Chapter 33 “P-pivo..” tawag ko sa kaniyang pangalan. Hawak ko pa ang isang papel na aking pinulot bago niya ako hilain. Kitang-kita ko ang dilim sa kaniyang mga mata na tignan ang lalaking nagngangalang ‘Nel sa pagkakatanda ko. “S-sir..” hawak-hawak ni Nel ang kabuuan ng papel. Mabilis akong kumalas sa kaniya. “Akin na, pasensiya ka na.” kinuha ko ang papel sa kaniyang kamay, kita ko ang paghakbang niya palayo sa akin. “Leave.” otoridad na utos ni Pivo sa kaniya. Tila parang kidlat siya kung umalis umalis sa harap ko, kita ko pa kung paano siya magmadaling pindutin ang elevator button. Humarap ako kay Pivo at gano’n na lamang ang kinataas ng dalawa kong kilay nang makita ko siyang nagpipigil ng inis. Kilalako na siya, sa tuwing sinasabi ko ang pangalawang pangalan niya ay ganiyan ang

