Hospital
♔ Samuel
"Oh my God, you two... your smiles are creeping me out... “Poor Girl”"... "Lucky me" isip isip ko lang...
"Lets go Sir" aya sa akin ng nurse... may dala pa siyang wheelchair. Dadalhin niya kasi ako sa MRI Scanning Room pati na rin sa ibang Laboratory Room sa iba pang Lab Test.
"I can walk Sir" natatawa kung sabi sa kanya... saka ko siya tinapik sa balikat. Natawa na rin siya... Lumabas kami sa hospital suite, namangha ako kung gaano ka modern ang hospital na to. Mahal siguro dito... paano kaya ako magbabayad, may pera ba ako? Nasaan kaya ang wallet ko? Mayaman ba ako or mahirap, kung sa kutis ko titingnan mukha akong mayaman... pero malay ko maalaga lang talaga ako sa sarili. - Hayyy, nag o-overthink na naman ako... sabi pa naman ng Neurologists kanina ipahinga ko muna ang utak ko, baka daw napagod lang ito kaya ayaw maka alala ngayon.
He brought me to a waiting area for the Basic Laboratory Test, they did a Complete Blood Count and I requested for Blood Chem and Blood Lipid Test. I'll have to wait for tomorrow for that because it needs fasting. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang idea na yun, but I wanted that tests for me. We also did a Urinalysis and Fecalysis, Chest X-rays and ECG. Buti nalang konti lang ang kasabay namin na nagpapa Lab, kaya mabilis kami natapos. Saka kami nag punta sa MRI Scanning Room.
Lampas dalawang oras din kami nag Lab test.
"Gutom na po kayo Sir?" tanong ng nurse na escort ko... napaisip ako, kailan nga kaya ako last na kumain?
"I am, but I think I need to check with the Doctor if I can already eat a full meal... I don't even know when was my last meal. And I don't want to upset my stomach, it might add to my already problematic situation. You know what I mean" mahaba kung paliwanag... tumango naman siya, iniwan niya na ako sa suite. Sandali lang, bumalik siyang may dalang isang parang breakfast bar, maliit na lalagyang may laman namang mix nuts saka tubig na inumin.
"Sir, ito po pantanggal ng gutom kahit konti... hindi rin mabibigla ang tiyan niyo diyan. Baka po kasi maubusan na rin kayo ng sugar masama din po yun. Wala na po kasi kayong IV Drip" ang bait naman ng taong to, hindi niya naman ako kilala... ako kaya mabait kaya akong tao?
"Thank you, Sir" nginitian ko siya, God! Salamat talaga sa Diyos... sa mga taong nagmalasakit sa akin. Sa nagdala sa akin dito sa Hospital, utang ko sa kanila ang pangalawang buhay ko kahit na wala akong maalala sa dati kung buhay. Iniwan niya rin ulit ako pagkatapos pag bilinang magpahinga na muna.
"Come In" sabi ko sa kumakatok, baka yung Doctor ulit... bumangon ako sa kama.
"Holy Sh*t!, What the H*ll? A Venus incarnate! Beautiful Round Eyes, Slightly Curly mid-length hair, Fair Skinned, Luscious F*cking Lips... Sh*t! saan nanggagaling ang paghanga ko sa magandang... NO! napaka gandang dilag sa harap ko ngayon. Siya ba nag dala sa akin dito? Is this coincidental... how can I be that fortunate, she's heaven-sent ngayon palang nararamdaman ko na yun. God! Salamat sa Anghel na nasa harap ko ngayon...
"Hello Sir, Kamusta ang pakiramdam? May masakit pa po sa inyo?" tanong ni Doc
"I'm feeling Ok now Doc" sagot kong nakatingin pa rin sa anghel sa harap ko... ngayon alam ko na ang ibig sabihin ni Doc sa “Not a girl, A woman Sir… you’ll see” naintindihan ko rin ang kanyang pagngiti ng sinasabi niya yun. She's not just a woman, she's a very... very... very... beautiful, stunning... bewitching woman. Kung may girlfriend man ako gusto ko na siyang kalimutang tuluyan, dahil sa kanya. Naka ngisi na si Doc Zane... I'm staring rudely I know, but what can I do... baka pag kumurap ako mawala siyang bigla di ba.
"Sir, pala siya po ang nagdala sayo dito" pagpapakilala sa kanya ni Doc... kita ko ang pagkunot ng noo niya... nginitian ko nga, alam kung may hitsura ako kita sa mga mukha ng nakakasalubong ko ang mga paghanga... so why not her too. Mayabang na kung mayabang...
"Thank you for bringing me here, Mam... You save my life... Thank you! Thank you! Thank you!" I wanted to hug her... shower her face with kisses, Sh*t! Stop being an perv... baka pagkamalan ka niyang manyakis
"Siya po si Ms. Olivia" Olivia... Livi, bagay sa kanya she looks like an optimistic, funny easy going gal. Ha! may nickname na agad ako sa kanya...
"Miss Olivia, I don't know how I thank you enough, you literally gave me a second chance in life" lalo pang kumunot ang noo niya, pero sandali lang yun
"You're welcome Sir, just helping a stranger on the road" a stranger now but not for long, isip isip ko
"Thank you again, I asked for you here because I wanted to know what happened. Where was I when you saw me? Doc told me I had an accident but I don't remember anything about it" yung aksidente lang talaga ang gusto malaman at kung meron man akong personal belongings... hindi rin masamang malaman kahit man lang ang pangalan ko. Pero naisip ko na kanina... aantayin kung maka alala ako, if I have to postpone everything I have too. Kahit malaman ko kung taga saan ako... hindi ako babalik doon kung wala pa akong memory of who they are.
"Sir, here is suffering from some kind of memory loss... early assessment is he is suffering from retrograde amnesia. Doc Ortega will be running more test on him para sigurado tayo sa kalagayan niya." paliwanag ni Doc Zane sa kanya sa kalagayan ko ngayon.
Natahimik lang siya sa nalaman niya, parang gulat na gulat... maybe just like me hindi rin siya makapaniwala. Huminga muna siya ng malalim saka naupo sa sofa sa loob ng suite, sinundan ko siya at naupo sa tabi niya. Si Doc Zane naupo naman sa dining chair, katabi lang din ito halos ng sofa.
Bumuntong hininga muna siya saka nagkwento.
Kwento niya, pauwi sila ng madaanan nila ako sa tabing kalsada. Sabi niya pa, baka daw hindi ko natantya ang paliko likong kalsada kaya bumangga ako sa barrier sa tabi ng kalsada, pa zigzag kasi ang parteng yun at madilim din. Marami daw talaga na didisgrasya sa lugar na yun lalo na ang mga hindi sanay, baka daw mabilis ang patakbo ko. Madaling araw ako nadisgrasya... ibig sabihin almost twelve hours din akong unconscious.
Natanong ko rin ang tungkol sa mga personal belongings ko, sabi niya wala siyang nakitang wallet or ID's kasi mas inuna nilang maibaba ako at madala sa Hospital, kasi nga kilala din ang lugar kung saan ako nabangga na may mga taga bundok. Sinabi niyang nasa parking lot ng Hospital ang Range Rover Evoque, na minamaneho ko. Mayaman ako, if I'm driving an Range Rover I don't know how I knew that... maybe I can check the car if may ID's ako doon. Nasaan kaya wallet ko, may nauna kayang lumapit sa akin at napagnakawan ako bago ako nakita nila Mam Olivia?
Medyo nalungkot akong hindi ko man lang nalaman ang pangalan ko...
"I was hoping to know, even just my name" malungkot kung sabi after ng kwento niya
"Why don't you think of a temporary name" biro ni Doc Zane sa akin...
"What do you think is my name, Ms. Olivia?" biro ko sa katabi kung maganda, nginitian ko rin siya ulit... Nangunot na naman ang noo niya, parang nagtataka sa kinikilos ko... ako din naman. But there is something about this girl... this woman rather, magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ako natatakot na baka lokohin niya ako samantalang kanina pa ako may takot sa dibdib ko na baka pagsamantalahan ang loss of memory ko ng ibang tao.
"Why don't we call you Roman or Samuel Sir" nangingiti niyang sabi...
"Roman it is, Strong and powerful in Hebrew... from the Latin word Romanus" paliwanag ko... hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ko.
"Sorry, I'm talking too much... I don't know where did I got those ideas, it's just flooding my head" habol ko pang paliwanag
"That's Ok, Sir Roman... sabi nga sayo ni Doc Ortega, you're somewhat a genius maybe its from a bank of memory you still can't comprehend now" pag alo sa akin ni Doc Zane
"Anyway, would you like to eat? Hindi natin alam kung kelan ka last na kumain" alok ni Doc Zane
"Yes! I'm actually a bit hungry already but I just don't want my stomach stunned with food... I was waiting for you to ask if I can eat a full meal already. The nurse was so kind, he gave me an oatmeal bar and some mixed nuts after the Lab tests." balik ko sa alok niyang pagkain
"Pwede ka naman po kumain, kunti kunti muna... soup siguro, kunting kanin at ulam. Tantyahin niyo po sarili niyo. Let's Go... we can eat in the Employee's canteen, It's still hospital food but better than what the patients a getting" natatawa niyang sabi
"Ms. Olivia, samahan mo kaming kumain” yaya niya sa Venus incarnate na katabi ko... tahimik lang siyang nagmamasid sa amin ni Doc Zane. Pinanlakihan niya pa ang mata si Doc Zane... baka magkakilala sila. My heart aches on that thought, nag seselos ako. I want her for myself. Ano ba ang laban ko sa doctor na to… may hitsura rin siya. But then siguro naman may ipagmamalaki ako kung naka Range Rover ako di ba.
"You two knew each other?" baling ko kay Doc Zane
“She’s a friend” balik niya sa akin… So tama ako, magkakilala sila…
~~~~~~~~~~
♕ Olivia
Amnesia! Ano bang kalokohang pinagsasabi nitong si Zane, ako lang hindi niyan kilala...
Pero mukha namang may katotohanan sa pinagsasabi ni Doc, mukha namang hindi artista itong si Samuel Roman. Ng ikini-kwento ko ang aksidente, mukha talagang wala siyang maalala tungkol sa mga nangyari sa kanya. Hindi ko rin talaga alam kung nasaan ang wallet niya, nung binibihisan siya sa hospital wala namang nakuha ang mga nurses sa katawan niya. Hindi ko rin na check ang sasakyan niya kung nandoon, dahil nga iniiwasan kung mangialam masyado sa kanya. Kakainis kasi tong si Brando, isinama pa ako sa problema niya... sinabi ko na nga kung sino siya, hindi nalang pinahanap ang mga kamag anak ng pasyente niya.
Ng magtanong siya kung ano ang pangalan niya sa tingin ko... ginamit ko na ang tunay niyang pangalan... para na rin hindi siya malito pag nakaalala na siya.
"Ms. Olivia, samahan mo kaming kumain” gusto kung batukan tong si Brando... sarap kaltukan, ano ba balak niya. Gusto kung tumanggi kaya lang baka naman mapansin ng pasyente na iniiwasan ko siya malaman niya pang kilala ko siya.
Wala akong nagawa kung hindi sumama sa cafeteria ng mga empleyado ng Hospital. Pinagtitinginan kami ng ibang tao, dahil nga obvious namang pasyente ang kasama namin. Pero syempre walang sisita sa amin... kasama namin ang isa sa mga Director ng Hospital at anak ng may ari nito. Yes! Doc Zane Brando Alcantara will be the owner of this Hospital when he come of age... ngayon apprentice siya ng Tatay niyang doctor din. Kami pa ang nilapitan ng mga namamahala sa cafeteria...
"Doc, Ano po ang gusto niyo?" tanong niya dito saka inisa-isa ang mga nasa menu ng araw na yun.
"What do you want, Oli" tanong niya sa akin, pa sweet ang loko tinawag ako sa nickname niya sa akin alam niya kasing lagot talaga siya sa akin mamaya.
"Nilagang Baka nalang and half rice" balik ko sa kanya
"I would like that too" sabat naman ni Roman... gaya gaya... - Assuming ka masyado baka nakakalimutan mo isa yun sa paborito niya noong bata pa siya, sumbat sa akin ng mabait kung utak
"Ok, ganun nalang din sa akin... pero make it two rice for me, tapos isang order ng goto" sabi niya sa tauhan ng cafeteria, dali dali naman itong bumalik sa buffet station para ihanda ang pagkain namin
"That goto is for you Sir Roman... eat that first para soft diet muna, pag naka adjust na ang tiyan niyo po sa pagkain saka kayo mag kanin kahit kunti kunti lang, but the nilagang baka that would be very good for you para makabawi agad ng lakas." sabi sa kanya ni Doc Zane
"Thanks Doc, I don't know how can I repay you for taking good care of me" pasalamat naman ni Roman sa kanya... ang bait ha! parang hindi masungit sa totoong buhay
"You're my patient I need to take care of you" balik sa kanya ni Doc Zane, saka siya tinapik sa balikat
"So, how do you know each other" usisa ni Roman sa amin... tsismoso ang peg
"We're schoolmates in high school, we are both from this humble province" balik sa kanya ni Doc Zane
"Oh, Lucky you Doc, for having such a beautiful childhood friend" sabi naman ni Roman, makapuri... ano to nangbobola, kaltukan ko kaya para maalog ang utak
"Please, don't let her hear you say that... her head will swell" bulong ni Doc Zane kay Roman... mahina naman talaga kaya lang malakas pandinig ko. Inismiran ko si Doc Zane. Yare ka talaga sa akin mamaya
Sandali lang dumating din ang pagkain namin... nagkanya kanya kaming abot sa order namin. Habang kumakain kami, nagpapaliwanag si Doc Zane sa mga tests pang gagawin kay Roman. Baka daw abutin pa ito ng isang linggo sa Hospital... gusto daw kasing i-try ni Doc Ortega ang iba pang alternative treatment para dito. It's becoming real to me, hindi nga nagbibiro si Doc Zane may amnesia ang pasyente niya. Bumalik sa balintataw ng isip ko ang sinabi niya kanina... "Alam mo, siguro humiling kang sana hindi ka niya kilala talaga" Hindi ko naman hiniling yun sa mga panalangin ko... but God has its own mysterious ways to respond to your deepest darkest secrets. Yeah! Karma is biting Roman's a*s now.
Parang may light bulb na lumiwanag sa utak ko... bumalik ang alala ko sa Summit "Maka Karma din ang mamang yun sa mga grasya nasira niya. Akalain mo yung sa lugar pa ng mga magsasaka siya nawalan ng memorya. I can imagine him flowing the fields or planting rice. I'll let him experience the life of a simple farmer.
"What's your plan Sir Roman, paglabas mo ng hospital? Hahanapin niyo ba pamilya niyo? We can help" I'm testing his mind kung mas gusto niya bang umalis agad dito sa lugar namin
"I actually don't know yet... but I was thinking I should wait for my family to find me really... I'm afraid somebody would take advantage of my situation if I'm the one who will look for them. I don't know what's with you two but I'm at ease with you. I can see you're both genuinely nice. You both don't know me, yet you're both helping me without thinking second thoughts. Thank you, my friends! my new found friends' ' ngiting ngiti niyang sabi sa amin ni Doc Zane.
"You're welcome Sir Roman, kahit sino naman nasa kalagayan niyo na kailangan ng tulong we will help" balik sa kanya ni Doc Zane
"Same here, Sir" sabi ko naman
"Hey, Please call me Roman... I feel old with that Sir" sabay tawa niya ng malakas... sabay pa sila ni Doc Zane... nangiti nalang ako, naalala ko ang batang si Samuel... ganyan din ang tawa niya dati... tawang masaya... tawang abot sa mga mata.
Ng matapos kaming kumain, nagpaalam na akong uuwi.
"Bisitahin mo naman si Roman, tayo lang ang friend niya dito" sabi ni Doc Zane... pinanlakihan ko siya ng mata... pero isip isip ko, Yes... dadalawin ko siya... araw araw para huwag na niya ako makalimutan, ooperan ko rin siyang magtrabaho sa Hacienda
"Nga naman Mam Olivia" naka ngiting sulsol pa ni Roman
"Mam Olivia, mas matanda naman di hamak kayong dalawa sa akin... I'm sure" natatawa ko nalang ding sabi
Sana hindi ko pag sisihan ang desisyon kung patulan ang amnesia ni Roman... I'll give him a month, saka ko siya ipapakuha sa Mommy niya. Mahahanap ko naman siguro via google ang address ng opisina nila...