"Baby ka r'yan?" tanong ko at umahon. Mabilis naman siyang umilag kaya hindi nagtama ang mga mukha namin. Natawa ako saglit sa itsura niyang nagulat. "'Yan ba ang call sign 'pag naging tayo na?" "It depends on what you want me to call you." Napanguso ako para pigilang ngumiti at tumango. "Ikaw..." tawag ko sa kanya at kinalas ang pagkakayakap sa kanya para hawakan ang magkabilang pisngi niya. Tumitig ako sa bughaw na mga mata niya bago nagsalita, "Anong gusto mong itawag ko sa 'yo 'pag boyfriend na kita?" "My name." "Sige, my name," biro ko at ipinahinga ang braso sa balikat niya. Napabungisngis naman siya at umiling. "Brandon. Call me 'Brandon', baby." "Brandon baby?" banggit ko at napatingin sa hibla ng buhok niyang tumatakip sa noo niya at inayos iyon. "Yes, baby? What is it?"

