Forty Five Wala ako sa sarili buong gabi. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapag-isip. Paulit-ulit sa ulo ko ang mga senaryo kung saan pinatay ang aking Tatay Mario at ang dalawa kong matalik na kaibigan na itinuring ko nang kapatid. Paulit-ulit ding tinataga ang puso ko sa sakit ng mga alaalang iyon. Gusto kong magwala, magsisigaw, at manakit ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Nanatili lamang akong tahimik habang nakatulala sa malawak na kalangitan. Bilog na bilog pa rin ang buwan. Bumaba nga ba talaga ang mga diyos? Muling bumalik sa akin ang tanong ni Forest. Ano ang pipiliin ko, buwan o araw? Ang unang pumasok sa isip ko ay ang mukha nina Primo Klausser at Cohen. Primo Klausser is the sun. Whenever I feel cold at night, he was always a morning light that embraces me and wakes me

