Olivia Robles Guevarra
♕ Olivia
“Ate! Wake up!” pangungulit sa akin ng kambal… nasa malaking bahay ako. Hindi na rin ako bumalik sa maliit na bahay mula ng maka alis siya. Dalawang linggo na rin ang nakalipas… dalawang linggo ng robot zombie ako - gigising sa umaga, magtrabaho maghapon hanggang wala ng lakas, uuwi para matulog next day ganun ulit. Wala naman na nagtanong after kung sabihin na, naka alala na si Sir Roman at sinundo na siya ng pamilya niya. Mukhang nakuha na nila na tapos na rin kung ano man ang meron kami. Dito naman sa bahay walang may alam sa mga nangyari sa Farm.
“Hey! Guys! Good Morning What’s up?” bati ko kambal kung kapatid, they are identical twin boys, born eighteen years after.
“Papi and Mamita are looking for you” they’re snuggled beside me, both are still in their pajamas too. Today is Sunday so kailangan kung mag report kina Papi… walang pasok, family day. Dahil sa pagsiksik ng mga kapatid ko sa tabi ko… naidlip ulit ako, pati rin ang dalawa.
“Olivia!!!” malakas na tawag ni Papi sa akin kasunod ng malakas ding katok sa pinto ng kwarto ko. Napabalikwas ako pero bago pa ako makatayo at maka baba ng kama bumukas na ang pinto… Papi… Don Carlos Guevarra came barging in
“Shhh, your errand boys are sleeping” suway ko, saka lumapit sa kanya… na ngiti na lang siya ng makita ang dalawang sa kama ko…
“Good Morning, better wake them up… you’re Mama will go berserk if she sees them still sleeping.” pabulong niyang sabi sa akin… humalik muna siya sa noo saka lumabas. Ginising ko yung dalawa, ako na rin ang nagpaligo sa kanila saka sila binihisan. Pinauna ko na sila sa baba, saka ako nag imis ng pinaghigaan namin, ginawa ko ang morning rituals ko, nagbihis saka bumaba sa komedor.
My family are all in the Dining Area… Yeah! I have a complete family now. Mama married my Papa when he came back from his travels after seventeen years of waiting for him. Did not waste time and had the twins that same year.
“Good Morning, my baby girl” bati sa akin ni Papa, nginusuan ko siya
“Good Morning Everyone!” bati ko lahat ng nasa lamesa…
Kumain kaming nagki kwentuhan tungkol sa paparating na Pasko at ang mga activities para sa mga magsasaka… Gift Giving and the Christmas Party. Everything is set already… Christmas time is always a reunion for the Guevarra Clan. Tito Octavio and Tita Olive together with their own families will be here. It is always the happiest time for Papi and Mamita.
- Kaya alam kung nawala man ang gwapong magsasaka magiging masaya ang Pasko ko. I haven’t really cried about it when I was alone maybe because I already expected it from him. Nga lang hindi ako nakatulog sa pag iisip ng mga what ifs… gusto kung paasahin ang sarili ko, na matatauhan siya… hihingi siya ng sorry at babalikan ako and happily ever after pero lagi akong sinusupla ng mabait kung utak sa mga kalokohan kung naiisip, ang ending puyat.
~~~~~~~~~
Truth to be told, I am enough for a Samuel Roman Aguila if he would know my family… but he is not looking past my Ms. Farmer facade. Wala akong balak ipamukha sa kanya kung sino ba talaga ako. Hindi pa ako desperado para gawin yun at hindi rin kami close para malaman niya ang katauhan ko. I decided to keep my old identity kahit na nagpakasal na sila Mama at Papa, para na rin maiwasan ang mga oportunista at mapagsamantalang mga nilalang.
I am Olivia Robles Guevarra, only daughter to Oliver Guevarra and Anita Robles… sister to Carlos and Antonio, my six years old twin brothers. Eldest grandchild of Don Carlos and Donya Olivia Guevarra, hence the apparent heir of the Hacienda Guevarra.
My Mama met my Papa when they were in college, they went to the same State University where I graduated. Mama was taking up Education and Economics for Papa. Ng matanggap si Papa sa Cambridge sa UK, nangako naman siyang babalikan si Mama. Pareho nilang hindi alam na buntis si Mama sa akin ng umalis si Papa.
Hindi rin sinabi ni Mama sa mga Guevarra ang pag bubuntis niya, dahil hindi rin alam ng mga ito ang dalawang taon nilang relasyon. At ayaw nga niya noong umuwi si Papa at bitawan ang pag aaral nito dahil lang sa pagbubuntis niya. Nga lang hindi umuwi agad si Papa pagka graduate niya, he travelled the world… study some more and then put up his own Investment Company in the UK. He forgot that his Anita was waiting for him…
Si Mama naman after ako ipinanganak bumalik sa pag aaral, graduated with Latin Honors… later took her Masteral and Doctorate at present she a school supervisor already.
I am what you call a confident student… I am not very competitive in academics kaya nasa honor roll man ako hindi ako laging number one. My competitive bones come out in swimming. It's something I wanted to excel and if not for my limited finances then I could have been internationally trained or maybe even be an olympian. Isa yun sa ikinatampo ko kay Papa dati… alam ko kasing kung nandito lang siya I could have done that.
Ng minsang umuwi si Papa sa probinsya na iwan niya ang picture ni Mama sa mansion. At dahil usyusero si Papi, pinahanap niya si Mama and to his surprise may apo pala siya dito.
Kinausap niya si Mama, tungkol sa akin… pero mas pinili ni Mama na huwag muna ako ipakilala sa mga Guevarra habang wala pa si Papa. Don Carlos gave me scholarship for my college education, pati na ang part time job habang nag aaral ako. Sa maliit na bahay niya rin ako pinatira para malapit sa school. Hindi ko alam lahat yun dati hanggang makauwi si Papa. I was in second year college then ng makauwi siya at ipina alam nila sa akin ang lahat. Without any fanfare, they got married in a simple ceremony, by their first anniversary the twins are on the way too. Ganun kabilis si Papa…
The Guevarra’s valued the privacy that Mama requested, kaya naman konti lang ang may alam na siya ang asawa ng panganay ng mga Guevarra. Ako rin naman, pinili kung gamitin ang luma kong identity na Olivia Robles, pero kumpleto ang papeles ko bilang Olivia Guevarra. I have certifications for that, even passport and birth cert I have two. Basically I am legally both Olivia Robles and Olivia Guevarra.
When Papa got back in the province he put up the Investment Company that’s now consolidating Guevarra's assets. It’s getting bigger now as he started to invest in utilities and infrastructure, it is mostly here in the North but I know he has plans to move it in the Metro.
When I turned eighteen, Papi started the process of training me to replace him… kaya ng maka graduate ako ng college full pledge Farm Manager na ako. Farm Manager lang ang tawag sa akin pero daig ko pa ang CEO ng isang kompanya sa lawak ng ventures ng Hacienda.
- Kaya malayong malayo sa akala ni Mr. Aguila na low-class lang ako. Sarap sampalin ng pera sa kayabangan… pero hindi ko gagawin yun, It’s one thing my Guevarra family have taught me, never change who you are just to please anybody. Never hit back on anybody who has wronged you… there is always somebody watching to send karma on them. Always be kind to anybody.
~~~~~~~~~~
“Ms. Olivia, Merry Christmas po” bati sa akin ng mga kasamahan ko. It’s the Annual Christmas Party for the workers in the Farm… kasama ang gwapong magsasaka sa mga nag plano nito. Suggestion niya ang “Fiesta Theme” para sa Party… kaya puro ng banderitas and fairy lights ang ilalim ng mga puno na nakapalibot sa pagdarausan ng Party. Dito ang opisyal na tambayan ng lahat, we call it “Assembly area” sa mga ilalim ng puno may mga upuan at lamesa sa harap nito. Ngayong gabi naman may mga additional tables and chairs in between the trees, to accommodate everyone.
Wala namang mahabang program kainan at inuman lang… prayers, messages from Guevarra Family kainan, gift giving tapos kainan at inuman na ulit.
“Maraming Salamat sa inyong lahat! Maganda ang ating ani ngayong taon. Patuloy lang sana tayong magtulungan para sa ikabubuti ng lahat. Huwag kayong mag alala nandito kami lagi para sa inyo at sana gayun din kayo sa amin. Maraming Salamat ulit! Merry Christmas Everyone. Enjoy the Party” pasasalamat yan ni Papi - Don Carlos.
Nilagay pa nila yung request ni Roman dati na maliit na platform para daw kung may gustong sumayaw, yun na rin ang ginamit na parang stage. Nakakatuwa lang na may mga sweet na mag asawang at magkarelasyon na sumasayaw…
Nakatunganga lang akong nanonod sa kanila...
“May I have this dance Mademoiselle”
“It would be my pleasure Monsieur” inabot ko sa kanya ang kamay ko habang tumatayo… hinalikan niya yun saka inilapat sa balikat niya. Hinawakan niya ako sa bewang at pinagsiklop ang kabilang kamay namin.
“You’re so Beautiful, My love” bulong niya … nasa tree house kaming dalawa, dancing to a non-existent music yet our hearts are beating as one. Humilig pa ako sa dibdib niya… napa yakap din siya sa akin… being held by him like this feels home.
He kissed me differently that night, not a peck, but a sensual tender kiss… my very first. I can feel him smiling at my shy innocent responses. Napakasaya ko ng gabing yun, I felt loved and cherished and that’s the time I knew in my heart… I’ve fallen deeply. Alam kung masasaktan ako ng sobra pag naka alala na siya… pero hindi ko sinayang ang mga oras na kasama ko pa siya. So, kinalimutan ko munang may amnesia siya at ninamnam kung ano man ang meron kami.
We cuddled all night that day, madaling araw na kami bumalik sa maliit na bahay…
- Hayyy! Memories that will haunt me forever… I hope he’s happy now that I’m out of his life. I hope someday he meet the woman worthy to be Mrs. Aguila, hindi man ako yun isa ako sa magiging masaya para sa kanya.
“Ms. Olivia...Ok lang po ba kayo” tinapik pa ako ni Ivy, my assistant / secretary… she’s a friend too marami siyang alam tungkol sa amin ni Roman.
“Ha!... Ah...Ok lang ako” nauutal kung sagot sa kanya…
“Sigurado po kayo?” hirit pa niya
“Yeah, bakit naman ako hindi magiging OK… Christmas Party natin” nginitian ko na rin siya… tumango nalang siya at nginitian rin ako
“Nandito lang ako ha” bulong niya saka yumakap sa akin… Yeah! Hindi pa namin napapag usapan ang mga nangyari at wala pa akong lakas ng loob magkwento. Isa siya sa nakakaalam sa kag*gahan ko, sa kalandian ko. Siya rin ang boses ng konsensya ko, pero dahil nga inlababu… hindi ako nakinig sa mga pangaral niya. Pero sabi ko nga hindi naman ako nagsisisi, it’s part of the memories I will forever treasure.
“Thank you my friend” balik ko sa kanya…
After gift giving umuwi na rin kaming mga Guevarra sa malaking bahay.
- What a night… I hope one day his memories will not haunt me anymore…
~~~~~~~~
“Sama ka sa amin” yaya sa akin ni Brando
“Saan naman?” balik ko sa kanya… nandito ako ngayon sa hospital, ibinalita ko sa kanila na naging effective naman yung binigay nila sa akin. Yeah! Naka survive na ako ng lampas isang buwan mula ng umalis ang lalaking yun. At tama ako, kakalimutan niya lahat ang tungkol sa Hacienda lalo na ako hindi na siya nagpaparamdam man lang.
“Luwas tayo ng Metro, mag bar hopping tayo… maiba naman” sabi ni Brando
“Sige na Oli, Ngayon lang kami nabigyan ng bakasyon” dagdag naman ni Belle
“Bar Hopping talaga, hindi ba pwedeng shopping” natatawa kung balik sa kanila
“Kasama na rin yun” sagot naman ni Belle
“Papaalam ako, gusto ko rin mag unwind” naka ngiti ng maluwag ang dalawa sa pag sangayon ko
We have five days to splurge in the Metro… shopping, spa and massage, food trip and bar hopping. We are staying in Brando’s condo unit, dati niyang gamit ito ng nag aaral pa siya. But for our last two nights we will be staying in a five star hotel, para daw malapit sa bar na pupuntahan namin. Hindi ako sanay sa ganito… si Brando lang talaga ang nakakapag sama sa akin sa mga ganung lugar, ilang beses na rin namin nagawa ang ganito sa mga nakalipas na taon.
Nangarap naman ako noon magtrabaho dito sa Metro at gagawin ko pa rin yun… pero gusto ko muna mag MBA, para naman walang masabi ang mapapasukan ko if ever. Nakapag check na ako ng mga school na gusto ko… nag aantay nalang ako ng tyempo para makapag paalam kina Papi. Alam ko namang hindi nila ako pipigilan, dati ng sinabi sa akin ni Papa na mag MBA ako dahil gusto niyang ako ang mamahala sa Investment Company niya… palit daw kami sa kanya ang Farm.
“Wow, sosyal ka talaga Brando” sa isa sa pinaka maganda at mamahaling hotel kami nag check in, ang ganda ng kwarto asa foyer palang kami… nakakamangha na ang interiors
“Stop calling me Brando, Zane ang pangalan ko” masungit niyang asik sa akin
“Sorry naman Zane… Brando” sabay tawa ko…
“Stop it Olivia! Baka mamaya Brando itawag mo sa akin sa bar… sasaktan talaga kita” pinitik pa niya ang noo ko
“Aray!” hindi ka pa ba niyan nanakit” tinulak ko siya papasok ng kwarto, muntik na siyang mapasubsob, dapat babawian niya ako buti hinatak na siya ni Belle papuntang connecting door…
“See you later, Olivia” sabi ni Belle… si Zane naman pinanlakihan ako ng mata
Nagkita kita kami ulit dinner time… saya ng ngiti ni Zane malamang naka score ang loko. After dinner, bar kami… Madilim ang paligid ng bar alam mong mga yayamanin lang ang nakaka pasok dito. Black and Gold ang color theme… semi circular booth seats, comfortable couches surround the area. The bar itself is wonderfully designed… a huge butcher block bar counter, back lighted glass back bar is adorned with bottled wines and intricately designed wine glasses from different places around the world, ang ganda…
Sa mga couches kami naupo… sabi ko nga sosyal tong si Zane, nasa medyo VIP section kami nakapwesto. Drinks are being serve to us, pinuntahan din kami ng isa sa mga owners, kakilala niya si Zane. May mga kaibigan din siyang dumating… at ang loko off limits daw ako sa mga gustong makipag kilala, kainis ginawa akong kapatid niya. I need new friends para maka move on, Bwisit!
“I need to use the loo” bulong ko kay Belle