CINCO

2704 Words
Amnesia ♔ Samuel Nagising ako sa isang parang napaka habang tulog... Sh*t! Where am I? white walls all around, smells antiseptic? What the heck? antiseptic... antiseptic... I'm in a hospital. Ng iginala ko pa ang tingin sa paligid doon ko lang napagtantong may nakakabit din sa braso ko na IV drip. Nag isip ako... Holy Sh*t!?#@ F*ck! Oh my God! Sino ako? Paano ako napunta dito? Huminga ako ng malalim baka naman masyado lang ako nag panic, pumikit ulit ako... saka dahan dahan nag isip. Sh*t! Sh*t! Sh*t! wala talaga. Sumakit din bigla ang ulo yung parang binibiyak ba, kaya napa hiyaw na ako... Mabilis na nagdatingan ang nurses... may naka sunod ding doctor "Sir! calm down... please" pakiusap sa akin ng doctor... nakahawak ako sa ulo kung sumasakit... halos maiyak ako sa sakit, Sh*t! anyare sa akin. Pilit kung kinakalma ang sarili ko... kailangan malaman ko anong nangyare sa akin pati na kung nasaan ako. "What happened to me!? Why am I here?!" pasinghal kung tanong sa doctor ng humupa ang sakit... "You were involved in an accident, Sir. You hit your head" paliwanag niya sa akin, kinapa ko ang ulo ko... nakapa ko ang isang malaking bukol sa gilid ng noo ko, na may takip na gasa. "Kamusta pakiramdam niyo Sir, may masakit po ba sa katawan niyo?" tanong ng doctor sa akin "I have a splitting headache before you came" balik ko sa kanya "OK, other than that... meron pa po bang masakit sainyo?" tanong ulit niya, alam kung routine check yung mga tanong niya. Pinaki ramdaman ko katawan ko, other than the bump on head wala namang ibang masakit sa akin. "Nothing" sagot ko... saka ko na alala ang natuklasan kung wala akong maalala sa kung sino ako at paano ako napunta sa hospital na to. "What did you do to me?!" tumaas na naman ang boses ko... "Sir other than, treat the wound on your head... we did nothing to you" malumanay niyang balik sa akin "No!?@# this Hospital did something to me" sigaw ko na sa kanya... nag papanic na naman ako... "Sir, calm down... wala kaming ginawa sainyo, inaantay talaga namin kayong magising para magawa ang ibang mga test sana." paliwanag niya "No! F*ck you all, something happened to me!!! How did I get here?!" singhal ko pa rin, hindi ko na napigilan ang galit at takot ko para sa sarili ko. Hinablot ko ang IV drip na naka kabit sa akin at pilit na tumayo... I can't stay here... I need to find myself "Sir, Sir... wait lang, relax lang po" alo sa akin ng doctor... pilit akong hinahawakan at pinababalik sa hospital bed. "No! I can't stay here?!" singhal ko ulit sa kanya saka siya tinabig... dali dali akong lalabas sana ng kuwarto, pagkabukas ko ng pinto... napaka laking pagkakamali, mas lalo akong malito... nagpalinga linga ako sa hallway na nabungaran ko, Saan ako pupunta, ni hindi ko alam kung sino ako. Sh*t! F*ck! nasapo ko na naman ang ulo ko. "Sir... Ok lang kayo" kasunod ko lang pala yung doctor at takang taka ito sa kinikilos ko. "No! I don't know where am I going... Hell! I don't even know who I am" nanglulumong sagot ko sa kanya... I feel so helpless, God what happened to me? Napahawak ako sa hamba ng pinto, lalabas ba ako o babalik sa loob. "What do you mean Sir?" tanong ng doctor "I don't know my name, I don't who I am... I don't know how I got here... I can't even remember the accident you're saying" sagot ko saka bumalik sa loob, naupo ako sa hospital bed at sinapo ang ulo ko sa mga palad ko. "Ano pong? hindi niyo alam ang pangalan niyo?" pabulong na halos na tanong ng doctor... "I have a blank memory, before I woke up today... totally nothing" halos hindi ko mabigkas ang katotohanang natuklasan ko mula ng magising ako. Bumuntong hininga ako... pero nanginig ako kinakain ako ng takot sa loob ko. Napansin yata ng doctor ang panginginig ko... "Relax lang Sir, we will take some test para sigurado tayo, Ok relax lang" tinapik niya ako sa balikat, Tinanong niya ako ng mga personal na bagay, na wala talaga akong maalala. Saka siya tumawag sa kung sino... sabi niya dito na may pasyenteng nangangailangan sa kanya. Bumalik ako sa pagkakahiga, para akong batang nawawala... hindi alam ang gagawin. "Baka nagugutom po kayo Sir, may gusto po kayong kainin? alok sa akin ng doctor... wala akong gana, food is the least on my priority now, kaya umiling nalang ako. "Relax lang po Sir ha, antayin natin ang doctor na mag run ng other tests for you. Maiwan ko po muna kayo, kung may kailangan kayo pindutin niyo lang po ang call button na yan" tinuro niya ang isang button sa kama kung saan ako nakahiga. Ng makaalis silang lahat nagmasid ulit ako habang naka higa... I'm in a suite, a hospital suite. Sino kaya nagdala sa akin dito? Hindi ko man lang natanong kung nasaan ako? Hindi ko alam kung bumilang ba ng oras... nakatanga lang kasi ako sa kisame. Kung tama ang assumptions ko, I'm suffering from amnesia. And it's scaring the hell out of me... may pamilya ba akong nag aalala sa akin? May trabaho ba ako at saan yun? Kung naaksidente ako, anong klaseng aksidente? Taga dito ba ako or dayo lang?... paano ako napadpad sa lugar na ito. Tama si doctor kailangan relax lang ako... I need to find my things malamang doon ko malalaman ang identity ko. Pero kahit naman malaman ko ang pangalan ko, sino ako? If ever my address ako sa mga gamit ko... uuwi ba ako doon kung hindi ko naman sila kilala? Sh*t! this is complicated... Maya maya may kumakatok... pagbukas ng pinto, dalawang doctor ang pumasok yung kaninang nag check sa akin at ang isa bago sa paningin ko. Ito siguro ang tinawagan niya kanina at ito ang mag ru-run ng test para sa akin. "Kamusta pakiramdam Sir" tanong nung unang doctor na nag check sa akin... bumangon ako sa pagkakahiga at humarap sa kanila "I'm Ok, it's just the wound on my forehead is a bit painful" sagot ko "Ok po, may iba pa po bang masakit or sumakit?" umiling nalang ako "Ok, This is Doctor Ortega... He is Neurologist. He will be running some test on you, para sure po tayo sa kalagayan niyo Sir" pakilala niya sa kasama niyang doctor "Ok" yun nalang nasambit ko... Neuro a brain doctor. He asked me some questions about myself and whatever I remember. Napatango nalang siya ng wala nga ako maisagot. Inabot niya sa akin ang isang tablet at may pinapasagutan sa akin... it's a cognitive tests. Hindi ko alam kung bakit alam kung yun ang tawag doon. "Just answer some questions for now... I'll let you have the full test later" sabi ng Neuro... nangiti siyang mabilis kung natapos ang pinapasagutan niya. "I think we have a genius here, that test takes time to answer yet it's so easy for you." nangingiti niyang sabi sa akin "That's a cognitive test Doc, I'm also surprise that I recognize it... maybe I've taken such test already" balik ko sa kanya... natuwa naman ako ma mukhang matalino ako "As an early assessment, I think you're suffering from retrograde amnesia... it's just odd that you don't remember anything... even your childhood" sabi niya sa akin "I also thought about that a while ago" sagot ko sa kanya "Ok, at least you're calm about it" napatawa pa siya... siguro nga yung iba nag hi-hysterical. I'm afraid too but I won't run amok... it's a shame that I was so out of control of my emotions when I first woke up. But after I was able to think about it... I have to be reasonable about it, there's nothing I will achieve if I get angry and mad about what I have now. Nginitian ko nalang sila "Yeah, I'm sorry Doc... I was way out of line a while ago" hingi kong paumanhin doon sa doctor na nag check sa akin kanina, bata pa rin ito siguro kasing edad ko lang din... "Ok lang po yun Sir, I'll be like that too kung wala akong maalala sa paggising ko" sagot niyang naka ngiti sa akin Iniutos ng Neurologist na mag MRI scan ako and to my surprise this hospital is equipped. At mas lalo akong nagulat na nasa probinsya ako ng mga palay... I'm in the "Rice Granary of the country". Paano ako na padpad dito. “Doc, would you know who brought me here?” tanong ko sa kanila “Would you like to talk to them” balik niya sa akin “I hope so, I would like to know about the accident” sagot ko… yun lang tagala ang gusto ko malaman “Ok, I’ll check if she’s available” nangingiting sabi ng doctor… babae ang nagdala sa akin dito? kasama ko ba siya, I’m a healthy male… may girlfriend ba ako or asawa, I think I’m still young to be a married man. “She? A girl brought me here?” nakikita ko ang ngiti sa mga mata ni Doc, baka kilala niya… “Not a girl, A woman Sir… you’ll see” ewan ko kung bakit nahawa ako sa pagngiti ni Doc "Oh my God, you two... your smiles are creeping me out. Ngayon palang naawa na ako doon sa babaeng sinasabi mo Doc" tawang tawa ang Neuro sa amin, pinagmamasdan pala niya kami… “Poor Girl” habol niya pa... "Lucky me" isip isip ko lang... Nagkatawanan kami... ~~~~~~~~~~ ♕ Olivia "Brando, why did you have to asked me to come back for that patient, I told you to take care of him" masungit kung bungad kay Doctor Zane Brando Alcantara, laking pasalamat kung ito ang naka duty kagabi ng dinala ko ang pasyente. He's a schoolmate and a friend too. "Sh*t!" bulalas niyang bigla, naibagsak niya ang mga paa sa sahig na nakataas sa lamesa niya. Hindi manlang kasi ako kumatok bago pumasok sa opisina niya... sabi naman ng nurse wala siyang pasyente. "Olivia... aatakihin ako sa puso sayo" habol niya pa "Matutuluyan ka talaga, bwisit ka... bakit pinapunta mo pa ako dito" asik ko sa kanya "Eh, hanap ka nung poging dinala mo dito kagabi" nangingiti niyang sabi "Anong hanap ako, hindi niya naman alam na ako nagdala sa kanya dito... at naki usap na ako sayo di ba na ikaw na bahala sa kanya at ayokong malaman niyang may kaugnayan ako kung paano siya napunta dito" mahaba kung bunganga sa kanya "Bakit ba parang iniiwasan mo yung tao, mukhang gusto lang naman magpasalamat" kinunot niya pa ang kanyang noo, may mapanuksong ngiti... "Brando, that guy would not appreciate it... if he knows about my involvement with him being here" malumay ngunit madiin kung sabi "Parang may something... tama ba ang basa ko, kilala mo siya? tanong na naman niyang malawak ang ngiti... "Yes!... No... No... No... I mean I don't know him, nagmalasakit lang ako dahil nadaanan namin siya at baka makidnap pa. Alam mo naman diyan sa zigzag madami masasama ang loob" paliwanag ko "Masyado kang defensive Dear... Yes!, kilala mo siya... No!, ayaw mo lang malaman niyang ikaw ang nagdala sa kanya dito. Now I get it" pag analyze niya sa mga sinabi ko "No, hindi ko nga siya kilala" pagtanggi ko "Alam mo, hindi mo dadalhin dito yang taong yan kung hindi mo kilala ang layo ng zigzag, you could have brought him sa pinaka malapit na District Hospital. Pero dito mo siya dinala sa pinaka equipped, pinaka magara, pinaka advance na Hospital. Pina CT Scan mo pa para sigurado. Suite pa ang gusto mo para sa kanya" seryoso niya ng sabi sa akin "At salamat dito mo siya dinala... Huwag kang mag alala kung iniiwasan mong makilala ka niya. I'm sure magagawa mo pa rin yun ngayon." habol niya pa "Ha? paano? saka bakit pinapunta mo ako dito" tanong ko "I'll tell you later, but you have to tell me first kung sino siya at kung paanong kilala mo siya?" seryoso niyang sabi sa akin... saka ako hinila sa sofa sa loob ng opisina niya, kanina kasi nasa harap ako ng lamesa niya nakaupo. Hayy naku po wala na akong kawala, uusisain niya ako forever pag hindi ako mag ki-kwento. Isa siya sa pinaka close kung kaibigan kaya kilala ko kung gaano siya ka kulit. Kuya ko siya noong high school, he was a Junior ng mag Freshman ako. Matatanda talaga mga naging kaibigan ko noon. Wala akong nagawa kung hindi i-kwento sa kanya ang mga encounters ko sa lalakeng yun. Iniwasan kung bigyan ng interes ang kwento ko dahil baka mahalata niyang interesado ako sa pasyente niya. Pag katapos kung mag kwento pinagtawanan ako ng malakas ng loko. Bwisit! "Alam mo, siguro humiling kang sana hindi ka niya kilala talaga" tawang tawa niya pa ring sabi sa akin... sarap batukan ng doctor na to. "Halika, samahan kita kay pogi... para makapag pasalamat na sayo." baling niya sa akin "Ayoko nga, ang kulit mo... yung Assistant ko nalang pakilala mong nag dala sa kanya dito" pilit kung pakiusap sa kanya "Magagalit lang yun... sabi ko sayo at ayokong masinghalan at masungitan" dagadag ko pa "Trust me Dear, hindi mangyayari yun... mamaya explain ko sayo" pilit niya ako hinahatak palabas ng opisina niya Napahinga nalang ako ng malalim ng nasa harap na kami ng pinto ng suite ni Samuel. Dito ko rin siya iniwan kagabi... ay mali kaninang umaga na pala. Kumatok si Zane... may nagsalita namang "come in" mula sa loob. Naka upo ito sa kama at naka hospital gown pa rin, ng mabungaran namin. What the heck bakit hindi pa siya nagpa discharge... mukha namang ok na siya. Gulo gulo pa rin ang buhok niya, may stubble na rin kung sabagay dose oras din itong tulog. - Pero ang gwapo pa rin noh! anang utak kung malikot at makulit... Shut it! Brain... Nakatingin siya sa akin, na parang akong ang pinaka magandang babaeng nakita niya.. What the heck! may maliit ding ngiti sa mata niya... "Hello Sir, Kamusta ang pakiramdam? May masakit pa po sa inyo?" pagbati sa kanya ni Doc Zane "I'm feeling Ok now Doc" sagot niyang sa akin nakatingin... mula ng pumasok kami ng kuwarto nakatitig na siya sa akin, naiilang na nga ako. Bwisit! Hindi ako makaiwas ng tingin, inaantay ko ang singhal or sungit niya sa akin. Kita ko sa gilid ng tama ko ang pag ngisi ni Doc Zane. "Sir, pala siya po ang nagdala sayo dito" pakilala sa akin ni Zane, Bwisit! talaga papahamak pa ako, lalo pa akong sinipat ni Samuel... mula ulo hanggang paa, saka ngumiti... ngiting malamang sa mga babae niya lang ginagamit... ngiting mapang-akit. Sh*t! are you kidding me, is he seducing me. G*go lang ang mama... "Thank you for bringing me here, Mam... You save my life... Thank you! Thank you! Thank you!" pasalamat niyang nakangiti pa rin sa akin... kita sa mukha niya ang sincerity sa sinasabi niya. Walang halong sarcasm... Well... Well... miracles do happen, isang himala na mukhang mabait siya sa akin ngayon. "Siya po si Ms. Olivia" dagdag pa ni Doc Zane, na ikinakunot ng noo ko... "Miss Olivia, I don't know how I thank you enough, you literally gave me a second chance in life" so hanggang ngayon magpapanggap talaga siyang hindi ako kilala. I so hate him, sarap kaltukan... "You're welcome Sir, just helping a stranger on the road" kung hindi niya ako kilala, ako din... "Thank you again, I asked for you here because I wanted to know what happened. Where was I when you saw me? Doc told me I had an accident but I don't remember anything about it" kausap niya sa akin... Anong "I don't remember"... tumingin ako kay Doc Zane, tumango siya sa akin. "Sir, here is suffering from some kind of memory loss... early assessment is he is suffering from retrograde amnesia. Doc Ortega will be running more test on him para sigurado tayo sa kalagayan niya." paliwanag ni Doc Zane... Amnesia! Ano bang kalokohang pinagsasabi nitong si Zane, ako lang hindi niyan kilala. Baliw na lalaki! Mapag panggap! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD