QUATRO

2705 Words
Aksidente ♔ Samuel "Samuel, hatid mo naman ang Mommy mo sa Hacienda... Please" paglalambing ni Mommy sa akin, nandito siya sa opisina ko, nakaupo sa upuan sa harap ng lamesa ko "Mommy, I'm so busy right now... I'll ask Kuya Rey to drive you there" sagot ko sa kanyang naka tingin sa mga papeles sa harap ko... saka ayokong bumiyahe ng walong oras, anas ng utak ko "But I want you to drive me, hindi na tayo nakaka pag road trip at matagal ka na ring hindi dumadalaw sa Hacienda... na mi miss ka na ng Lolo at Lolo mo" hirit pa rin niya... alam kung naglalambing lang to, mula kasi ng nagtatrabaho na ako nawalan na akong oras sa kanya. "But Mommy, that's a long drive... can we at least bring along Kuya Rey" si Kuya Rey ang driver niya... kung bakit pinipilit niya ako ngayon ewan ko. "I want some time alone with my boy, is that to much to ask from you?" may pagtatampo na ang tuno niya, ng tingnan ko siya nakanguso na at naka halukipkip ang mga kamay sa dibdib niya "It's summer time, hindi mo ba na mi miss ang pag babakasyon sa Hacienda" habol niya pa... trying her best to convince me. Gusto ko naman sana yun kaya lang ang dami talagang trabaho ngayon may mga proposal akong naka binbin, may mga kailangang pang negotiate para ma close out. "You always look forward to summer in the Hacienda noon and you were genuinely happy there. Ngayon parang kinalimutan mo na ang tumawa man lang lagi kang nakunot ang noo, pati Mommy mo hindi mo manlang mapagbigyan sa munting hiling niya" mahaba niyang litaniya... simpleng panenermon. Hayyyuu! Tumayo na siya at naglakad palabas ng opisina ko... Hay naku po, nagtampo na... "I'll make time for you" habol ko sa kanya... napahinto naman siya at humarap sa akin nag aantay sa sasabihin ko "Just, let me fix my schedule first OK" nilapitan ko siya at niyakap, saka humalik sa noo... nangiti naman na siya. Hayyy! hirap maging solong anak Tama naman siya matagal na kaming hindi nag bo-bonding... iba naman na kasi ang panahon ngayon, I have bigger responsibilities now. Pasalamat nalang ako hanggang ngayon tinutulungan niya pa rin ako kahit palihim dahil nagagalit si Daddy. My Mom have been a great help sa mga unang taon ko sa trabaho siya talaga halos ang nagtrain sa akin. Malaki ang pinagbago niya kung noong bata pa ako... nag step back siya sa kumpanya at si Daddy ang pinangasiwa niya dito... noong mag high school ako bumalik siya sa kumpanya. Napansin ko na rin ang pagbabago sa kanya hindi na siya sunud sunuran lang kay Daddy, I don't know what happened... pero mas gusto ang pagbabago na yun kay Mommy. Kung sasamahan ko si Mommy pauwi sa probinsya, kailangan sinupin ko mga maiiwan kung trabaho dito, dahil siguradong hindi niya agad ako paluluwasin sa Metro. May pagka obsessive compulsive pa naman ako sa mga gamit ko, gusto ko lahat alam ko kung saan nakalagay... paper or e-files man yan, kaya nga aside sa PA/EA ko, may secretary pa ako na may assistant din. At kailangan nila ako orient sa lahat ng mga papeles na meron kami. Pwede naman humalili minsan sa mga meeting ang PA/EA ko, pero hindi ako pwedeng magtagal doon, siguradong ikakagalit na naman yun ni Daddy. Pero buti nalang nagyaya si Mommy, matagal na rin talaga akong walang break... at wala naman sigurong masama kung bumalik ako sa lugar na minsan talagang nagpasaya sa akin. Na miss ko rin ang Hacienda at ang mga tao doon... napasyal naman na ako mula noong primary years ko but never na summer, family occasions or holidays kasama mga pinsan ko at hindi ko na rin nakasalamuha mga naging kababata ko talaga doon. - "Na miss mo lang ang Livi mo eh, dalawin mo kaya sa kanila" anas ng mabait kung utak -"Yeah, paano ko ba makakalimutan ang babaeng yun, mula ng last kami magkita ilang beses na rin akong nag zone out dahil sa naalala ko siya, pati mga babae ko na co-compare ko na sa kanya! Bwisit! The Summit was just three months ago, three months na rin akong parang tangang nawawala sa sarili pag naaalala ko hitsura niya noong Awards Night. Tang na! Nabubuhay lagi ang kaibigan ko... Tang nang! L*bog yan! H*yop ka Aguila... pati si Olivia pinagnanasaan mo na. P*ta! naman kasi bakit ba ganun na yun ka alindog... Sh*t! F*ck nabaliw na naman akong kausap ang sarili ko dahil sa bubuwit na yun. - Kung sabagay bata pa kami noon, gusto ko na siyang halikan... Sh*t! Get out of my head Olivia Robles!? ~~~~~~~~~~ After a week, madaling araw kaming umalis ni Mommy ng Metro... para bago mag tanghali nasa Hacienda Valmonte na kami. We are using my latest baby... a Range Rover Evoque, Yeah! my baby is a car... Toys for the Big Boys as they say. Parang bata ang nanay ko, tuwang tuwa na napagbigyan ko siya... God! parang ang sama ko ng anak tuloy. "Thank you Anak!" mangiyak ngiyak niya pang sabi sa akin "You're Welcome, anything for my Mom" nagliwanag ang mga mata niya "Really, anything?" hirit niya pa "But not the girlfriend thing Mom" warning ko kaagad sa kanya, matagal na niyang inuungot sa akin ang magtino na ako sa mga babae. "I thought anything for your Mom?" sabay irap niya sa akin "Mom, please ayoko po mag girlfriend masyado silang clingy at demanding" minsan ko ng sinubukan ang pakikipag relasyon, sakit sa ulo lang nakuha ko and I hate the responsibilities ng relasyon at lalo na ang salitang commitment, allergic ako dun. Andami naman diyan umaako na girlfriend ko sila bakit kailangan pa pahirapan ang sariling manligaw, I don't usually go back to the same girl, one time lang di na ako umuulit. Yung mga umi-escort sa akin sa mga functions na pinupuntahan ko, hindi ko pinakiki alaman. Lalo na mga anak ng kaibigan nila Mommy baka mamaya ma pikot pa ako ng wala sa oras. Sabi ng mga kaibigan ko baka hindi ko pa natatagpuan ang "the one" for me, siguro nga. "Tanda mo na Samuel, magtino ka na" singhal niya sa akin "Mommy, bata ka pa para maging Lola" alam kung ikatatahimik niya yun, lagi niyang sinasabi na hindi pa siya handa Natahimik siya... Haaa! sabi na nga ba. We reached the Hacienda by noontime... stayed for two nights saka ako bumiyahe mag isa pabalik ng Metro. Nag paiwan pa kasi si Mommy... ~~~~~~~~~~ ♕ Olivia "Good Morning Olivia" bati ng isa sa mga Assistant Manager ko sa Farm, May kanya kanyang area kasi ang mga Assistant ko. Rice and Rice Dealing, Fruits and Vegetables, Livestock and Poultry Raising yan ang mga areas nila. "Good Morning din sayo, anong atin?" bati at tanong ko sa kanya "May delivery ng bigas mamayang gabi kina Lustre, sasama ka ba?" ito kasi ang sinu-supplayan naming nagka problema dati... "Sige, para wala na silang masabi" balik ko sa kanya "Ok lang ba sayo baka gabihin o baka nga umagahin tayo sa biyahe" nag aalala niyang sabi "Magdadala nalang ako ng sariling sasakyan" habol ko pa... truck kasi dala nila, may pick up naman dito na pinapagamit sa amin ng Hacienda. "Sabay ka nalang sa akin" dagdag ko pa "Ok, sige para may kasalitan ka mag drive" pag sangayon niya sa akin I'm back in my routine, after the Summit... bahay - trabaho - bahay. Mag three years na rin na ganito ang routine ko, paminsan minsan lumalabas naman ako, lalo na pag nadadalaw sina Charles at Maxine. Akalain mong pinatulan ni Maxine ang mukong na si Charles. Both of them went to the Military School in the Summer Capital at doon yata lalo naging close. Hayy! ako kaya kelan, kung sabagay bata pa naman ako... malayo pang mawala sa kalendaryo. Madami naman ang binata dito sa Hacienda may mga pinag aralan din, nga lang karamihan ilag sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit na pupunta ang utak ko sa batang mayamang taga Hacienda Valmonte, kapag sumasagi sa isip ang pakikipag relasyon. Masyado yata mataas ang standard ko... pero bakit naman hindi may karapatan naman ako noh. "Crush mo nga kasi" anas ng sutil kung utak... Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Greek God na bumaba sa lupa, yayamanin pa. One of the Youngest Billionaire sabi nga sa mga magazine na cover siya... "a force to reckoned with" sa business world, san ka pa. Bulag at manhid nalang ang hindi magkaka gusto sa kanya, pero hindi kailangan gumaya sa mga nagkakandarapang mga babae sa kanya" - Oo na, type ko siya... babae din lang ako na aatract din sa opposite s*x, pero hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa Summit sa amin, pag may pagkakataon reresbakan ko pa siya... Papalubog ang araw ng umalis kami ng Hacienda, nagpasabi nalang ako sa malaking bahay na late or umaga na ako makakauwi. Sanay naman na sila sa oras ng trabaho ko, mas madalas pa nga ako sa maliit na bahay natutulog. Sila Aling Sonia at Mang Kulas ang katiwala ng maliit na bahay... ito ang dating ancestral house ng Hacienda. Nagpagawa lang ng bagong bahay ang mga Guevarra ng lumaki ang mga bata, inilapit na rin nila ito sa b****a, malapit sa daan. Ang maliit na bahay nasa may likod pang bahagi pero may sarili itong access road na hindi na dadaanan ang malaking bahay. Doon din kasi ang daanan ng mga delivery ng Farm pati na ng mga tauhan. Halos hating gabi na kami natapos mag diskarga ng delivery namin, kumain muna kami bago bumiyahe... sucess naman ang pagsama ko naayos ko ang reklamo dati ng mga Lustre. Nagpalit kami ng kasama ko sa pag drive... siya naman ngayon ako kasi ang humawak sa manibela papunta. Masaya naman mag road trip dito nga lang may mga portion na zigzag at bundok pa. Minsan din may mga taga bundok na nangangahas na humarang sa mga dumadaan. "Matutulog muna ako, pagka baba sa zigzag paki gising nalang ako" sabi ko sa kasama ko, nasa likod namin ang truck at alam kung may escort din kami. "Sige matulog ka na po" pini-po pa rin nila ako kahit na mas matanda sila sa akin... ganun kami lahat paggalang para sa lahat. "Gisingin mo po ako paglagpas ng zigzag" paalala ko sa kanya, ayaw ko kasing matulog all the way... masakit sa katawan. "Ok po" ni-recline ko ang upuan ko, saka umidlip Nagising ako sa pag yugyog sa balikat ko... lampas na ba kami ng zigzag? "Naka baba na tayo?" umiinat kung tanong sa kasama ko, nakahinto na rin kami... pagsilip ko sa bintana nasa zigzag pa kami... madilim sa labas pero may ilang mga headlights na umiilaw sa harap namin... "Hindi, may na disgrasya po yata" nginuso niya ang harap namin... isang magarang sasakyan ang mukhang nag skid at bumangga sa barrier sa gilid ng kalsada. Lumabas kami ng sasakyan para maki usyuso... Laking gulat ko ng mapag sino ang nadisgrasya, naka sandal ito sa driver seat may dugo ang noo. May mga lalaking lumapit dito at walang ingat itong inilalabas sa sasakyan... halatang may mga kargada pa, Sh*t! baka mga taga bundok mga to... "Excuse me, rescue po ba kayo" dalidali akong lumapit at sinita ang mga lalaki... makalas loob ko kita ko sa likod ng mga sasakyang nakahelera ang escort namin. "Hindi po... kasama niya... po kami" nauutal na sabi ng isa sa kanila... kita sa mga mukha nila ang gulat na may nag tatanong. "Sigurado po kayo?" maangas kung tanong sa kanila... dali dali nilang binubuhat ang nadisgrasya at dadalhin yata sa sasakyan nila. Sino maniniwalang kasama nila yun eh, kakaragkarag na pick up ang pinagdadalhan nila sa biktima samantalang Range Rover Evoque, ang sasakyang nung nadisgrasya. "Mga Kuya, pwede ba tayong mag usap" lumapit ako... nailipat na nila sa sasakyan nila yung tao. Nakilala yata ako nung isa sa mga kasama nila. "Kailangan lang po" sabi niya sa akin... "Kilala ko yan, mga Kuya... ibalato niyo na sa akin" nginitian ko yung naka kilala sa akin "Paano kami Mam" sabi niya "Ako bahala sa inyo" sinenyasan ko ang mga kasama ko na kunin yung walang malay na biktima. Wala naman ng nag protesta nilapitan na kasi kami ng escort namin. Maingat itong nilipat ng mga kasama ko, napa lakas yata ang impact dahil wala pa rin itong malay, may pulso naman. Pina check ko ang Range Rover Evoque, sa escort namin, buti nalang umaandar pa naman to... pina-drive ko na rin pa baba sa kasama namin, may malaking bangga ito sa gilid... basag din ang isang headlight, kaya naka hazzard kaming magkaka convoy. Hinatid namin ang pasyente sa pinaka magarang hospital sa probinsya... nagbilin ako na pag nagising tanungin nalang ng mga detalye tungkol sa kanya. Ayoko kasing sabihin sa kanila baka may magka interes na naman sa yayamin na mama. Nag bayad ako para ma admit siya, buti may suite na available baka pag magising sa ward magwala. Pina CT scan ko na rin para sure na wala siyang internal damage, mahirap na baka may internal bleeding na pala siya. Buti nga kumpleto na ang Hospital namin dito sa probinsya hindi na kailangan mag punta sa Metro para sa mga scans na yan. Buti nga napaki usapan ko yung mga gustong kumuha sa kanya kanina. Wala naman na akong contact sa Mommy niya... siguro naman pag gising niya... makaka diskarte na siya sa sarili niya pati na pag uwi niya. Iniwan na rin namin ang sasakyan niya sa parking ng Hospital. Galing siguro yun sa Hacienda nila, kung bakit kasi walang driver... hindi naman siya sanay sa kalsada dito. Mainit pa naman sa mata yung mamahalin niyang sasakyan, kaya siguro pinagka interesan siya nung mga loko. "Olivia, talaga bang kilala mo yung taong iniwan natin sa Hospital?" tanong sa akin ng kasama naming escort "Yes, killala ko... ayoko lang na ako ang makagisingan niya. Masungit yun sa akin" natatawa kung sabi, na-iimagine ko magiging reaction niya kapag ako na bungaran niya pag nagka malay siya. Singhal sigurado aabutin ko sa kanya. "Ganun, nagagandahan lang yun sayo... kaya ka sinusungitan" pag bibiro niya sa akin, natawa ako ng malakas sa kalokohan niya "Naku, huwag na huwag mong ipapa rinig yan sa lalakeng yun... mag aamok yun sa biro mong ganyan" "Aba, sa ganda mong yan susungitan ka niya... wala siyang karapatan. Babangasan ko ang pogi niyang mukha ng matauhan siya" natawa na rin tong kausap ko "Hayy, naku hayaan nalang natin siya. Hindi nga ako sure kung magpapasalamat yun sa pagtulong natin sa kanya" talagang hindi ako sure baka nga magalit pa yun. Kaya nga din pangalan nung tauhan ko ang iniwan ko sa Hospital kahit na kilala naman ako ng mga doctor at nurses sa Hospital na yun. "Sama pala ugali" saka siya tumahimik... Mabait naman yun, ayaw lang talaga niyang ma iugnay sa akin kaya panay ang iwas at tanggi na minsan kaming nagka kilala. ~~~~~~~~~ "Hello po, si Mam Olivia Robles po ba to?" pag kumpirma ng nasa kabilang linya "Yes po, si Olivia po to, saan po to?" balik ko sa kausap ko sa telepono "Mam, sa Hospital po to... yung pasyente pong dinala niyo kagabi, nagising na" buti naman "Ok lang po ba siya?" tanong ko... kahit naman masungit yun sa akin, hindi ko naman hinangad na madisgrasya siya or mapasama "Ok naman po siya, pero kailangan niyo po siyang balikan dito Mam" sagot niyang nagpakaba sa akin... Sh*t! anyare... "Akala ko po ba Ok naman siya... bakit kailangan pa ako?" putek! anong meron "Mam, may problema po kasi" Anak ng Tinapa... "Puntahan niyo nalang po, may sasabihin din po kasi si Doc Zane sa inyo" habol niya pa... - Bwisit na Samuel Roman, ano ba nangyari sa kanya. Dami ko gagawin dito sa opisina dadagdag pa siya. Pwedeng pwede naman siyang tumawag ng helicopter para madala siya sa Metro. Nalaman ba niyang ako ang nagdala sa kanya sa Hospital??? Sh*t! Lagot na! Letse! Abala! Wala pa nga akong maayos na tulog dahil sa kanya. Bwisit!!! Hayyy! Anak ng Tipaklong! Talaga naman! tumulong ka na nga... napa sama pa yata... Kapag minamalas ka nga naman...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD