CHAPTER 5

2159 Words
Chapter 5 Ilang tunog pa ang aking narinig, para kasing may kumukuha sa akin ng litrato. Hindi ako sigurado kung may kumukuha sa akin, ngunit nang buksan ko ang aking mga mata ay nagulat na lamang ako ng si Pivo ang unang bumungad sa akin. “Look at this face, parang tae ng aso sa daan.” kumurap-kurap ako, bago ko naisip na umupo ng maayos. Nakatulog ako? Bakit ang lalaking ito ang nasa gilid ko. Hawak-hawak niya ang kaniyang camera na gamit-gamit niya noon sa pagkuha ng mga kung anu-ano. “Nakatulog ako? Asan si Dell?” pinunasan ko ang aking mata, baka mamaya ay may muta pa pala ako. “Saka bakit ka naririto?” iritado kong tanong sa kaniya. “Hindi ba’t dapat ako ang nagtantanong n’yan?” nakagat ko ang aking labi nang maisip ko ang kanyaang sinabi, oo nga ‘no? Ang lakas kong magtanong, pero kanilang bahay naman ito. “Ah! Ano naman ngayon? ‘D-di ba, umalis ka?” inilipat niya ang kaniyang tingin sa akin, mula sa pagkakatitig niya sa kaniyang camera. “Kahit lumayas pa ako dito ay bahay ko pa rin ‘to.” kumunot ang kaniyang noo, “Mukhang tae talaga.” umiling-iling pa siya, habang sinusulyapan ang hawak nitong camera. “Ano ba? Burahin mo nga ‘yan!” utos ko sa kaniya, saka ako tumayo upang hablutin ang kaniyang camera. “Ano ba ka rin, wala kang magagawa! Bahay ko ‘to, my house! My rules!” galit akong huminto sa harap niya, wala akong magagawa, iyon ang nasa isip ko. Ang bwesit na ‘to talaga, “Kailan mo ba ako tatantanan! Hindi ka naman namin sinumbong, ah!” ang ngiting mayron siya kanina ay biglang nawala nang sabihin ko iyon sa kaniya. “Tama naman ang sinasabi ng mommy mo, hindi maganda sa lalaki ang nakikapag-s*x sa kung kani-kanino.” mas lalong kumunot ang kaniyang noo sa akin, “Alam mo, ang dami mong nalalaman sa buhay. Bata ka pa lang, wala ka pang alam.” anong walang alam? Ikaw ang walang alam, dahil ang alam mo lang sa buhay ay babae at pera. “Limang taon lang ang agwat mo sa akin, nu’ng pinanganak ka ay pinag-iispan mo pa lang akong gawin ng Nanay at Tatay ko, pero kahit kailan ay hinding-hindi ko rerespetuhin ang tulad mo! Ang laki-laki mo na, isip-bata ka pa rin mag-isip!” sa totoo lang ay lagi kaming ganitong dalawa, hindi ko kasi masara ang bibig ko lagi sa tuwing inaasar niya ako. Lagi akong pikon. “Ano naaasar ka na? Sa tuwing ako ang inaasar mo, tumatawa ka. Pero pag-ikaw inasar ko, naiinis ka?” ang kanyang paglunok ay aking nakita, mukhang naiinis na nga siya talaga sa akin. “Get out!” sigaw niya, bored akong tumingin sa kaniya. Uhm, sanay na kasi ako. “I said, get out!” turo niya sa pinto, ngunit tinignan ko lamang siya nang walang halong emosyon. Animo’y para lamang siyang bangaw na dumapo sa kung saan. “Jusko! Pivo! Itong batang ito talaga!” sabay kaming napatingin sa pintuan nang buksan iyon ni Ate Phini, “’Wag mo namang sigawan ng gano’n si Tine, ikaw lumalaki kang hindi nakakatuwa ang ugali.” ako naman itong tumungo nang tumungo, tama ang sinabi ni Ate Phini, na mas lalong kinainis ni Pivo. “Bakit ba narito ‘to? Palamunin lang ‘yan dito!” hinawakan ako sa braso ni ‘te Phini, ngumiti naman ako sa kaniya, “Hayaan mo na po siya, ‘Te. Sanay na po ako sa kagunggungan niya, ‘di ba? Mukha siyang tanga?” humalakhak kaming dalawa, habang si Pivo naman ay nagdadakdak pa rin sa gilid, “Pivo, bumaba na kayong dalawa at pinatatawag siya kay Dell ngunit ikaw itong nagkusang magsabi na ikaw na ang gigising kay Tine.” nanlaki ang aking mata, tinignan ko si Pivo nang may pagdududa. “What? What are you staring me like that, huh? I came here to annoy you, that’s it.” turo niya sa lapag at siya na ang naunang lumabas ng library. “Ang batang iyon talaga, hayaan mo na siya, ‘Tine.” muling hawak ni ‘te Phini sa braso ko. “Ayos lang po ako talaga, ‘Te. As in sanay na po talaga ako sa kaniya. Kahit noon pa man naman po, saka nito lang naman siya tuluyang nagbago.” ngumuso ako, alam ko naman kasi ang dahilan kung bakit siya ganiyan. Kahit pa hindi maganda ang kaniyang ginagawa, ngunit hindi rin maganda ang gustong ipagawa sa kaniya ng kaniyang ina. “Ang tagal n’yo naman?” salubong ni Dell, nang makababa ako kasama si Ate Phini, “Nako, hindi naman siya agad ginising siguro ni Pivo at pinag-trip-an muna.” bulong ni ate kay Dell. “Hay nako, si Kuya talaga.” umiiling-iling si Dell, hinawakan niya ako sa likod at tila idinadala sa kanilang mahabang mesa. Nang makarating kami doon ay wala pa si Tita Belle at Tito Pidel, ngunit naroon na si Pivo na nakaupo sa kaniyang upuan. “Upo na kayo, tatawagin ko lang si Madam, ihahanda na rin ang pagkain.” saka umalis si Ate Phini, kami na lang ang naiwan sa mesa. Akala mo may dumaan na anghel, dahil sobrang tahimik. “After nito, punta tayo sa kwarto-” “Bakit doon sa kwarto mo? Ang daming guest room, Dell!” kahit ako ay napatalon ng kaunti sa boses ni Pivo, ano nanaman ba ang problema nito? “Huh? Kuya, ano naman? Lagi naman siyang nasa kwarto ko-” ngunit hindi nanaman siya pinatapos magsalita ni Pivo, “What? Nawala lang ako, sa kwarto mo na natutulog ‘yang babae na ‘yan?” taas ang kaniyang kilay kung ituro ako. Nawala kasi siya, nu’ng nagkaroon sila ng ojt ay umalis siya ng bansa. “Ang over mo mag-react, Kuya.” hindi na siya pinansin ni Dell, nguniy siya ay patuloy pa rin sa kung anu-ano ang sinasabi. Kesyo, magkaroon daw ako nang kahihiyan, dahil babae ako. Baka daw ay magkunyari lang kaming best friend, ngunit ano naman ang pakialam niya. Hindi ba? Nang magtigil siya kakadakdak ay saktong dumating ang kanilang magulang. Ngunit binalutan ako ng kaba nang marinig ko si Tita Belle na sumigaw. “C’mon, Pidel! Kaya nasasanay ang anak mo, dahil hinahayaan mo!” tumingin ako kay Dell na ngayon ay pinaglalaruan lamang ang plato na walang laman na pagkain, mabilis na dumating ang iba pang katulong na may dala-dalang pagkain at inilahad sa mesa. “Thank you po.” ako na ang nagpapasalamat, para kasi sa mga Villion. Lalong-lalo na kay Pivo ay binabayaran nila ang mga ito, trabaho nila iyon kaya wala na siyang dapat pang ikapasalamat. “Belle, alam mong hindi ako pabor sa gusto mong mangyari.” papalapit na nang papalit ang kanilang boses, “They’re fighting again, woh.” animo’y para siyang sumipol. Nang bumungad sa harapan namin si Tita Belle at Tito ay agad naman silang napasinghap. Siguro ay naisip nila na hindi magandang nag-aaway sa harap ng kanilang anak. Nagsimula kaming kumain ng tahimik lamang, ako lang ata ang pinakamaingay kung kumain, dahil tumatama ang aking kutsara sa pinggan nilang babasagin, bakit ba kasi ang bigat ng kutsara at tinidor nila. “Pivo, nakarating sa akin ang nangyari kanina.” umangat ang tingin ko, gano’n rin si Dell sa kaniyang ina. Kumalabog ang aking dibdib, hindi naman kami nagsumbong kay Tita Belle, wala naman kaming sinasabi sa kahit kanino. Ramdam ko ang tingin ni Pivo sa akin, mula sa kabilang upaan na ngayon ay kaharap ko lamang. Nanlalamig ang aking mga kamay, ni hindi ako makasubo sa sarili kong pagkain. "Kung hindi ka nakita ni Mang Pedro sa kalsada na may kasamang babae, hindi ko pa malalaman na tumakas ka nanaman!" tumaas ang kaniyang boses kung pagsabihan ang kaniyang anak, dama ko ang takot sa aking katawan. "Alam mong may fiance ka! Hindi ka na dapat pa-" "I said, I'm not gonna marry her!" lumakas rin ang boses ni Pivo kung sumagot sa kanyang ina. Nanlako ang mga mata ni Tita Belle, nang isigaw iyon ng kaniyang anak. "Don't you dare to-" "Belle, nasa harapan tayo ng pagkain." boses ni Tito Pidel, nakakahiya naman ito. Bakit pa ba ako naririto, gusto ko na lang umuwi. "Right, besides.. narito rin si Tine, nakakahiya naman at pinapakita mo ang ugali mo sa mga bata, Pivo." bata? mukha po ba akong bata? Hindi lang po iyan ang nakita ko, tita! Mas malala pa ang nakita ko! "Tss, bata? Mukha 'bang bata 'yan? Malaki na 'yan!" turo niya sa akin, tumaas ang kilay ko. Bakit ako nanaman ang inaano niya. "Stop it." utas ng kaniyang ama. Wala siyang nagawa kung hindi gawin iyon at sumunod na lang. "Sino ang babaeng iyon, Pivo?" paninimula nanaman ng kaniyang ina, "Belle, hindi mo ba titigilan ang anak mo?" hinawakan ni Dell ang kamay ko, siguro ay napansin niya na kung gaano ako kinakabahan sa nangyayari sa kanila. "I have rights to know! Paano siya papakasalan ni M, kung ganyan siya!? Puros babae, mga cheap naman ang babaeng pinipili ng anak mo!" "Now tell me, sino ang babaeng 'yon?" sumilip ako ng tingin kay Pivo, ngunit nang tignan ko siya ay nagulat akong makita na nakatingin rin siya sa akin, bakit feeling ko ay may sasabihin siyang hindi maganda? "Si Tine ang kasama ko, 'Ma." umubo ako sa aking narinig, "Tine?" sumulyap sa akin si Tita Belle, tila nanlalaki ang kanyang mga mata kung tignan ako. "Kahit tanungin niyo pa siya." sumandal siya sa kanyang upuan, habang naka-cross arm at nakatingin sa akin nang nakangisi. "Ah, Mom." nagsalita si Dell sa tabi ko, habang hinahagod ang likod ko. "Nakisuyo ako kay Kuya." pagtatakip niya, "Ayaw pa nga niya kaso syempre, malapit na sa atin si Tine kaya hinatid na lang rin niya patungo sa farm." nawala ang kunot ng kaniyang ina at agad naman siyang ngumiti sa akin. "May kotse tayo anak, bakit hindi mo inihatid si Tine sa farm? Bakit pinaglakad mo pa silang dalawa ng Kuya mo?" bumalik ang tingin sa akin ni Tita Belle, "Hinatid niya ang girl friend niya." sabat ni Pivo na kinabigla ng kaniyang ina. "What? Girl friend? May girl friend ka na, Anak?" nanlalaki ang mga mata niya saka niya ako pinasadahan ng tingin. "I thought you and Tine are-" "We're friend, 'Ma. We will stay friends, forever." humalukipkip ako, hindi ako nasaktan sa sinabi ni Dell. Pero dahil kahit paano ay nahulog ang loob ko sa kanya ay hindi ko maiwasang, hindi masaktan. "Oh, friends.." tumungo-tungo si tita at tumingin sa akin. "Was that okay to you, Tine?" nang malunok ko ang pagkain ko ay saka ako tumungo, "O-opo, Tita. Mas magtatagal 'yung relationship namin, pag-friends kaming dalawa po. Saka wala naman po siyang nararamdaman sa akin at g-gano'n rin po ako.." pahina nang pahina ang boses ko, mabuti na lang at kahit paano ay nasabi ko ang nasa isip ko. "I see, kung may babae man itong si Pivo ay magsumbong ka sa akin, Tine." dahan-dahan na lamang akong ngumiti, paano ko sasabihin ang mga nalalaman ko, kung parang kakatayin na ako ng mga tingin niya. Tingin pa lang 'yon, ah! Para na akong pinapatay! "O-opo, Tita." nagpatuloy ang pagkain namin, hanggang sa hindi rin kalaunan ay natapos na. "Ilalagay ko muna 'yung mga gamit sa guest room, saka ako pupunta sa kwarto mo." hawak-hawak ko ang bag na dala ko kanina, naisipan ko kasi na maglinis muna ng katawan, bago ko siya tulungan sa assignment niya. "Ah, oo! Ang baho mo na, e." nagsalubong ang aking kilay sa kanyang mukha, ang bungok na 'to. "Wow, ah! Sampalin kita d'yan!" tumawa kaming dalawa, habang papunta sa guest room na aking tutulugan. Ito ang guest room lagi na aking natutulugan. Kulang na nga lang ay gawing kwarto ito para sa akin. "Salamat nga pala at um-oo ka na lang sa pagtatakip kay Kuya." kinagat ko ang aking labi, wala naman akong magagawa kung hindi ang um-oo lang. "Alam mo naman mangyayari kung hindi." halakhak nanaman ang namuo sa aming dalawa. "Sige na, pumasok ka na. Pumunta ka na lang sa kwarto pagtapos ka na." ginulo niya ang aking buhok, saka naman ako tumungo sa kaniya. "Okay." tipid kong sagot, nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong sinara ang pinto. Kasama na roon ang pag-lock ko ng pinto, mabilis kong inilapag ang bag ko sa kama. "Ang lambot talaga-uhmmm!!!" halos para akong aatakihin sa puso nang maramdaman kong may humawak sa bibig ko mula sa aking likod. Mabilis niya akong ibinagsak sa kama saka siya tila parang pumatong, dahil sa liwanag ng ilaw mula sa kwarto ay doon ko nakita ang kaniyang itsura. Pivo! Ano ang ginagawa mo rito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD