CHAPTER 6

2021 Words
Chapter 6 Nanlalaki ang aking mga mata na tignan siya, bakit siya narito sa loob ng guest room? Saka paano siya nakarating rito? Alam kong bahay nila ito at wala akong karapatan nitong magtanong sa kaniya, ang pinagtataka ko lang ay paano? Gumalaw ako, tila shini-shake ko ang ulo ko. Ilang salita ang nilalabas ko, ngunit parang ang kinalalabasan ay ungol. Nakakabwesit, gusto ko na siya sapakin ngunit masyadong siyang malakas. Hawak-hawak niya ang labi ko, natatakpan iyon ng kaniyang palad, habang ang dalawa ko namang kamay ay nahahawakan ng kaniyang isang kamay. Ang akala ko ay makakatakas na ako, ngunit hindi. Malakas nga siya talaga. “Uh-huh, simula ngayon ay pagtinanong ni Mommy kung sino ang kasama ko ay sasabihin mong ikaw. Naiintindihan mo?” ano siya? Hilo? May sayad ba ang utak mo, Pivo? Mabuti na lang talaga at hawak-hawak niya ang bunganga ko, dahil kung hindi ay nakatanggap na siya nang maraming mura sa akin. “Don’t make me mad, Berlie..” inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin, tila inilalapit niya iyon sa aking tainga. May kung ano akong naramdaman na para akong kinikiliti sa aking katawan. No! Hindi sa kaniya! Tila para akong nagwala, ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking tainga, bwesit ka! Bwesit ka! “Ayoko sa lahat nang hindi ako sinusunod, pinapaluhod ko sila.” tumindig muli ang aking balahibo nang para akong nakikiliti sa kaniyang boses, malapit sa aking tainga. Ramdam na ramdam ko ang kanyang pahinga, parang kinakabog nang mabilis ang aking dibdib sa sobrang kaba. Pansin kong umaangat at bumababa ang aking dibdib sa aking paghinga, dahil sa kaniyang ginagawa. Damn you, Pierson Ivoro Villion! “Got it, Clarisetine Berlie?” punyeta, para akong hihikain sa kaniya. Umalis ka na, please! “Ans..wer..me..” kada bitaw nang kaniyang salita ay inilalapit niya ang kaniyang labi sa aking leeg, mas lalo akong kinikilabutan sa kaniyang ginagawa. Wala akong nagawa kung hindi ang tumungo na lamang, punyemas! Wala akong kawala. “Good..” nakahinga ako ng maluwag nang bitawan niya ang aking labi at kamay, ngumisi siyang tignan ako nang tumayo siya at inayos ang sarili t-shirt na puti na kaniyang suot. Habang ako ay suot ang pamalit ko kanina, nu’ng umuwi kami ni Dell sa bahay namin. “F*ck! Nagto-toothbrush ka ba?” kumunot ang kaniyang noo, parang umasim ang kaniyang mukha nang amuyin niya ang kaniyang palad. “Hoy! Ang kapal mo, ah! Ikaw nga ‘tong papalit-palit ng babae, siguro panis na ‘yang labi mo, dahil iba-ibang laway ang nakukuha n’yan! Ew!” nanginig pa ako nang sabihin ko iyon sa kaniya, mas lalong nagsalubong ang kaniyang kilay kung tignan ako. “Sus, inggit ka lang. Wala pa atang nahalik sa ‘yo.” ano ba siya? Bata? Hindi niya ba alam na mag-e-eighteen pa lang ako, ngayong October five? Oo, saktong teachers day iyon. Ang dati, wish ko na batiin nila ako ng happy birthday, ngunit sakto namang walang pasok sa tuwing birthday ko. “A-anong wala!? Marami na kaya!” sa totoo n’yan ay wala pa talaga, siya nga lang itong unang nakalapit sa akin ng gano’n, tapos tatanungin niya ako nang ganyan? Alam ko, isang taon na lang graduate na ako ng senior high, habang siya naman ay graduating na ngayong year. “What did you just say?” umamba siyang lalapit sa akin, mas lalo akong kinabahan. Ano naman ngayon sa kaniya? Ano ba akala niya sa akin? Bata? “Tine?” saka may kumatok ng tatlong beses sa pinto, mabilis kaming napatinging dalawa sa pinto ni Pivo. “Tine? Nakatulog ka na ba?” kumalabog lalo ang aking dibdib, paano kung buksan niya ang pinto at maabutan niyang narito si Pivo sa loob! Lumunok akong sulyapan si Pivo, “Tell me, who kissed you-” hindi niya iyon natuloy nang kumatok muli si Dell sa pinto. “Tine? Ayos ka lang ba? Gising ka ba?” agad akong tumayo sa kama. Pinanlakihan ko ng mata si Pivo at sinabihang ‘wag siyang maingay. Tumaas naman ang kaniyang isang kilay sa akin, tila nagtataka kung bakit ko siya inuutusang ‘wag siyang magsalita o ‘wag siyang mag-ingay. “Dell! Nagbibihis lang ako, nagpahinga kasi ako!” sigaw ko sa likod ng pinto, “Oh! Okay, hihintayin na lang kita sa kwarto, ah. Prefer your self.” lumunok naman ako at tumungo, kahit hindi naman niya iyon nakikita. “Oo, sige. Tapusin ko lang ito at pupunta na ako sa kwarto mo.” sagot ko, ngunit kasunod no’n ay wala na akong narinig na kahit anong boses pa o kahit isang katok man lang. Siguro ay umalis na si Dell. “Prefer your self? For what? Is my brothers d*ck was big?” umawang ang labi ko, gunggong ba talaga ang isang ‘to? Ni hindi ko nga nahalikan ang kapatid niya, tatanungin niya pa sa akin kung malaki ang talong ng kapatid niya? “Sira ulo ka ba? Bata pa ‘ko! Bastos!” isang marahan na sampal ang iginawap ko sa kaniya, hindi ko lamang napigilanan ang aking sarili sa kaniyang sinabi. Ang pogi mong bastos! “What did you just do?” dumilim ang kaniyang mukha, doon ko lang napagtanto kung ano ang ginawa ko sa kaniya. So stupid, Tine! Sinampal mo ang isang ‘Pierson Ivoro! Ang panganay na Villion! “Did you just slap me?” isang hakbang pa lalo ang kaniyang ginawa’ng papalapit sa akin. Lumunok ako, hinahabol nanaman ako ng aking hininga, para akong kakapusin! “S-sorry..” kahit siya talaga ang dapat na mag-sorry sa akin, pero dahil feeling ko ay kasalanan ko at takot ako sa kaniya; aminado naman ako do’n, ay wala akong nagawa kung hindi ang humingi na lamang ng pasensiya. “Hindi ako natanggap ng sorry, I slap them too.” sasampalin niya ba ako? Gayo’n na lamang ang gulat ko nang wala na akong mahakabangan sa likod. Bakit sa laki ng kwartong ito ay pader na agad ang kasunod ng likod ko! Paano ako makakatakas nito? Dapat na ba akong sumigaw? “I slap them with my own lips.” paano ‘yon? Paano sumampal ang labi? Kakaiba ‘yon, ah! “A-alis!” tinulak ko ang kaniyang dibdib, ngunit nabulat ako ng kaba nang hampasin niya ang pader at tila para akong kinulong doon. “’Wag mo ko akong utusan, hindi mo ako pagmamay-ari.” kung gano’n ay bakit niya ako inuutusan? Umangat ako ng tingin, ilang dragon balls ang kinuha ko sa aking isip, upang makakuha ng lakas ng loob. Tumaas ang isa kong kilay at tumingin unti-unti sa kaniyang mukha. Una ang kaniyang baba, sumunod ang kaniyang.. labi.. huminga ako ng malalim, bakit hindi ko mapigilang, hindi ma-attract sa kaniyang mukha! “Edi, ‘wag mo rin akong utusan. Dahil hindi mo naman ako pagmamay-ari!” ganti ko, unti-unti niyang inilapit sa akin ang kaniyang mukha, “Nah, you’re mine. You’re my slave..” ngumisi ang kaniyang labi, sira ulo ka! “Mamamo, you’re mine and slave!” mabilis ko siyang itinulak, mabuti na lamang at hindi niya na akong sinundan nang kunin ko sa bag ang aking damit, agad na sana akong lalabas ng pinto nang magsalita siya, kaya’t napahinto ako. “I thought, you’re gonna change your clothes.” “Mukha ba akong makakapagpalit ng damit nang naandito ka? Doon ako magpapalit sa kwarto ni Dell!” “Woman! Don’t-” hindi ko na siya pinatapos nang mabilis akong naglakad palabas ng pinto, akala ko nga ay susundan niya ako. Hindi ako lumingon, ayoko siyang makita. Habang naglalakad ako ay tila para akong napatalon nang marinig ko ang isang malakas na pagsara ng pinto. “Sirain niya, bahay naman niya ‘to.” sabi ko sa aking sarili, habang naglalakad. “Oh, akala ko ba magpapalit ka?” turo sa akin ni Dell nang makapasok ako sa kaniyang room. “Hindi ako nakapagpalit, dito na lang.” kita ko ang kaniyang pagtataka sa mukha nito. “Huh? Ang tagal mo sa kwarto, tapos hindi ka nakapagpalit?” nakaupo siya sa kaniyang kama, habang ang laptop naman ay nakapatong sa isang maliit na mesa sa kaniyang kama. “Ano kasi, basta!” mabilis akong tumungo ng cr, upang magpalit. Mabilis kong sinuot ang pajama at isang malaking puting t-shirt na ibinigay sa akin ni Dell noon. Sabi niya ay akin na lang daw, dahil bitin na daw sa kaniya. Para nga akong kapatid niya na bunso, sa akin niya ibinibigay ang ibang damit na hindi na kasya sa kaniya. “What are you doing here!?” mabilis kong inayos ang aking sarili, bakit nasigaw si Dell? Nang makalabas ako ay laking gulat ko, kung sino ang nasa igaan ni Dell. “Kuya, may kwarto ka naman! Bakit ka ba nang-uurat dito!” kahit ako ay nakakunot ang aking noo na tignan si Pivo. Ano ba ang binabalak niya? “Bakit ba? Hindi na ba ‘ko pwedeng tumambay dito?” agad siyang umiga sa nang maayos at kinuha ang isang unan, saka niya iyon niyakap. “Matutulog ako dito, good night.” nagkatinginan kaming dalawa ni Dell, “Ano ang natira ng kapatid mo?” bulong ko sa kaniya nang umupo na lang kaming dalawa sa tapat ng kaniyang mesa. “Ewan ko ba r’yan, tulungan mo na lang ako dito, saka dito.” ngumiti na lamang ako at tumungo, “Ang hirap naman nito, bakit ba parang ang dali lang sa ‘yo?” kinakamot niya ang kaniyang baba, habang tinitignan ang notes ko. “Sinabi ko na pala kay Mommy na gusto mong maging architect.” nahinto ako sa pagsusulat, kinagat ko ang aking labi. Nakita ko kasi ang kaniyang mukha na malungkot, kahit paano ay naisip ko pa rin na baka bigyan ako ng scholarship ni Tita Belle. Hindi ko naman iyon tatanggihan at babayaran ko na lamang ang kaniyang nagastos kapag nakatapos na ako at nagkaroon ng mga projects. “Pasensiya ka na, Tine. Sinubukan ko naman-” “No! It’s okay, ano ka ba! Hindi naman kailangan ni Tita Belle na paaralin ako. Saka marami namang pwede pang course na kuhain-” “Sabi niya, sasama ka raw sa’min sa Manila pagnakatapos na tayo sa Senior High, doon ka raw muna titira sa bahay namin sa Manila!” umawang ang labi ko, totoo ba ang narinig ko? Kumalabog ang dibdib ko, hindi ako makapaniwala! Matutupad ko na ba ang pangarap kong maging architect? “Ano? Doon siya t**i- what? No! Where’s Mom?” napalingon kaming dalawa ni Dell sa likod, akala ko ba ay matutulog na siya? Bakit siya nakikinig sa amin? Kita ko ang kaniyang pagtayo, mabilis niyang isinara ang pinto. “Hays, ano ba ang nangyayari kay Kuya at bakit parang ang init ng dugo no’n sa ‘yo? Gano’n ka rin sa kaniya, ang init rin ng dugo mo kay Kuya.” tumaray na lamang ako, alam naman niya kasi kung bakit. I mean, hindi niya alam ang buong dahilan, “Sabi ko naman sa ‘yo, kaya ayaw ko kay Pivo, dahil lagi niya tayong inaasar.” tumaas nanaman ang kaniyang dalawang kilay. “Lagi niya tayong inaasar.” turo ko sa kaniya, hindi niya alam na bukod sa lagi niya akong inaasar ay naiinis akong nakikita at nababalitan kong nambabae siya. “Gano’n lang siya talaga, hayaan mo na. Matatali na kasi ‘yon.” nawala unti-unti ang aking ngiti, tila doon ko muling naisip na ikakasal pala si Pivo sa babaeng hindi namin kilala, sa babaeng hindi niya kilala. “Gano’n ba talaga sa inyo? Or tradition niyo ‘yon?” napaisip lamang ako, “Gusto lang ni Mommy, hindi ko rin alam na may pinipilit ni Mommy na ipakasal si Pivo sa isang Buendia.” Buendia? Iyon ang kaniyang pangalan? Ang pangalan ng mapapangasawa ni Pivo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD