bc

Reborn: The Awakening

book_age16+
347
FOLLOW
1.4K
READ
dark
brave
tragedy
mystery
demon
magical world
self discover
sassy
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Lierre Kingsley, a descendant of mystery, lived all her life with some hungry-for-blood wolves and a strange, old man homing within the shadows.

As the prophecy of eons rose once again, Lierre's calm yet bloodstained world will stumble and fall.

chap-preview
Free preview
One
Life and death are the vaguest ideas to ever ride my train of thoughts. They always sound like a riddle to me that I am not sure if it is still normal at my age. On what I see, life is a tough one to live, but people seem to cling on it. Confusing. Death, on the other hand, smells like a freshly brewed sweet caramel on a Sunday morning. I never even had one, but I’m pretty sure it would taste paradise. Marahan kong inilapag sa bilog na mesa ang hawak kong isang tasa ng hot chocolate, ipinatong ang magkabilang siko sa mesa, at inihilamos ang mga palad sa aking mukha na alam kong halos matakpan na ng mga talsik ng dugo mula sa misyon na isinagawa ko kaninang madaling araw. Malapit nang mag-alas sais nang umaga. Unti-unti nang umaakyat ang araw sa kalangitan ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin. Sumisiksik sa ilong ko ang paborito kong amoy ng alat ng dagat sa tuwing lumalakas ang paghampas ng mga alon nito na nagsisilbing magandang tanawin sa akin sa araw-araw na almusal ko rito. “Lierre.” Maya-maya pa ay naramdaman ko ang palad ni Master Acius sa balikat ko. Umupo siya sa katabi kong upuan at pinagmasdan ang kalmado ngunit mapaglarong mga alon sa dagat. Umayos ako ng upo at ipinatong ang dalawang palad sa mesa. “Now I realize why you chose to live in this small cave located at the center part of the dead ocean, literally away from people and politics,” sambit ko rito at nilingon siya. Payapa ang mukha niya ngunit alam kong may bumabagabag sa kanya. “Both are complicated.” Nang lingunin ako ni Master Acius at tiningnan diretso sa mata, I thought I saw a glint of my chaotic future that is about to unfold. “Gumayak ka na. Hinihintay ka na ni Aviel,” tanging nasambit niya habang tinatapunan ng isang tingin ng pandidiri. “Tingnan mo ang hitsura mo. Kapag may napadaan na bangka riyan at makita ka, iisipin nilang nag-m******e ka ng isang buong siyudad.” I shrugged. “I just did.” Hindi niya pinansin ang sinabi ko at ipinagpatuloy na lamang ang panonood sa mga alon. Fortunately, wala namang bangka o anumang sasakyang pandagat ang mapapadaan dito sapagkat sobrang layo na nito sa lugar ng mga tao. Nang dahil sa ‘di umano sumpa na mayroon ang dagat dahil sa pagkamatay ng buong Kingdom of the Waves labintatlong taon na ang nakakalipas, takot na ang mga tao na lumaot dito. Isa pa, may kung anong mahika rin na ginagamit si Master Acius upang manatiling invisible ito sa iba. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad na papasok ng kuweba. Unang amoy na sumagi sa ilong ko ay ang mabagsik na amoy ng mga lobo. Hindi na ako nag-abalang mag-usisa kung nasaan ang mga alagang lobo ni Master sapagkat parati namang may mga lakad ang mga ‘yon. Puro puting mga pader ang makikita sa loob habang sinasakop naman ng dilaw na ilaw ang buong espasyo. Pagpasok sa kweba, ang maliit na living room kaagad ang bubungad sa iyo. Mula roon, mayroong tatlong pinto na makikita. Isa sa kusina, isa sa silid ni Master Acius, at isa rin sa aking silid. Pagpasok ko sa kuwarto ko, pumasok kaagad ako sa banyo. Binati ako ng isang malaking salamin sa ibabaw ng bathroom sink. Wala sa sariling humarap ako rito at napatitig sa sariling mukha. My whole face was almost covered with dried blood. Bumaba ang tingin ko sa mga palad ko na hindi nalalayo sa duguan na mukha ko. Halos marinig ko pa rin ang mga daing at pagmamakaawa ng mga rebelde sa siyudad ng Natara nang sila’y paslangin at ubusin ko kanina. Hinubad ko ang puting mga saplot ko na ngayon ay naging pula na sa sari-saring dugo na tumalksik roon. Nagtungo ako sa kabilang parte ng banyo kung saan nakalagay ang shower at isang bathtub na kapag sinisid ay iyong mararating ang kailalim-laliman ng dagat, kung saan nakatayo ang noo’y kinabibilangan kong kaharian-ang Kingdom of the Waves. Dahil nagmamadali rin ako, ginamit ko na lamang ang shower at hinayaang walisin nito ang tuyong dugo na nakadikit sa balat ko. Baka sakaling mabura din nito ang bakas ng dugo sa mga kamay ko sa araw-araw na pagpataw ko ng parusa sa mga rebelde. It doesn’t usually bother me, but lately, I’ve been getting strange dreams. Siguro ay epekto ng gamot na pinapainom sa akin ni Miss Aviel. Matapos kong magbihis at mag-ayos ng sarili, lumabas na rin ako ng kuweba upang magpaalam kay Master Acius bago tumungo sa clinic ni Miss [or Doc] Aviel, though she prefers the former. Nadatnan ko sa labas ang isang malaking lobo na halos doble pa sa laki ko. “Mr. Nickel,” bati ko rito at hinimas ang makapal na balahibo sa pisngi. “Si Master Acius?” Bahagyang ibinuka ni Mr. Nickel ang kanyang bibig at naglabas ng mahinang growl. Nagawa pa nitong ipatong ang malaking paw sa ulunan ko at ginulo ang buhok ko, bago tumalikod sa akin at tinakbo ang ibabaw ng tubig-dagat hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Anong ibig sabihin noon? I live with these wolves for seven years, yet I couldn’t seem to understand their actions and language. Isinabit ko ang sling bag sa katawan ko at akmang tatakbuhin na rin ang tubig-dagat nang umihip ang malakas na hangin at mayroong lumipad na papel mula sa bilog na mesa. Nalaglag ito sa paanan ko at nang pulutin ko ito, napansin ko kaagad ang anim na letra na sulat-kamay ni Master Acius. HAROLD  Hindi ko alam kung hindi lang natapos ni Master Acius ang pagsusulat o sinadya niyang putulin ito. Itinupi ko ang papel at ibinulsa iyon, saka na ako tumuloy sa lakad ko.   “Anong nararamdaman mo, Lierre?” Tikom ang mga mata at kalmado ang isip ko. Tanging ang malambing na boses lamang ni Miss Aviel ang naririnig ko, tila hinehele ako ng bawat mga tanong niya. Malamang ay dahil ito sa gamot na pinainom niya sa akin bago kami magsimula sa session. Tuwing Linggo, pagkauwi ko galing sa isang madugong misyon, nakasanayan ko nang magtungo rito sa clinic para sa counseling and therapy session. Pinilit ako ni Master Acius na gawin ito para makapag-relax na rin daw. Nakakabuti ito sa katawan at sa isip ko. After ng session, may herbal na gamot na ipinapainom sa akin si Miss Aviel upang makatulog ako nang mahimbing. Labindalawang oras ang bisa nito, sapat na upang maibalik lahat ng lakas ko. I will feel like I am good as new! Ngunit bukod doon, kinakailangan ko ring sumailalim sa ganito sapagkat may mga alaala akong dapat na i-retrieve. Sampung taong gulang ako nang kupkupin ako ni Master Acius, at nang isalba mula sa bingit ng kamatayan. Pagkagising ko, wala akong maalala sa pagkatao ko bukod sa pangalan ko. “Anong nararamdaman mo, Lierre?” pag-ulit ni Miss Aviel sa tanong niya. Unti-unti na akong nilalamon ng antok ngunit nahanap ko pa rin ang boses ko. “Hmm... like... a serene crashing of waves against the beach sand. Maybe the usual?” kalmadong sambit ko. “Ah, no. It’s different this time.” “How is it different?” “It is like... the calm before the storm.” Naibulong ko na lamang ang huling mga kataga dahil halos hindi ko na maibuka ang bibig ko. “Great. I think you are ready enough in welcoming fragments of your memories,” bulong nito na umalingawngaw sa utak ko. My mind totally blacked out. “Aching memories that you chose to erase.” Blurry scenes came rushing into my head, flooding my mind with empty memories. I wanted to move my body and scream my lungs out, but I couldn’t. “Please stop,” I quietly begged. ”It hurts.” My head and chest felt like they were being ripped into pieces. Felt like both will explode any moment. Patuloy pa rin ang paglitaw ng mga imahe sa ulo ko. Wala pa ring malinaw na alaala sa nakaraan ko, but I am almost there. Hingal na hingal akong napabangon mula sa pagkakahiga ko. Lalo lamang tumindi ang sakit ng ulo ko sa biglaan kong pag-upo. Unang bumungad sa akin ay ang nag-aalalang mukha ni Miss Aviel. “You woke up earlier than I expected. There is something within you na ayaw pa ring makaalala,” sambit niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang awa dahilan upang makaramdam ako ng pagkainis. Nasapo ko ang ulo ko habang otomatikong kinapa ng isang kamay ko ang mesa at dali-daling kinuha ang isang baso ng tubig. Walang sabi-sabi ko itong nilagok, tila unang beses kong makainom ng likido mula sa paglalakbay sa desyerto. Pabagsak akong sumandal sa sofa nang bumalik na sa normal ang paghinga ko. Napapikit ako at napabuntong-hininga. Hindi malinaw ang mga rumagasang alaala sa akin, ngunit tatlong mukha at pangalan ang hindi ko makalimutan mula nang magising ako. Tatay Mario. Mara. Zalchad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Master and I

read
136.3K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.7K
bc

Twin's Tricks

read
560.3K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook