Ibang Katauhan ♕ Olivia “Olivia, anak tama na” pag alo sa akin ni Mama, halos kalahating araw na ako umiiyak… pagkatapos ng dalawang linggo ng sixth month namin… tuluyan ng namaalam ang inaalagaan ko, ang dahilan kung bakit ako umuwi. “Mama, bakit naman ang bilis… bakit ngayon na agad” tanong ko sa pagitan ng paghikbi “Anak, lahat tayo may kanya kanyang oras sa mundo… maybe this is Mamita’s time” paliwanag niya “Tsaka Olivia, baka nahihirapan na talaga siya… at least now she’s in a better place no more pain” habol niya pa. Lalo lang ako naiyak sa sinabi niya… alam ko namang darating ang time na aalis na talaga si Mamita masyado lang siguro ako nabilisan. I wanted to serve her more, spend time with her, let her enjoy Sofia… but maybe she’s really in so much pain that she has to go. “A

