CHAPTER 3

1881 Words
Chapter 3 Naglalakad akong mag-isa papuntang farm, aminado akong medyo may kalayuan ito, ngunit hindi naman gano’n nakakapagod lakarin. Maganda kasi ang tanawin, ang farm na iyon ay pag-aari ng mga Villion. Malawak ang lupain nila at hindi lang iyon ang meron sila rito sa Samar. “Ang kati talaga!” naiinis akong hampas-hampasin ang mga naglalakihang halaman, dumaan kasi ako sa short cut. Hindi talaga ako pinapayagan ni mama na dumaan sa lugaw na ganito, dahil marami raw insekto at ibang pwedeng ikapahamak ko. “Ang mga halaman na ‘to! Kung may itak lang ako ay mapapanot talaga ‘tong bahaging ito!” kaya ko gusto rito dumaan, dahil madadaan ko ang isang magandang tanawin. Natuklasan ko lamang ito kay Pivo, nu’ng sinundan ko siya dahil naghahanap siya ng magandang tanawin ay dito kami napadpad. Iyon pa ‘yung mga panahong hindi pa siya tarantado. “Ah! Yes! Uhmm!” nanlaki ang aking mata nang may marinig akong ungol ng isang babae, malapit na ako sa isang breathe taking view mula sa farm na ito. At iyon ang isang sapa, malinis ang tubig doon at hindi pwede kang maligo. May isang puno rin doon na pwede kang lumilim. “Oh! Oh god! Yes!” habang papalit ako ay naririnig ko lalo ng malinaw ang kaniyang ungol. Sino ang uungol sa ganitong lugar? Isang hampas pa ng halaman sa harap ko ay agad bumungad sa akin ang lalaking nakapatong sa babae. Kitang-kita ko ang likod nitong maskulino habang gumagalaw. “Pivo! Ah!” ungol pa ng babae, hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita o kahit hindi man lang ako makakurap sa aking nakita. Ito ang kauna-unahan kong nakita siyang nakikipag-anuhan sa isang babae, noon kasi ay nakita ko lamang siyang nakikipaghalikan. Ngunit ngayon ko lamang siya nakitang ganito! Kumulo ang dugo ko, umakyat ang inis sa aking ulo. Hindi ko akalaing sa ganto niya pa talaga dinala ang babae niya! Akala ko ba ay isa lamang itong hidden gem sa kaniya? Mabilis kong hinampas ang isang halaman, mabigat ang paa kong naglakad upang lampasan sila. Oo, makapal talaga ang mukha ko. Talagang wala akong pakialam kung makita nila akong makita sila na nagchuchukachakan sa lugar na ito. Hindi man lang siya nahiya? Wala na ba siyang pera? Ang yaman-yaman nilang tao, tapos sa ganitong lugar mo lang kukunin ang p********e nitong.. Zen? Si Zen ang ginagalaw niya? Dahil sa kulay ng buhok na iyon ay napatunayan kong si Zen nga iyon. Naglakad ako, ngunit papunta sa direksyon nila. Nakatalikod sa akin si Pivo at Zen, habang may ginagawang kababuyan sa damuhan at nalilibliban ng puno. “Sh*t! Berlie?” agad ako napahinto nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Kumalabog ang puso ko, bakit parang ako ang kinakabahan? Hindi ba’t dapat siya, dahil siya itong nahuling nagloloko nanaman? Pagnalaman ito ng mama niya ay magagalit nanaman iyon panigurado. “Huh? May tumatawag ba sa pangalan ko?” lumingon ako, ngunit hindi ko tinignan ang dalawa. Ayokong makita ang kababuyan nila. “Berlie? Sino- oh, god!” hindi ko na sila pinansin nang tumalikod na lamang ako, hinayaan ko na lamang sila. Ang kailangan ko lang naman gawin ngayon ay pumunta sa kinaroroonan ng nanay ko, upang tulungan siya at mapabilis ang kaniyang trabaho. “Tine!” tawag sa akin ni Pivo, hindi ko pa rin siya nililingon. Hindi ko man lang nasulit ang view sa lugar na ito. Mukhang isa na ito sa mga kinaiinisan kong lugar sa Samar, “Tine!” palapit nang palapit ang kaniyang boses, minabuti kong maglakad nang mabilis. Ayokong maabutan niya ako, “Berlie!” ngunit nang sabihin niya iyon ay mabilis niyang nahawakan ang braso ko. Agad niya akong iniharap sa kaniya. “I’m f*cking calling you!” parang dragon niya kung isigaw iyon sa akin. “A-aray! Ano ba!” kinuha ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya, “Ano ‘bang kailangan mo? Hindi ko naman kayo pinansin! Wala akong nakita!” kunot noo kong sambit, mas lalong nagdikit ang kaniyang dalawang kilay sa sinabi ko. “Why are you here?” medyo iritable niyang tanong sa akin, “Ano naman ngayon? Ano ba! Aalis na ‘ko!” ngunit agad nanaman niyang hinawakan ang braso ko. “Where’s Dell? Bakit mag-isa kang naglalakad rito?” ano ba ang gusto niyang palabasin? “Mukha ‘bang ako lang ang naririto? Hello! Dalawa kayong naririto!” sarcastic kong sagot sa kaniyang tanong, “Answer my damn question, woman!” kumalabog ang aking dibdib sa kaniyang hindi kalakasang sigaw. “Alam mo ba kung gaano kadelikado ang dumaan sa lugar na ‘to? Paano kung maligaw ka!” napatalon ako sa sigaw niya, kabisado ko ang lugar na ito. Alam kong taon na ang lumipas nu’ng kasama ko siyang pumunta rito at hindi na iyon naulit pa. Ngunit ang hindi niya alam ay minsan na akong napunta rito, upang mag-drawing. “Kabisado ko ang daan! Natuklasan kong may short cut rito, papuntang farm niyo!” hindi ako magpapatalo sa sigaw. Ang kilay niyang tila magdidikit na ay mas lalo pang bumaba, mukhang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. “Don’t you f*cking do this again, haharangan ko ang daan na ‘to nang hindi ka na makapasok.” mas lalong nag-alab ang galit ko sa kaniya, alam kong sa kanilang lupa ito ngunit hindi niya ako dapat pagdamutan! “Haharangan mo? Para ano? Dito mo dalhin lahat ng babae mo? Dito mo kunin ang p********e nila? Wala ka na ‘bang pera, kaya rito mo dinadala ang mga cheap mong babae?” sa sobrang galit ko ay iyon ang nasabi ko. Nanlaki ang kaniyang mata, hindi niya inaasahan ang sinabi ko sa kaniya. “Ihahatid na kita sa farm.” ngunit agad akong umiling, hindi niya pwedeng iwan ang babaeng iyon doon. “’Wag na, puntahan mo na lang ang babaeng iyon doon, dahil tulad nga nang sabi mo ay delikado rito.” mas lalo kong nakita ang galit sa kaniyang mga mata. “Come with me.” nagulat na lamang ako nang hilain niya ako pabalik, doon ko lang napansin na wala pala siyang suot na damit. Tanging naka pants lamang siya, ngunit sa tuwing naiisip kong hinawakan niya ‘yan sa kung saang parte ng babaeng iyon ay mabilis ko agad na binawi ang kamay ko sa kaniya. “Ayoko nga! ‘Wag mo nga ko hawakan! Doon ka na sa babae mo!” hindi ko na hinintay na magsalita siya, agad na lamang akong tumakbo. Kahit minsan ay naiisip kong baka sundan ko no’n, ngunit nagkamali ako. Wala akong Pivo na nakita sa likod ko nang huminto ako, natural ay uunahin niya ang babaeng iyon kaysa sa akin. Sino ba ako? Ako lang naman ang best friend ng kapatid niya, ang lagi niyang inaasar. Ang lagi niyang iniinis at kung minsan ay laging galit sa akin. “Yuck!” para akong timang na inaalis ang kung ano sa aking braso, kahit wala namang mayron doon. Naisip ko lang na hinawakan niya ang dibdib ng babaeng iyon, tapos ihahawak niya sa braso ko! No way! Mabuti na lamang ay nakita ko na ang dulo ng damuhan na ito, naaninag ko na ang punong nagsisilbing gabay sa akin sa tuwing dito ako nadaan. “Argh! Nakakainis!” hindi ko alam kung saan ba ako maiinis ng sobra, doon ba sa nakita kong nakatalikod siya habang gumagalaw sa ilalim ng babaeng iyon o sa mga halamang ito na napakakati. Nang makalabas ako sa damuhang iyon ay agad bumungad sa akin ang ekta-ektaryang pananim na mais at iba pa. Kitang-kita ko si mama sa hindi kalayuan mula rito sa kinatatayuan ko. Iniayos ko ang aking bag, sumilay ang ngiti ko at handang puntahan ang nanay ko nang biglang may humila sa bag ko. “Not so fast, Berlie.” inangat ko ang aking paningin, kumalabog ang aking dibdib nang sobrang lakas. Sa ilalim ng isang maliwanag na sinag ng araw ay natakpan iyon ng mukha ni Pivo, kunot ang kaniyang noo’ng nakatingin sa akin. Doon ko lang rin napansin na nakasandal ako sa kaniyang dibdib, ngunit ngayon ay may damit na siya! “I told you to come with me! Delikado ang ginawa mo!” hindi pa rin siya tapos sa pangangaral sa akin. “Ano ‘bang pakialam mo?” umayos ako ng tayo at tila umalis sa kaniyang bisig, “You’re my brothers annoying best friend!” utas niya, kumurap-kurap ako sa kaniyang sinabi. “So, ano naman ngayon? I can handle myself naman po, Kuya!” diin ko sa pagtawag sa kaniyang kuya, isang hakbang ang kaniyang iginawad. Napalunok akong tignan siya, bakit siya nagagalit ng ganiyan sa akin? “Don’t f*cking call me a stupid ‘Kuya.” kinilabutan ako sa kaniyang banta, “Hindi kita kapatid at ayoko magkaroon ng kapatid na tulad mo.” tila parang may humarang sa aking lalamunan, hindi ako makapagsalita nang maayos. Hindi ko man lang mapagtanggol ang sarili ko sa kaniya, kung gano’n ay ano lang ako na pwede sa kaniya? Kaibigan? Duh, para namang titignan niya ako bilang kaibigan, hindi ba? “Tine! Where did you go- what the heck? Pivo? Tine?” mabilis akong lumingon, kita ko si Dell na ngayon ay nakatingin sa akin at sinilip si Pivo mula sa aking likod. “What are you guys doing? In here?” nasa dulo kami ng farm nila, mukhang alam ni Dell na dito ako dumaan. Tulad ni Pivo ay hindi rin siya pabor na dito ako nadaan, hindi niya rin kasi alam na may daanan talaga dito. “Shut the f*ck up, bakit mo hinayaan ang babaeng ito na maglakad?” matalim akong binigyan ng tingin ni Dell, “C’mon, Tine! Why you’re so hardheaded!” dalawa na silang pinagtutulungan ako, wala naman akong ginawang masama. “Sabi ko naman kasi sa ‘yo na may daanan talaga d’yan. Hindi ka kasi naniniwala.” lumapit ako sa kaniya at nilingon si Pivo na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. “Ikaw Kuya? Bakit ka galing d’yan?” hinawakan ni Dell ang braso ko, kita ko ang pagtingin doon ni Pivo sa kamay ni Dell na nakahawak sa akin. “Shut up, kid. Bumalik na kayo doon ni Tine, ihatid mo ‘yan at ‘wag mo nang paglakarin ‘yan.” isang taray ang natanggap ko sa kaniya bago siya tumalikod at pumasok muli sa talahiban. “Ano’ng ginagawa niya don? Saka bakit kayo magkasama?” kunot noo niyang tanong sa akin, “Nagchukchan silang dalawa sa talahiban ni Zen, iyong babae kanina sa school nu’ng nag-lunch tayo.” “What? Hindi nga? Seryoso, what the f*ck! Pinapahiya ni Kuya ang dugong ‘Villion!” napatigil ako sa paglalakad sa kaniyang sinabi, ano’ng pinapahiya niya? Dugong Villion? “Baka mamaya ay ipagkalat ng babaeng iyon na doon siya binutasan ni Kuya, sa damuhan? Isang kahihiyan iyon! The heck! Bakit hindi na lang sila nag-motel or hindi naman kaya sa gazebo!” iyon ang kaniyang inaalala? Mabilis ko siyang binatukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD