CHAPTER 23

2029 Words

Chapter 23 Dumaan ang ilang linggo, hindi ako pinapansin ni Pivo. Walang imik sa aming dalawa, kung dati ay inaasar niya ako, ngayon ay hindi na. Minsan naman ay nangungulila ako sa kaniya, gusto ko iyong dating siya ‘yung inaasar ako kahit nakakainis. Narito ako ngayon sa bahay ng Villion, narito rin ang babaeng si Marwin. “Akala ko po talaga ay lalaki ang pangalang ‘Marwin.” bulong ko kay Ate Phini nang tulungan ko siyang mag-akyat muli ng mga nilabhan niya. “Hindi ko rin gusto iyang babae na iyan, hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ni Ma’am, d’yan.” napanguso naman ako, hinihintay ko kasi matapos maligo si Dell. Ang sabi niya kasi sa akin ay pupunta daw kami ng kubo, upang tapusin ang natitirang gawain niya. Nasaktuhan lang na nakita ko si Ate Phini, kaya tinulungan ko na siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD