Albana’s POV Napa-buga ako ng hangin dahil sa ginawa ni Carli. Parang aatakihin ako sa puso dahil sa gulat nang hinawakan niya akong bigla sa aking pulso. “What!? You startled me! Gusto mo akong mamatay?” naiinis kong tanong. Hinila niya ako palabas mula sa madilim na silid kung saan ko nakitang tumungo si Farris. “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? They are starting the bidding already. Nakikipagkumpitensiya na sa pataasan ng presyo ang best friend mo,” sabi niya. “Hindi ako puwedeng pumasok doon kung wala si Farris Bennett sa loob. Alam mo naman na may plano ako, hindi ba?” Nandito na kami sa entrance ng event hall. “Ano ang pinagsasabi mo? Nasa loob po si Farris at kasama niya ang kaniyang asawa, My Lady,” aniya. Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi ni Carli. Hindi ako na

