Chapter 35 “Ganito ang magiging future unit ko?” tuwang-tuwa si Calli nang pumasok siya sa loob ng unit ni Dell. Isinara ko ang pinto at siya naman itong tumakbo papaloob, binitawan niya pa ang paper bag na kaniyang hawak sa sahig, kaya naman agad iyong tumunog. “Oy, hindi ba masisira ang heels mo?” inangat ko iyon at inilagay sa gilid ng drawer. “Ang ganda, gusto ko dito. Kailan uwi ni Dell dito? Nagsasama kayo?” para siyang timang na bigla-bigla na lang sisigaw sa huli. “Hindi, dito niya ang ako pinatira kasi hindi pwede doon siguro sa bahay nila. Ayaw ni Pivo, pero gusto ni Tita Belle.” tumaray naman siyang parang nag-swimming sa sofa. “Ah, kasi ang balita ko nandoon ang fiance ni Pivo.” alam niya rin? “Oo nga pala, bakit ang pangit mo?” “Huh?” tama ba ang pagkakarinig ko? Sinabih

