Chapter 32 “So, totoo nga?” lumapit ang mukha ng binabae kong kasama kanina. Simula nang palabasin na kami ay tinuruan na ako ni Glynish, iyon ang kaniyang pangalan. “Pasok na pasok siya ‘team hindi makana!” palakpak naman ni Meward sa akin. “Paano iyon nangyari? Sexy ka naman at sabihin na nating maganda.” turo niya pa sa aking katawan, ngayon kasi ay nagkaroon kami ng break. Kaya naman nagkakape kami sa ibaba, “Hindi ko ba dadalhan ng kape si Pivo?” nanlaki nanaman ang kanilang mga mata na tumingin sa akin, “Nako! ‘Wag mo siyang tawaging ‘Pivo!” saway naman sa akin Gly. “S-sorry.. nasanay kasi ako.” sumimsim na lamang ako sa kape at marahang umiwas ng tingin. “Bakit kaya? Ano? Kahit ako nagtataka, dahil ganiyan ang mga trip niya!” ani pa ni Meward. “Hindi ba’t ikaw na nga ang nagsa

