Hacienda Guevarra
♔ Samuel / Roman
"Good Morning!" bati sa akin ng anghel na si Ms. Olivia... an angel sent down from heaven to help me battle down my demons now. Lampas isang linggo na ako nasa hospital, wala pa rin akong maalala... wala rin kaming nababalitaan na may naghahanap ng nawawalang kamag-anak dito sa probinsya. I was hoping my family would be looking for me by now, but I guess not. Nakakalungkot isipin na hindi nila ako hinahanap, pero sabi nga ni Olivia sa akin... baka naman hindi pa nila alam mapapagtanto na nawawala ako. Na check ko na rin ang sasakyan ko, wala doon ang wallet ko or kahit na anong ID's. Baka pinagnakawan na ako bago pa ako madala sa hospital, marami din kasing usyusero sa aksidente sabi ni Olivia. I have a small travelling bag in the car with some personal belongings, baka nga galing ako sa isang bakasyon... dahil mukhang mga gamit na lahat ng damit ko.
"Good Morning My Beautiful Angel" yan ang naging tawag ko sa kanya... lagi niyang kinaka simangot or kina hahaba ng nguso. Malapit ko ng halikan yang nguso na yan. Araw araw naman siya kung na dalaw, usually sa gabi at may dalang dinner for us, kasama si Doc Zane. Pero ngayon umaga siya nagpunta, today is decision day... I am being discharge if I want to. Nandito siya para kausapin namin ang Neurologists na si Doc Ortega, balak ko kasing magtrabaho dito man sa hospital or sa Hacienda Guevarra, I prefer sa Hacienda that's why I need a clearance from my Neuro.
"Are you sure you really want to work in the Hacienda?" tanong niya sa akin
"Yes! I prefer working there than here... I think I would be stressing myself here than in a Farm" sagot ko sa tanong niya... And I prefer to be with you everyday than Doc Zane, dagdag ng utak kung malandi.
"Ok, Let's see if your Neuro would be amenable to what you wanted to do" balik niya sa akin
"Kung bakit kasi ayaw mong ipahanap nalang sa imbestigador ang mga kamag-anak mo" habol niya pa, Heto na naman kami, hindi kasi siya sangayon sa gusto kung mangyari na antayin ang mga kamag-anak ko ang maghanap sa akin.
"Hey! You want to get rid of me so soon?" nagtampo tampuhan pa ako...
"No, I'm not... It's just that your family might be worrying so much about you already" malumanay niyang paliwanag...
"You'll never know, you might have a wife or a girlfriend waiting for your return" dagdag pa niya
"We'll if they are worried about me, they will look for me... but it's been a week and we have not heard about somebody looking for someone. So, please bear with me, I'm kinda lost right now and having you and Doc Zane by my side is what keeps me sane and afloat." paliwanag ko
"I promise I will not cause you any trouble. I will not be an inconvenience... I'll make myself useful to any task you give me. I'm already excited to work on the Farm I don't know why." habol ko pa... Please Livi, I don't know what's with you but I can't just let you go...
"Ok, Ok, Ok... huwag ka na magdrama" nangingiti niyang sabi
"Thank you, for adopting me... I don't know where would be right now if not for you" pasalamat ko sa kanya, It's the truth... if she did not brought me to this hospital I don't know where I am now, she's adopting me to stay in the Farm temporarily. Angel na hulog ng langit she's that... I can't thank her enough
"You're welcome Sir... ay Roman po pala" nangingiti pero nahihiyang sabi niya...She's always like that when I'm around shy and a little bit aloof. Masasanay ka din sa akin... I'll make you smile, promise "My Love"
Doc Ortega gave me clearance to be discharged… I have to come back for a weekly check up for the first month, then after that they will assess my condition if the check ups will continue weekly or monthly. I don’t know how long I’ll be staying in the province but I’m determined to wait for my family to find me. My Neurologists have advised me not to force myself to remember… he told me to relax my brain and let it heal on its own. That’s another reason why I choose to stay in the Farm, maybe some fresh air and a relaxing ambiance would heal my broken brain. There would be a variety of work I can do there unlike here in the hospital, I can only work in the office.
-Ang sabihin mo may gusto ka lang talaga kay Olivia… malandi kang lalaki ka!
-Eh, palalampasin ko ba naman ang pagkakataon makilala pa siya, kung ano man ang nakaraan at hinaharap ko iiwasan ko na munang isipin ang mga yun ang importante ang kasalukuyan at kasama doon si Olivia, “My Love”
May ngiti sa mga mata ni Doc Zane ng malaman niyang pwede na ako ma discharged… I know he can sense it. I am interested in his friend. When I first met them I thought they were a couple and it broke my heart but a day or two would pass and I met Doc Zane’s girlfriend, that’s when I realized… Olivia has always been like a little sister to him. Nagdiwang ang puso ko… I know I may be making a mistake here but it's a mistake I wanted to do just to be with her, a mistake I wanted to make to know her better, a mistake I wanted to risk falling for her. I don’t know what’s with Olivia that there’s always been a magic pulling me to her and I don’t want to waste more time away from her. My mind is saying no, but my heart is saying this is where I belong… maybe she’s someone destined for me. I hope I’m not making a big mistake here, but whatever comes out of it… I know in my heart it would be worth the risk… everything about this woman is worth it… a heartache or a happy ending basta kasama si Olivia I’ll take it.
“Oli, ikaw na muna bahala sa pasyente ko ha… huwag mo namang isabak sa bukid agad ha” pagbibilin ni Doc Zane kay Olivia. Yes! We are on our way to the Hacienda. She told me, I'll be staying in the “maliit na bahay” with the caretakers, Mang Kulas and Aling Sonia.
“Opo Doc Zane… hindi ko muna siya isasabak sa bukid for now” sabay tawa niya, would she really let me work in the “bukid”.
“It’s ok Doc, I think I can handle whatever she would let me do” ayoko naman kasing ipakita sa kanyang takot ako sa bukid… hindi ko naman siguro ikamamatay mag trabaho doon. Malaki naman ang pangangatawan ko I’m sure I can handle heavy labor.
“Goodluck Roman, enjoy your new home for now… don’t overthink too much. And you Ms. Olivia please go easy on him” tinapik niya ako sa balikat at inakbayan si Olivia saka piningot ang ilong nito. How I wish I could be that close to her too… I promise to work on that being her friend first and maybe just maybe that would be my way to her heart. Oh di ba nagiging cheesy na ako… ganito ba ako dati ang cringe…
We are in the car already, she’s driving a pick-up truck, a Ford Ranger… too big for her I think… pero sabi nga niya yun ang ginagamit sa Farm. She’s the Farm Manager, It's her service vehicle. The owners are generous… very generous to let her use a car like that, she’s very lucky.
“Thank you again Livi for adopting me” I can see the surprise in her eyes when I called her Livi… it’s just a nickname I came up with for her.
“What did you call me?”
“Livi, short for Olivia” her mouth agape… She closes it and opens it again as if trying to say something but nothing is coming out. What’s happening?
“Are you sure you don’t remember anything from your past?” out of the blue niyang tanong sa akin
“No, why?
“Nothing, just don’t mind me… Sorry to be picking your mind. I know you shouldn’t be overthinking, so please forget I asked” malumanay niyang sagot. Akala ko naman kung ano na…
~~~~~~~~~~
♕ Olivia
“Oh my God ka Olivia, ikaw pa magbubuking sa sarili mo, tinawag ka lang Livi feeling mo naaalala ka na. Huwag kang assuming gurl” singhal sa akin ng mahaderang utak ko
“Sh*t! naman kasi… why would he call me Livi kung may amnesia siya”
“Gurl, mukha na tayong tangang naguusap… malamang galing sa memory bank niya ang mga lumalabas sa bunganga niya. Kita mo nga pati ang Roman na pangalan binigyan pa niya ng kahulugan… now stop talking to your own self, baliw na tayo” Yes, baliw na ako kaka kausap sa sarili ko… Bwisit ka Samuel Roman
Tahimik lang akong nag drive pauwi sa Hacienda… Roman is just looking outside, ngayon lang din kasi siya nakalabas, kita sa mata niya ang curiosity. Tsss parang bata. He’s smiling like a child really, malayong malayo sa masungit sa akin na Samuel at kahit sa seryoso niyang image sa business world. How you wish ganun na lang siya forever, pero alam ko namang hindi siya matutuwa na ako kasama niya ngayon kung nasa matino lang ang utak niya. - Nakakalungkot isipin na kailangan niya pang makalimutan ang lahat para maging mabait sa akin ulit. Kung sabagay sino ba naman kami sa buhay nila… Tutor niya si Mama, he may consider me a friend then pero ang totoo bata pa talaga kami noon. Na attach lang ako siguro sa pinakita niyang kabaitan noon sa akin.
Sana lang maging maganda ang epekto sa utak niya ng Hacienda, sabi niya nga kailangan niya ng fresh air… well he will have plenty of that sa Farm. Siguro kinailangan lang din ng utak niya ng timeout kaya ayaw nitong maka alala sa ngayon. Sobrang stressful na rin siguro buhay niya sa city, I’m sure galing siya ng Hacienda nila sa tinatahak niyang daan ang hindi ko lang alam bakit mag isa siya at walang driver na kasama. - I hope he can find peace on the farm…
Buti nalang nasa extended vacation sila Mama ngayon… sigurado akong hindi siya papayag sa pagtulong ko kay Samuel. - What she doesn’t know wouldn’t hurt her. Sana maka alala na rin tong pasyente bago pa sila makauwi. Isang buwan lang ang itatahimik ko… after that gagawa na ako ng paraan makabalik siya or mahanap siya ng pamilya niya. Ayoko naman abusuhin ang swerteng lumapit sa akin para makabawi sa mayabang na mama… mahirap na makarma at malay natin maka alala naman na siya agad di ba, hindi natin alam. - Gusto ko lang turuan ng leksyon na hindi madali ang pagsasaka… parang walang kwenta kasi sa kanya ang mga magsasaka, Aba! kakain ba siya kung walang mga nagtatanim. Maka lait kasi akala mo hindi galing sa lupa ang mga kinakain nila… dati naman noong bata kami gustong gusto niya ang magtanim.
“Is the Hacienda far from the hospital?” tanong niya sa akin… naiinip na siguro ang mama.
“It’s just thirty to forty five minutes depending on the traffic in the City area… are you bored already? You want some music?” inaabot kung buksan sana ang radio ng sasakyan
“No, it’s OK… maybe I’m just not use to it, being driven around by a woman” nangingiti niyang sabi pinigilan niya rin ang kamay kung buksan ang radio. Para akong nakuryente sa hawak niya, gusto kung pumiksi nahiya lang ako, baka isipin niya naman ang arte ko.
“You can take a nap, I’ll wake you up when we’re in the Farm already” suggestion ko sa kanya
“No, no, no I can’t do that to you” natatawa niyang sabi…
“Don’t mind me, I’m just being a child who lack attention” sabay halakhak niya, natawa na rin ako sa kanya… so ano to nag papa pansin lang siya sa akin… kasi nga nanahimik ako kanina
“Good to see you can still laugh, despite the dilemma you’re in” kumento ko
“Oh well, how can I not laugh… I’m still alive, I have some new friends who have my back… I have you” nginitian niya na naman ako sa pamatay niyang ngiti, nagma malandi ang mama… babatukan ko na talaga to. Nginusuan ko lang siya.
“Hey! Am I creeping you now? Please don’t be… I can’t help but smile at you. You’re such a breath of fresh air for me. Sorry if I’m acting like an idiot teenager with you.” seryoso niyang sabi pero kita naman ang kapilyuhan sa mga mata… Loko loko talaga, he looks like the boy I used to know. Tinawanan ko nalang mga pinagsasabi niya… -Naku po! Roman magtigil tigil ka sa panglalandi mo baka patulan kita kawawa ka. -Ha! Gusto mo yun noh ang patulan ang crush mo… -Shut up brain!!!
Pagkarating namin sa Hacienda… palubog na ang araw, uwian na ang mga trabahador, maghapon akong wala sa opisina kaka asikaso sa kanya. Buti nalang talaga maasahan ang mga assistant ko. Tambak trabaho ko nito bukas sa opisina. Sa garahe ng “maliit na bahay” ako pumarada para na rin walang mga matang nakatingin sa pagdating namin. Pinakilala ko siya kina Mang Kulas at Aling Sonia, mga caretakers ng bahay. Malugod naman ang pagtanggap nila kay Roman, nasabi ko na rin kasi ang kalagayan nito sa kanila.
~~~~~~~~~~
First Day ni Roman sa Hacienda… sana Ok lang siya, -Aiiyysstt! Gurl! nag aalala lang ang peg ano etey na fall agad ??? -Shut It Brain… tandaan mo tayo ang nasa matinong isip, tayo ang pumatol sa amnesia niya para lang maka resbak sa kanya -Ok, Ok, Ok… mananahimik na po, pero paalala pa rin baka pag tsismisan ka ha kaya ingat ingat!
Pinatawag ko ang mga kasama ko noong gabi ng aksidente “Mga Kuya at Ate, ang napag usapan natin ha, hindi natin kilala si Roman. Nandito na siya sa Hacienda at tutulong daw sa gawain natin. Huwag na huwag kayong magkakamali o madudulas na kilala ko siya, lagot ako sa pamilya niya. Siya ang may gustong antayin na hanapin siya ng mga kamag-anak niya, kaya please lang huwag niyo akong ilalaglag.” pakiusap ko ulit sa kanila… pangalawang beses ko na itong kinausap sila, una noong nag desisyon si Roman na magpa ampon muna sa akin dito sa Hacienda.
“Eh, Mam ano naman po alam niya sa gawain dito sa Farm… mukhang anak mayaman siya” hindi na siguro nakatiis isa naming kasama, dati kasi wala naman nag comment sa usapan namin
“Hindi ko pa rin alam, ngayong araw papasamahan ko muna siya para maka-ikot dito sa Farm… dito lang sa Farm.” may area kasi dito sa Hacienda na “Parang” na may sapa kung saan inaalagaan ang mga kabayo, may mga kakahuyan din karugtong ng bundok at may malaking ilog na nasa dulo na ng property.
“Pasasabihan ko kayo kung ipapasama ko siya sa inyo sa mga susunod na araw” tumango naman silang lahat, saka nag balikan sa kanya kanyang trabaho at area. Pumasok na rin ako sa opisina, usually kasi pag ang mga worker kausap ko ayaw nila sa conference room, mga ayaw sa aircon. Tambak nga ang mga papeles sa ibabaw ng mesa ko...
A busy day ahead and patient with amnesia... I hope this is not a bad decision