Chapter 34 “S-sir..” kagat-kagat ko ang aking labi nang makapasok ako sa loob ng kaniyang office. Busy siya na pumipirma nang maraming papel sa kaniyang mesa. “Uhmm?” hindi niya ako tinignan, hindi niya rin sinilip ang mukha kong nakadungaw sa pinto. Binuksan ko ang pinto at agad pumasok sa loob ng kaniyang office. Nanginginig pa ang kamay ko, baka mamaya ay bulyawan na ako nito. Ngayon ko lamang siya nakita muli na maging busy at parang strikto sa trabaho. “O-out na ako, ah..” inihinto niya ang kaniyang pagpirma at tumingin siya sa akin. “Sino susundo sa ‘yo?” kumurap-kurap ako at nag-isip nang isasagot sa kaniya. “S-si Kuya Mando, siya naghatid sa akin dito.” doon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng salamin. Mas lalo tuloy siyang gumwapo. “Binigyan ka ba ni Mommy nang matutul

