir Gavin. Ginusto ko naman po talagang uminom at magpakalasing." Tinapos ko iyon sa tawa para hindi awkward. Napangisi naman siya at binitawan ako. "Really? So, let's drink again next time?" Sinagot ko na lang iyon ng panibagong halakhak. Ayaw ko namang sumang-ayon at humindi. Hinanap

