CHAPTER 7

2030 Words
Chapter 7 Dahil sa sobrang busy kong mag-type para sa assignment ni Dell, hindi ko alam na nakatulog na pala siya sa tabi ko. Tinitigan ko siya ng kaunti, naniningkit ang aking mata na sulyapan siya. Sadyang nasa lahi na talaga nila ang pagiging gwapo, ano? Matangos ang ilong niya, ngunit mas maganda ang kurba ng ilong ni Pivo. Kumurap-kurap ako, bakit pinagkukumapra ko nanaman silang dalawa ni Pivo? “Baka matunaw ang kapatid ko.” napabalikwas ako nang may magsalita sa aking likod, agad niyang isinara ang pinto. “May nililigawan ‘yang kapatid ko, baka nakakalimutan mo.” bakit ba ang ingay-ingay niya, hindi niya ba alam na natutulog ang kapatid niya. “’Wag ka nga maingay, natutulog na si Dell.” mabilis kong itinuon ang aking paningin kay Dell, na ngayon ay mahimbing kung iunan ang kaniyang braso sa mesa. “May gusto ka kay Dell, ‘no?” “Ano naman? Mas gwapo at mabait siya kaysa sa ‘yo.” natikom ko ang aking bibig nang mapansin ko at maisip ang aking sinabi, kinagat ko na lamang ang labi ko. Sira ulo ka talaga, Tine! Baka mamaya ay hindi mo na talaga makuha ang gusto mong scholar, dahil ginaganito mo ang panganay ng mga Villion. “Uh-huh? And?” matamblay ang kaniyang mata, kung tumingin sa akin. “Wala na, mas lamang siya sa ‘yo sa kahit saan mo pa tignan!” hindi ko namalayan na tumaas na pala ang aking boses, “Uhhmm..” tumahimik ako nang mapansin kong nagigising na si Dell, dahil sa ingay ko. “What happened?” naniningkit pa ang kaniyang mga mata nu’ng inimulat niya iyon at tumingin sa akin. Nang tinignan niya naman ang kaniyang likod ay tinignan niya pa iyon nang matagal. “Why you here? Go back to your room.” utos niya kay Pivo, ngunit nginisihan lamang siya nito. “Kid, she should be.” turo nito sa akin, bakit ba ang init-init ng dugo nito sa akin lagi? “May ginagawa pa kami, Kuya.” nag-uunat pang umupo nang maayos si Dell sa kaniyang upuan na nasa tabi ko lamang. “Kami? O siya lang? Natutulog ka lang naman, doon ka na sa guest room, Tine.” seryoso ang kaniyang mukha na iutos iyon sa akin. “I said, go to your room, Tine!” nabigla ako nang malakas siyang sumigaw. “Ano problema mo, Kuya?” hinawakan ko sa balikat si Dell, “Dell, inaantok na rin ako. Bukas ko na lang tatapusin ‘yan, doon na lang tayo malapit sa seaside.” ngumiti ako at mabilis na tumayo. “Faster!” bakit kailangan niya pang sumigaw? “Taeng-tae ka? Ayan lang banyo, oh!” turo ko sa cr ni Dell. Ngunit hindi siya ngumiti, hindi siya nainis, walang reaksyon ang kaniyang mukha. Hindi tulad noon na sa tuwing aasarin niya ako at babawian ko siya ay ngingisi siya at babawi sa akin, ngayon ay wala. Tinignan niya lamang ako at doon ako kinabahan. “Abno..” mahina kong bulong sa aking sarili, habang isinarado ang pinto ni Dell. “Oh, bakit gising ka pa? Saan ka galing?” tanong sa akin ni Ate Phini nang makasalubong ko siya sa daan, may hawak-hawak siyang mga punda at iba pa. “Galing po akong kwarto ni Dell, kaso pinaalis po ako ni Pivo.” kamot-kamot ko pa ang aking noo, “Ang batang ‘yon, kanina lamang ay nagsisigaw doon sa office ni Madam, kesyo bakit daw doon sa mansyon ka nila titira sa Manila.” ngumuso ako, talagang ayaw niya sa akin, ano? “Galit na galit po talaga siya sa akin po, ‘no? Hindi ko nga po alam kung bakit.” isang halakhak naman ang kaniyang ibinigay sa akin. “Ang batang ‘yan, ang gusto kasi ay laging siya ang masusunod. Noon pa man, bata pa lang siya ay ganya’n na iyan.” tinignan ko ang pinto ni Dell, doon matutulog ngayon si Pivo, sa tabi ni Dell. Sumabay ako kay Ate Phini na maglakad. “Totoo po ‘bang ipapakasal si Pivo sa hindi niya kilala?” tinignan naman ako ni Ate Phini nang may pagtataka, huminga siya ng malalim at tumungo. “Narinig ko si Madam noon, sabi niya mas lalakas pa daw ang Villion Corp, kung sakaling makasal si Pivo sa anak ni Mr. Buendia.” Mr. Buendia? Ibig sabihin, hindi Buendia ang pangalan ng mapapangasawa ni Pivo? “Next year ay aalis na iyan si Pivo rito sa Samar at tutungo na iyan ng Manila.” kinuha ko ang hawak niyang ilan pang punda at comforter, mukhang iiayos niya ito sa lagayan. “Po? Para saan po? Matatapos na po siyang mag-aral ngayon taon, hindi ba?” tumungo naman si Ate Phini. “Siya na daw ang tatakbong CEO ng Villion Corp.” mas lalong lumaki ang aking mata, “Bata pa po siya. I mean, twenty-three lamang siya po. Makakaya niya kaya na magpatakbo ng malaking kumpanya sa edad n’yang iyon?” humalak si ‘te Phini, mukhang natuwa siya masyado sa sinabi ko. “Hindi mo pa kilala si Pivo, sa kanilang dalawang magkapatid ni Dell ay siya ang magaling humawak ng business.” turo-turo niya pa sa akin, “Pero, mas maayos naman pong makipag-usap si Dell sa mga tauhan.” ngumiti muli sa akin siya sa akin. “Napapansin ko ay masyado mong pinagkukumpara si Levorn at Ivoro.” nawala ang kunot ng aking noo, “Marahil dahil noon ay nakasama mo na si Ivoro, tanging mali lamang ang nakikita mo sa kaniya.” napalunok ako, totoo naman ‘yon at hindi ko iyon matatanggi. “Iyang batang ‘yan, hindi ‘yan ganiya’n dati.” pumasok kami sa isang kwarto na napupuno ng maraming punda at unan. “Nagbago lang ‘yan, nu’ng sinabihan siya ni Madam na ipapakasal siya babaeng Buendia.” nakilala ko si Pivo nu’ng hindi pa siya play boy. “Mahilig siyang-” “Kumuha po ng pictures?” “Paano mo iyon nalaman?” nagtataka siya sa akin, “Noon po, hindi pa po kami magkakilala ni Dell no’n, hindi pa po kami close. Nakita ko po si Pivo na may dalang camera, kinukuhaan ang dagat.” naalala ko pa no’n ang kaniyang itsura. “Pagbilang ko ng sampu, nakatago na kayo. Isa! Dalawa!” iyon na lamang ang huli kong narinig nang mabilis akong tumakbo, mula sa mga kalaro ko upang magtago. Gusto ko sanang magtago sa bato, upang hindi niya ako agad makita. Tumatakbo ako sa tabi ng dagat, medyo mahapdi pa ang aking paa dahil wala akong tsinelas. Ang sikat ng araw mula sa hapon ay nararamdaman ko sa aking balat, ngunit napahinto ako nang makita ko ang isang lalaki. Sa tingin ko ay mas matanda siya sa akin ng ilang taon lamang. Naka sando siya at naka sandugo’ng tsinelas. Habang may nakasabit sa kaniyang leeg na camera at kinukuhaan ang dagat, tinititigan ko lamang niya no’n. Nang tumama sa akin ang lens ng camera niya ay bigla siyang napahinto, siguro ang nasa isip niya ay bakit ko siya tinitignan. “Baka nandon si Tine!” napatingin ako sa aking likod nang marinig ko ang boses ng mga kalaro ko. Luminga-linga ako at mabilis na umakyat sa bato, upang magtago. Ngunit dahil nga nakapaa ako ay hindi ko akalaing masusugatan ako dahil matulis pala ang isang bato. Pumikit ako at tila hinawakan ang aking bibig, masabi lang na hindi ako mahuli ng mga kalaro ko. Nagtago ako sa likod ng bato, “Kuya! May nakita kang babaeng mahaba ang buhok? Maganda siya at matangos ang ilong?” naririnig ko pang tanong ni Kisses, iyong kalaro ko. “Gano’n po ba? Sige po ‘Kuyang pogi!” nang wala na akong narinig na boses nila ay agad akong sumilip sa gilid ng bato. Ngunit gano’n na lamang ang gulat ko nang nakatingin siya sa gawi ko. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha, para siyang mataray na lalaki. Ngunit lahat iyon ay nagbago nang unti-unti siyang ngumiti. “Wala na sila.” sabi niya sa akin, kumalabog ang aking dibdib. Mabilis akong bumalik sa likod ng bato at hinawakan ang aking dibdib, ang bata ko pa lang pero ang harot ko na! Ang ganda ng ngiti niya, “Lumabas ka na d’yan. Wala na sila.” sunod niya pang sambit, ngunit hindi pa rin ako nagpakita sa kaniya. Nakasandal ako sa malaking bato sa aking likod, ngunit gano’n na lang muli ang aking pagkagulat nang biglang lumitaw ang isang kamay na nakahawak sa bato. Unti-unting sumilay ang kaniyang mukha at agad naman siyang pumanik. Iniayos ko ang aking dress na puti, humarap siya sa akin at muling tinignan ang tanawin sa bato-bato. “Mas maganda pala ang view dito?” nakatingin ako sa kaniya, wala akong masabi at hindi ko rin alam ang sasabihin ko nung time na ‘yon. Mabilis akong tumayo, upang umalis at iwan siya nang hablutin niya ang braso ko. “Kid, may sugat ka.” turo niya sa paahan kong may kaunting dugo. “W-wala lang po ‘yan.” nahihiya ako, feeling ko ay namumula na ang mukha ko. “Sit, let me-” “Okay na po ako, Kuya. Salamat na lang po.” nahihiya kong tugon, ngunit hindi naman niya ako hiniyaan, mabilis niyang kinuha ang kaniyang panyo at agad hinila ang aking paa, naramdaman ko ang sakit sa kaniyang ginawa. “Ouch!” para akong maiiyak, “’Wag ka masyadong maglalaro sa bato, wala ka pang tsinelas.” napalunok ako, bakit hindi ko siya nakikita na kuya sa akin? Habang iniikot niya ang kaniyang panyo sa paa ko ay siyang kalabog ng dibdib ko. “Kaya mo ‘bang maglakad?” napansin ko ang kaniyang dalawang camera na nakasabit sa kaniyang leeg. Sinundan naman niya iyon ng tingin at sumulyap sa akin. “May alam ka pa ‘bang magandang view rito?” sunod-sunod ang kaniyang tanong sa akin. Ako naman itong umiling at tumungo, umiling ako na iyon ang sagot sa makakalakad pa ba ako, at tumungo naman ako sa may alam akong magandang view. “Ang kulit mo nanaman. Makakalakad pa ba? Puputulin na ‘yang paa mo, kasi may sugat ka.” nanlaki ang aking mata, ano ba akala niya sa akin? Gunggong na bata? “May sayad ka po ba?” hindi ko maiwasang magtanong sa kaniya, siya naman itong lumaki ang mga mata kung tumingin sa akin. “Tss.” sunod ko pang asik nang tumayo ako, ngunit pa-ika-ika ako kung maglakad. “Let me help you, kid.” hindi pa man din ako makapagsalita ay agad niyang kinuha ang dalawang braso ko at mabilis na inilagay sa kaniyang likod. Pasan-pasan niya ako. “Ibig sabihin ay mas nauna mong nakilala si Pivo, kaysa kay Dell?” tanong sa akin ni Ate Phini nang maayos namin ang mga comforter na inilalagay niya sa taas. “Ah, opo. Nakilala ko po si Dell, nu’ng grade six na po ako. Si Pivo po ay nakilala ko nu’ng grade four pa lang po ako.” tumungo-tungo siya sa akin, “Malambing ang batang iyan, nagbago lang talaga nito. Babalik ulit ang dating Pivo, kapag totoong nagmahal na siya.” “Marami naman po siyang mahal, ah.” sabay kaming nagtawanan, marami siyang mahal. Dahil marami siyang babae, “Parang lahat ng babae sa baryo natin ay gusto siya, tanging ikaw lang ang hindi nakakapansin sa kaniya.” naninigkit pa aking kaniyang mga mata. “’Di hamak naman po kasi na mas gwapo si Dell at mabait, kaysa sa kaniya.” umiling siya sa akin at ngumiti. “Nako, ‘wag mo uugaling ipasa sa ibang tao ang nararamdaman sa isang lalaki.” kumunot ang aking noo, ano ang gutsong palabasin ni Ate Phini? Na may gusto ako kay Pivo? Matagal ko nang hininto ang pagkagusto ko sa kaniya, lalo na nu’ng nakita ko siyang nakikipaghalikan sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD