Unang beses ko palang makakapasok nang tuluyan sa Forest of Life and Death. Wala kasing naglalakas-loob na pumasok dito. Bukod sa mga halimaw at mababangis na mga hayop, maaari din kaming makasalubong ng mga rebelde o iba't ibang klase ng tao rito. It's the Forest of Life and Death, after all. Ito ay ang kagubatan na mayroon lahat ng hinahanap mo. Kung titira ka sa gubat na ito, hinding-hindi ka magugutom. Ngunit pupwede ring hindi ka na sisikatan ng araw. Siguro ay gets niyo na kung bakit gano'n ang itinawag dito. Mag-iisang oras na kaming naglalakad nina Primo at Cohen. Parehong tahimik ang dalawa na ipinagtataka ko. Nakabibingi rin ang katahimikan ng gabi. Tanging mga kuliglig lamang ang naririnig ko. Ngunit bigla akong nahinto sa paglalakad nang maramdaman kong mayroon akong naapaka

