Chapter 4
Kunot ang noo kong naglalakad patungo kay mama, habang ang nanay ko naman ay nakikipag-usap sa kaniyang kapwa nagtatrabaho rito sa farm.
“Oh! Dell, Tine! Saan mo nahanap itong anak ko?” ngunit nang lapitan ko siya upang halikan at lumayo siya sa akin, “Anak, may pawis pa ako. Saan ka ba nang galing? Alam mo ‘bang kanina ka pa hinahanap nitong si Dell.” sinamaan niya ako ng tingin, siguro ay naisip niya na ang ginawa ko. “Ma, malaki na po ako. Saka gusto ko lang pong puntahan ka.” tumaas ang kaniyang dalawang kilay kung tignan ako, hindi siguro siya kumbisido sa sinabi ko. “Hindi maganda ang dumaan sa talahiban, anak. Ilang beses ko ba iyong uulitin sa ‘yo?”
“Hindi naman po ‘yan nakikinig, ‘Tita. Sinabihan na rin po siya ni Kuya Pivo, ngunit ayaw niyang makinig.” bingga ko ang kaniyang braso, imbis na tulungan ako ay mas lalo niya pa ang ihinulog sa nanay ko. “Oh, kita n’yo ‘yon, ‘Ta?” rinig ko ang isang ngisi ni mama’ng tumingin sa akin, “Teka, narito si Pivo? Asan ang batang iyon, bakit hindi ko nakita?” inilibot niya ang kaniyang tingin, tinignan ko si Dell na tila nagkamali nang sinabi kay mama. “Ah! Si Pivo po? Nakasalubong lang po namin!” sagot ko kay mama. Lintek na kaba ang bumalot sa akin, baka mamaya ay malagot nanaman kami sa kaniya, lalo na kapag hinanap siya at nagtanong-tanong rito!
“Gano’n ba? Asan na siya ngayon?” sunod pang tanong ni mama, malapit rin kasi siya sa mga Villion, lalo na kay tita Belle, iyong nanay ni Pivo at Dell. “Kung gano’n ay dapat umuwi na rin kayo, matatagal pa ako dito sa farm at may aasikasuhin pa kami.” mabilis niyang kinuha ang iilang basket na napupuno ng mga prutas. “Ma! Kaya nga ako narito para tulungan ka!” ngumiti siya sa akin at hinawakan lamang ang aking ulo.
Isang haplos ang kaniyang ginawa doon, lagi niya ito ginagawa sa akin sa tuwing namimilit ako sa isang bagat na alam kong hindi naman siya pabor.
“Kaya nga ako nagtatrabaho para kahit paano ay matustusan natin ang pag-aaral mo, Anak. Kaya kung gusto mo akong tulungan ay mag-aral ka na lamang.” bilang isang anak ay masakit na marinig iyon mula sa aking ina. Gusto kong tumulong, dahil hindi ko siya kayang nakikita na nahihirapan. “Tita, doon po muna kami sa bahay. Magpapatulong lang rin po ako kay Tine sa homework ko.” umaliwalas ang mukha ni mama, gustong-gusto niya talaga na sumasama ako kay Dell. Sabi niya kasi ay maganda raw na may kaibigan ako na pwede akong tulungan.
“Ihahatid ko na lang po siya, after.” tumungo-tungo si mama, “Mag-iingat kayo at mag-aaral mabuti, kahit doon mo na ‘yan patulugin si Tine ay ayos lang.” kahit kailan talaga itong si mama! Masyado niyang gustong-gusto si Dell para sa akin, ang hindi niya alam ay kaibigan lang talaga ay turi nito sa akin. Tignan mo naman na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako magustuhan! “Salamat po ‘Ta! Kukuha na lang kami ng damit sa bahay niyo bago po kami umuwi sa bahay.” nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Dell.
“Hindi ako matutulog sa inyo! Ano ka ba? May bahay naman kami!” isang halakhak lamang ang narinig ko sa kaniya, “Chill! Tulungan mo ko, kaya doon ka matutulog sa bahay.” ang sirang ulong ito! Akala ko si Pivo lang ang gago, kahit ang best friend ko rin pala! “Anak, tulungan mo na si Dell. Pag-ikaw naman ang tinutulungan n’yan ay hindi naman iyan tumatanggi.” kuhang-kuha na niya talaga ang loob ni mama.
“Salamat Tita! Magpapadala ako ng hapunan niyo rito!”
“Napakabait na bata talaga nitong si Dell.”
“Sinabi mo pa, mabuti na lamang at kahit paano ay nadalaw-dalawa siya rito sa farm.”
“Delion Levorn Villion!” tawag ko sa kaniya, alam kong maasar siya dahil sa buong pangalan niya na tinawag ko sa kaniya. “Yes? Claristine Berlie?” doon ko lang napansin na sa tuwing siya ang tatawag sa akin ng ‘Berlie ay hindi ako masyadong naiinis. Bakit sa tuwing si Pivo ang natawag sa akin ay naiinis ako? Bakit kaya gano’n? “Ano? Akala mo maiinis ako? Tss, mas mauuna ka pang maiinis sa akin.” kinurot niya ang pisngi ko nang nasa daanan kami paputungo sa kanilang sasakyan.
“Ouch! Ouch naman!” isa nanamang halakhak ang ibinigay niya sa akin, hindi na ako natutuwa! Ang sakit kaya! Mabilis ko siyang ginantihan, kung sa akin ay pisngi ko ang kaniyang hinila ay ang tainga naman niya ang aking hinila. “A-aray! Aray, Tine!” binitawan ko iyon nang ma-satisfied ako sa kaniyang itsura na naghihirap at nasasaktan sa ginawa ko.
“Ano? Akala mo hindi masakita ng ginawa mo?” hindi niya kasi mage-gets iyon kung hindi ko naman ipapaliwanag sa kaniya at ipaparamdam. “Oo na! Masakit, pero isa ka pa ring ‘Berlie!” bumelat siya sa akin, agad siyang tumakbo dahil alam niya kung ano ang gagawin ko sa kaniya kapag nahuli ko siya. Talagang malilintikan siya sa akin.
“Good afternoon, Sir. Dell.” bati sa kaniya nang makapasok kami sa loob ng kanilang mansyon, “Tine! Narito ka pala!” maligayang bati niya rin sa akin nang makita niya ako sa likod ni Dell, “Ah, opo!” nahihiya kong tugon, minsan kasi ay naiisip kong parehas lamang kami ng posisyon sa mansyon na ito. Sadyang kaibigan lang ako ni Dell, ngunit parang katulong lang naman talaga ako kung titignan.
Natulong ako minsan sa pag-aayos sa kung saan-saang lupalop sa mansyon na ito. Kahit pa minsan ay nagagalit si Tita Belle, dahil isa raw akong bisita ni Dell at hindi na raw ako iba sa pamilya ito. Welcome na welcome talaga ako sa mga Villion, maliban nga lang sa panganay nilang anak na si Pivo. “Is Mom and Dad here?” tanong niya, bago pa kami makarating sa bahay na ito ay kumuha muna kami ng damit ko. Isa lang naman iyon, isang undergarments na susuotin ko once na naligo ako o half bath.
“Naroroon po si Ma’am sa office niya, kausap po si Sir. Pivo.” nagkatinginan kaming dalawa ni Dell, feeling ko ay nalaman na ng mama nila ang ginawa ni Pivo.
“Ano po ang nangyari?” tanong ko kay ate Phini, siya ang mayordoma sa bahay na ito. Ngunit kahit paano ay hindi naman siya gaanong masungit, hindi tulad ng iba. “Nako, ang batang iyon talaga ay masyadong naging basagulero.” napalunok ako, baka kasi mamaya ay sa amin naman magalit si Pivo. Aminado akong nakakatakot siyang magalit, lalong-lalo na sa tuwing nahuhuli siya at sinasabi na kami raw ang nagsumbong ni Dell.
Ni hindi ko nga alam na nakikipagchukchakan pala siya sa kotse, at kanina ko lang talaga nakita kung paano nila iyon ginagawa! My virgin eyes!
“Nahuli nanaman po ba siya na ano?” humalakhak si ate Phini sa tanong ko sa kaniya, “Nako, hindi! Sinumbong daw ni Tupe na hindi raw sumambay kay Dell sa pag-uwi at nakitang may kasamang babae.” ow sh*t, mukhang malalagot nanaman kami sa kaniya nito! Hindi nanaman kami n’yon titigilan sa pang-aasar!
“This is f*cking to much, Mom!” malakas na yakak ang aming narinig mula sa kaniyang grand staircase na hati sa gitna. “Watch your mouth, Pierson Ivoro!” malakas na tinig ni tita Belle, natatakot akong hawakan ang maliit kong bag, mabuti na lamang at nahaharangan ako ni Dell, dahil kung hindi ay nakakatok na makita silang nag-aaway. Well, hindi na iyon bago sa akin, dahil kalimitan naman na nag-aaway silang mag-ina. “Stop it Mom! Malaki na ‘ko! You’re making me feel like a robot!” sumilip ako upang makita si Pivo, doon ko lang napansin na nakando lamang siyang itim na tila mahaba ang butas sa kili-kili, iyong uso na suot na animo’y parang tinipid sa tela.
“This is for your own good! And for our company!”
“I will not marry that stupid girl!”
Nabigla ako nang makita ko siyang patungo sa gawi namin, kita ko ang alab sa kaniyang itsura nang makita niya kaming dalawa ni Dell. Kumunot ang kaniyang noo na tignan ako saka niya ako tinarayan.
“Pivo! Comeback here!” sunod sa kaniya ni tita Belle, “That boy!” nang makalabas na si Pivo sa pinto at umalis. “Mom, hayaan niyo na si Kuya, sa tuwing hinihigpitan mo siya ay mas lalo siyang nagiging ganiya’n.” hinihilot ni tita Belle ang kaniyang sintido, ngunit nang mapansin niyang nasa likod lamang ako ni Dell ay agad siyang ngumiti. “Tine! You’re here!” agad siyang yumakap sa akin, “Good afternoon po, Tita.” nahihiya kong bati sa kaniya, “What a lovely girl, sige na. Pumasok na kayo sa loob, mag-aaral ba kayong dalawa? Use the library.” turo niya sa kung saan naroroon sa dalawang palapag ang kaniyang library.
Malaki ang mansyon nila, minsan nga sa tuwing tinitignan ko ang mansyon na ito ay hindi ko maiwasang mamangha sa pagkakagawa. Minsan naman ay gusto kong ayusin at tila nire-renovate ko sa utak ko ang ilang parts ng bahay na ito at gawing modern style.
“Naisip ko na kung ano ang gusto kong maging.” habang nagta-type ako sa kaniyang laptop, pinagawa niya kasi sa akin ang kaniyang assignment, habang siya naman ay nagbabasa ng kung anong libro sa harap ko. “Ano naman?” maingay ang tunog ng keyboard, habang tinatanong ko siya no’n. “Well, I want to be enter business.” nahinto ako sa aking pagta-type, “Wala namang ganoong kurso rito sa Samar, wala pa masyadong develop na paaralang kolehiyo rito.” totoo naman iyon, may mga universities rin naman rito sa Samar, ngunit ang mga mabibigat na kurso ay wala rito.
“I know, baka sa Manila ako mag-aral.” nahinto ako sa pagta-type, iiwan niya ako? Ngunit hindi ko na iyon pinansin, “Ikaw? Ano ba ang gusto mo?” hininto ko muli ang pagta-type at tinignan siya, kinagat ko ang aking labi nang maisip ko ang mga gusto kong gawin at ang nag-iisang pangarap ko sa buhay. “Uhmm, maging architect talaga.” palagay ko ay alam niya naman na iyon, nahuhuli niya akong mag-drawing minsan ng building, o hindi naman kaya ay tinitignan ko ang isang building at tila ginuguhit iyon sa aking papel.
“Uh-huh, wala namang ganoong kurso dito.” ngumuso ako, alam ko naman iyon. Kaya nga hanggang pangarap na lang muna. “But I can tell Mom to give you a-” agad nanlaki ang aking mata sa dapat niyang sasabihin, kaya naman agad ko rin siyang pinigilan. “No! It’s to much!” masyadong magastos ang kursong iyon, mahihirapan lamang sila, saka pangarap lang naman iyon. Pwede pa naman akong mangarap ng iba pang kurso. “Tss, bakit mo ba sinasabi iyan lagi? Hindi ka ba naniniwala na sobrang yaman namin? Kahit buong barangay ay kayang pag-aralin ni Mommy.” kahit kailan talaga ay ang laki ng ulo nitong kumag na ‘to.
“Hindi iyon ang tinutukoy ko, ang gusto ko lang ay kung sakaling hindi man iyon ang maging buhay ko sa future ay ayos lang sa akin.” ngumisi siya at tumungo na lamang, “Kaya ayokong nakikipag-usap sa ‘yo ng ganiya’n, dahil alam kong papangaralan mo lamang ako sa buhay-buhay.” bakit? Hindi ba totoo? Hindi ko na siya pinansin nang nagsulat na lamang ako, halos ginugol ko ang oras ko sa pagsusulat ng kaniyang assignment.
Ang hayop na ito, kaya pala gusto akong matulog rito ay para lamang ayusin ang ipapasa niya bukas! Ako lang naman ang mapupuyat sa aming dalawa!