Paalam
♔ Samuel
Tinitigan niya ako… seryoso, walang emosyon...
“Yeah, your company is everything to you… I just thought maybe by staying here it might change some of your perspectives. Akala ko sa pagtatrabaho mo dito magbabago ang pananaw mo sa mga mababang tao. Pero hindi pala talaga… you will always be the ruthless, arrogant, self-centered Samuel Roman Aguila.” seryoso niyang sabi
“We farmers will always be lowly people to you, I myself will always be a piece of sh*t to you. I would never be somebody enough for the high and mighty Samuel Roman Aguila. Anyway I’m not expecting anything less from you… I know you’ll react like this when you get your memory back, knowing I’m the one who took you in” habol niya
“Well, now that you have your precious memories back… you can always forget everything about Hacienda Guevarra… Everything in it, lalong lalo na ako napaka dali lang naman noon sayo nagawa mo na yun dati.” dagdag niya pa
“Anyway, Pakisabi kay Roman ang Gwapong Magsasaka… Thank you for all the happy, beautiful, amazing memories he shared with me. Ramdam ko namang minahal niya ako kahit hindi niya sinasabi, ramdam ko yun sa mga yakap at halik niya, ramdam ko yun sa bawat tawang pinagsaluhan namin. Huwag kamo siyang mag alala… hinding hindi ko yun kakalimutan iingatan ko yun sa puso ko, para naman kung sobrang lungkot ko na… may mga masasayang alaala akong babalikan.” kita kita ko ang masaganang luhang tumutulo sa mga mata niyang napaka lungkot - “Sh*t! Livi Don’t cry for me like that… I’m not worth that” my sane brain is telling me… but I’m an a**hole, a nitwit, a f*cking jerk that cannot accept my faults too… so I just watch her while she cries, God! How heartless I can be!!!
“Because unlike him, I don’t regret what we had… it would be an insult to the beautiful memory to do so. Thank you again Samuel Roman but I think this is goodbye.” habol niya pa
Tumayo na siya, saka ko lang napansin suot pa rin niya ang mga damit niya kagabi… mukha ring wala siyang tulog, nangingitim ilalim ng mata niya. At malamang wala pa rin siyang ligo. Lumapit siya sa kinatatayuan ko… saka bumulong malapit sa tenga ko...
“Don’t worry, Mr. Aguila… I’ll find a way not to get pregnant because of what happened last night. There are a million ways anyway” saka niya ako hinalikan sa pisngi sabay lakad niya papasok sa bahay naiwan akong parang binuhusan ng malamig na tubig… Tama ang sumbat ng utak, Sh*t! I’ve promised her moon and stars last night and now I’m walking away… away from her - Ikaw na ang pinakag*go sa lahat!!!, Isa ka ring duwag! - Kakahiya ka! Anong klaseng tao ka!!!
Yeah, what kind of a person am I?… I’m a piece of sh*t!!!, A f*cking moron!!!… Isa akong walang kwentang nilalang. I don’t deserve you Livi, lalamunin ka na ng kagaguhan ko… kaya din siguro naka alala na ako para na rin sa kabutihan mo. - H*yop ka! Samuel Roman! Dinungisan mo lang siya… siya na kumupkop sayo. At dahil hindi mo lang siya kauri itatapon mo siyang parang basura!
She should have returned me to my family as soon as I was out of the hospital, these sh*ts! should not have happened… she could have saved herself from me. She could have resisted me more, she could have run away from me as far as she could… Well she did, but me being me an a**hole perverted man wooed and won her with my sweet words… seduced her even. - God! What have I done!... What the f*ck I’ve done! Sh*t! F*ck!
Sinundan ko siya sa bahay…
“Samuel Anak?” bungad agad sa akin ni Mommy… Sh*t! Oo nga pala si Mommy nandito si Mommy!
“My… wait I need to talk to Livi” pupuntahan ko dapat siya sa second floor…
“I thought you’ve talked already” sabi ni Mommy na ikinahinto ko sa paanan ng hagdan
“You’ve talked to her?” tumango lang si Mommy
“Where is she?”
“She went out”
“Out where?”
“I don’t know Anak, she just told me I can take you home already, that you're done talking” “Sh*t! Roman now she’s gone… what an a**hole coward move from you” sermon ko sa sarili ko
Napa buntong hininga nalang ako, gusto kung sapakin ang sarili ko… She’s Gone!!! - Well, you wanted her gone - Yeah! F*ck me!
“I’ll just get my things Mom” paalam ko sa Nanay kung nakatingin sa akin ng may pag aalala…
Kinuha ko mga gamit ko sa kwartong ginagamit ko… pinatay ko lahat ng emosyon ko, kailangan kung maging manhid ngayon. I have to be Samuel Roman Aguila… the a**hole, the f*cking jerk.
Pagkatapos naming magpaalam sa napakabait na mag asawang matanda na naging kasama ko… ang mga taong umalalay sa akin, ang mga taong walang alinlangan tumanggap sa akin pero nakuha ko pang pagtaksilan. Kabilin bilinan ni Mang Kulas na huwag kung pakikialaman si Olivia, pero dahil g*go ako… nagawa kong traydurin ang matanda. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila...
Paglabas namin ng bahay ni Mommy, wala ang pick up sa garahe… umalis nga siya. Naiwan ang Range Rover ko, na sa awa ng Diyos ay tumatakbo pa… binigay ko ang susi sa bodyguard na kasama ni Mommy… hindi ko kayang magmaneho. Pagka alis namin, hindi ko na nilingon ang naging bahay ko sa loob ng anim na buwan, baka maiyak pa ako. Pumikit rin ako habang binabaybay namin ang daan palabas ng Hacienda, ayokong tingnan ang paligid na iiwanan ko. Sabi ko nga hindi ko na makakalimutan ang pag tira ko dito, Hindi ko na makakalimutan ang Hacienda Guevarra…
It’s bittersweet going home but I have to endure this… it could have been a very happy reunion with my family but sometimes, Sh*t! Happens. I know I left something in the Hacienda that I could never get back again at ang puso ni Roman ang Gwapong Magsasaka yun. I know he is the better person.
Olivia Robles, I’ll try my very best to forget you... just like what you’ve told me to do, I’ll try and I really hope I can, I hope I can!!! For my own sanity… I have to. Ikaw din kalimutan mo na ang walang kwentang si Samuel Roman Aguila… wala kang mahihita sa kanya, wala siyang puso, tarantado siya, sarili lang ang iniisip. Isa siyang duwag! kaya please lang kalimutan mo na siya.
~~~~~~~~~~
♕ Olivia
“Thank you for picking him up today… please do take him home already” sabi ko kay Mam Samantha
“No, Thank you Olivia… have you talked already? tumango nalang ako… saka nag tuloy para lumabas ng bahay. I need to get out of here.
“Olivia! Thank you again for taking him in” habol niyang sabi sa akin, napahinto ako…
“Take care of him po” saka ako ngumiti sa kanya at tumuloy na palabas ng bahay...
“Thank you again” rinig kung pasalamat niya ulit, tinaas ko nalang ang mga kamay ko hindi na ako lumingon pa, dahil ang mga luha ko may sarili na namang buhay na tumutulo mag isa.
Goodbye! My Love, I know this day will come… I know this day would break me… I know this day will hurt like hell but no regrets… It's been a wonderful journey, a beautiful dream turned to reality and it’s time to wake up. I hope he too doesn’t regret it… it would hurt me the most if he is.
Umuwi ako sa malaking bahay, nakauwi na rin sila Mama… isa pa rin yun sa dahilan kung bakit pinilit ko na siyang ipasundo sa pamilya niya. Walang ka alam alam si Mama na nag stay at nagtrabaho si Samuel sa Hacienda at wala akong balak ipaalam pa sa kanya. Kailangan ko nalang gawan ng paraan ang mga nangyari kagabi… marami namang paraan, alam kung napaka laking kasalanan ang nagawa ko. At wala na akong magagawa nangyari na, hindi mo naman na maibabalik ang oras at ang mga nawala na.
Pumuslit ako sa kwarto ko, naligo at nagbihis… kitang kita ko ang mga bakas ni Roman sa katawan ko. What a glorious night! a beautiful expression of love. I can still hear his voice whispering promises… I can still feel his touch, his kiss… but everything has to end now. Memories will remain but I shouldn't hope for something, I can’t keep holding on to his promises that I know he can’t keep… I know he will not keep, once he gets his memories back. Tapos na ang kabanatang Roman ang Gwapong Magsasaka bumalik na kasi ang Samuel Roman Aguila the ruthless, arrogant businessman. Move on na… - Kaya mo Ateng? - Kailangan kayanin, tama na ang minsang pakatanga Ok! - Paano kung bumalik siya - That would never happen… I know!!! So Shut it! OK! Shut It!!!
Kailangan kung pumunta sa hospital, kailangan ko makausap si Belle… kung ano man ang kailangan ko siya ang makakapag bigay nun sa akin. I can’t be pregnant without a father, it would break my Papi’s and Mamita’s heart… my father would kill me, he’ll kill the guy too. I can’t bring that kind of shame to my family… I can’t. Pumuslit din ako palabas ng bahay… I can’t face them all right now.
Buti na lang walang pasyente si Belle pagdating ko, kaya lang nandito naman si Doc Zane...
“Good Morning Doc Belle, Ba’t nandito ka Brando? Wala ka bang pasyente”
“Ikaw ang bakit nandito? Istorbo!” angal niya sa pagdating ko, Dr. Yzabelle is Doc Zane’s sweetheart at mukhang distorbo talaga ako dahil magkatabi sila sa sofa noong pumasok ako, naka hilig pa nga ang loko sa balikat ng girlfriend niya…
“Hi! Oli, Kamusta at huwag mo pansinin ang umaangal diyan sa tabi” bati sa akin ni Doc Belle
Umupo ako sa dulo ng sofa...
“I’m Ok but I need your help” napalingon si Doc Zane sa akin...
“Oh my God Olivia! Buntis ka?” pasigaw niyang tanong sa akin… pati si Doc Belle nagulat sa pagsigaw niya, napatayo siya bigla
“Nasaan ang lalaking yun! Tang na niya!… nangako siya sa akin” dagdag pa niya… napahilamos siya sa mukha niya
“Shut up! Brando! NO!!! I’m not pregnant!” singhal ko sa kanya, napasalampak siya paupo ulit sa tabi ni Doc Belle
“But I will be, if you will not let me talk to Doc Belle” dagdag kong pabulong, na ikinalaki ng mga mata nilang dalawa… napayuko na rin ako, alam kung sermon ang aabutin ko sa kanya…
“The F*ck! Olivia” sigaw na naman niya… hindi na ako umimik lalo
Napasabunot siya sa buhok niya at napahilamos sa mukha niya
“Olivia naman pinagsabihan na kita ng pinatulan mo ang lalaking yun, sabi mo may limitasyon ka… Anong nangyari” malumay niyang sabi, parang Kuyang natauhan
“Nalasing… nalasing kami… nangyari ang mga hindi dapat” halos pabulong kung sagot sa kanya
“Sh*t! Nasaan ang haliparut na lalaking yun?” singhal niya
“Huwag mo ng hanapin ang mga wala na, tulungan mo nalang ako… please” pakiusap ko sa kanya
“Anong wala na?” tanong na naman niya
“Please let’s not talk about him, Please” tumulo na naman ang mga luha ko… tinampal na siya sa braso ni Doc Belle
“He got his memories back and now he hates me… he loathes me, OK! Now Shut up and Help me” pasinghal ko na ring sagot sa kanya… kahit na natulo ang luha at uhog ko…
“Oh baby girl, I’m so sorry” sabay yakap niya sa akin na lalo ko pang ikinaiyak…
“Shhh, Baby Girl… Don’t cry please, I’ll help OK… we will help you, stop crying now… OK” alo niya sa akin, tiningnan niya si Doc Belle mukhang nagka intindihan naman sila tumayo na kasi ito at pumunta sa may lamesa niya…
“I’ll leave you with Belle, Sweetheart ikaw na bahala sa kanya ha… sa kabila lang ako” pagbibilin niya
“Thank you” pasasalamat ko sa kanya…
Iniwan niya kami ni Doc Belle, tinanong niya naman ako tungkol sa mga nangyari… I don’t have a choice but to tell her… I need her help. Naintidihan niya naman ako… she gave me an emergency c*ntraceptive p*ll. It is often called the morning-after pill. She told me it can be taken up to 120 hours (5 days) after. Buti nalang daw I have a clear mind and came in the soonest. Pina alalahanan niya rin akong obserbahan ang sarili ko at kumunsulta agad sa kanya kung may hindi normal na pagbabago sa katawan ko.
I’m so thankful, I have great and understanding friends… alam kung malalampasan ko rin ang phase na to ng buhay ko. And with them beside me, I can already see the light at the end of the tunnel. Nagkwentuhan pa kami, sila kasi ni Doc Zane ang nakaka alam sa kagagahan kung ginawa. Nakiusap akong sa amin amin nalang ang mga nangyari, alam kung sobrang ikakagalit ni Charles at Maxine kapag nalaman nila. I’m sure ha-huntingin nila si Samuel pag nagkataon.
“Thank you Doc Belle, I hope this works” pasasalamat ko sa kanya
“It will work, believe me… that's proven and tested already” kinindatan niya pa ako, natawa nalang ako… loko to si Brando nakakalimot pa samantalang doctor siya.
May kumatok sa pinto ni Doc Belle… kala namin may pasyente, kaya tumayo na ako...
“Tapos na kayo mag usap?” sumungaw ang ulo ni Brando sa pinto… bumalik ako sa pagkakaupo ko
“Yeah, we’re done talking” sagot ni Belle sa kanya
“I brought you something” sabay abot niya ng isang water bottle na may inumin… blended dried apricot, honey and water daw yun. May isang paper bag din siyang inabot pag silip ko it’s the ingredients for that concoction. Kagaya ni Doc Belle, kinindatan niya rin ako…
“Haayy, Naku kayong dalawa” natatawa ko na lang komento… Natawa na rin sila
"Pero Baby Girl ha, huwag na huwag mo na ulit gagawin yun... mapapatay ako ni Papi at ni Mamita pag nalaman nilang kinukunsinti kita." sabi ni Doc Zane sa akin
"Hindi na talaga noh, kaya nga pinasundo ko na siya... na saktuhan lang na naka alala na ang kumag. Hindi ko naman inaasahan yun, pero mas OK na yun at least now I'm free of him pati na rin sa ilusyon ko" sagot ko sa kanya.
Napabuntong hininga nalang siya saka ako niyakap ulit... Nandito lang kami, bulong niya.
Swerte talaga ako sa mga kaibigan. At kailangan ko ng kaibigan ngayon, alam kung hindi magiging madali kalimutan ang mga nangyari… pero kailangan kung bumangon at tatagan ang sarili ko. Alam kung wala akong aasahan sa kanya kahit na humupa na ang galit niya sa akin… hindi na siya babalik. Kaya kailangan ko na mag move-on… makakahanap din ako ng magmamahal sa akin. Salamat pa rin sa alaala…