"Good morning, Rika!" pagbabasa ko sa maliit na card na nasa isang bouquet ng pulang bulaklak. "From your senyorito." Malawak akong napangiti at niyakap pa iyon sabay inamoy. Nakakaiyak! Ang sarap pala sa pakiramdam na may ganitong bubungad sa 'yo sa umaga. Nagsuklay ako ng buhok at naglinis ng bibig at mukha bago lumabas ng kwarto. "Good morning, Ate Cath!" masiglang bati ko sa nakita. "Good mood yan? Pakiramdam ko talaga may jowa ka na!" Mahina akong natawa dahil iyon ang isinagot niya sa akin. Well, malapit na? Umiling ako dahil sa naisip. 'Wag mong rurupukan, Rika! Binati ko rin ang mga magulang nang makita sila at niyakap. "Oh? Bakit naglalambing ang prinsesa namin?" kuryosong ani papa kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Masaya lang po! Thank you, ma, pa!" sinserong sam

