Chapter 36 “Tine! Ikaw niyayaya-yaya mo pa kasi ako! A-ayaw ko nga sumama! Bye!” gulat na lamang ako nang iwanan ako ni Calli at siya naman itong mabilis na tumakbo papalayo. “Calli!” tawag ko sa kaniya, agad akong napatingin kay Pivo na ngayon ay masama ang tingin sa akin. “Where are you going?” isang matigas na tanong niya sa akin, bakit feeling ako malalagot ako sa kaniya? “A-ano..” kinagat ko ang aking ibabang labi. Ano ang sasabihin ko? “S-sa party..” naramadaman ko na nag-vibrate ang cell phone ko, dahan-dahan akong sinilip iyon at natanggap ko ang mensahe ni Calli sa akin na ‘Hihintayin kita sa baba, pag ikaw hindi sumama, lagot ka sa akin.’ Umangat bigla ang tingin ko kay Pivo na ngayon ay nakatingin naman sa aking cellphone. “I’ll ask you one last time, Tine. Where are yo

