Fifteen

1445 Words
After we dried and fixed ourselves, we went straight to the Zero Market. I was getting goosebumps ever since we have passed by the ark and saw colorful lights from aligned stalls on our both sides. It was beautiful. May hawak akong isang kendi na hugis katana. Kung titingnan, mukha itong totoong armas at mayroon talaga itong talim. Ngunit hindi ito kasing-delikado ng isang totoong punyal. Nabili namin ito sa bungad ng Zero Market. Dahan-dahan ko itong dinilaan. Napakurap ako nang maraming beses nang malasahan sa dulo ng dila ko ang kakaibang tamis. "This is amazing!" komento ko. Ngumiti lamang sa akin si Primo Klausser. Nagtungo kami sa iba pang stalls na mayroong mga binebentang armas. Patung-patong na punyal at mga espada ang makikita sa mga mesa. Marami ring ibang mga dayo pa na namimili sa mga 'yon. "I'd like a few shurikens." Pinahawak kay Primo ang hawak kong kendi at tumakbo papunta sa mga mesa at nagtingin ng mga punyal at shurikens. Tinesting ko ang talim ng mga ito sa pamamagitan ng paghiwa ko ng palad ko. Nang umagos ang dugo mula roon, nagkaroon ang mga armas ng isang pulang marka sa hindi ko maintindihan na lenggwahe. Inabot ko ang mga iyon sa tindero at binayaran. Inabot niya sa akin ang mga iyon na nasa isang parihabang kahon. "You have a good eye for weapons," nakangiting sambit ng tindero. I shrugged. "It's what I do for a living." Pabalik na sana ako kay Primo na nakatayo lamang sa kabilang stall nang biglang nag-vibrate ang suot kong relo na tuloy-tuloy ang pagdaloy sa buong katawan ko. Napamura ako nang maraming beses bago napindot ang isang button para makuha nila ang message na pupunta na ako kung saan man nila ako pinapatawag. Nagmadali akong lumapit kay Primo upang ipaalam sa kanya ang sitwasyon ko, ngunit nadatnan ko siya na mayroong kausap na lumulutang na apoy sa harapan. "Alright. I'll be there tomorrow morning," rinig kong sabi ni Primo sa apoy. Napataas ang kilay ko nang marinig ding sumagot ang huli. Is this even possible? "You have committed serious offenses, dude. Kung gusto mong gumaan pa ang parusang ipapataw sa 'yo, magpunta ka na rito ngayon." It was Cohen's voice coming from the small, talking fireball. "I can't leave here just yet," said Primo in his frustrated voice. "If they are thinking of dragging Lierre into this, then I'm willing to abandon Magi Island this instant." Napaawang ang bibig ko sa narinig. He's even willing to do that for my sake? Naikuyom ko ang mga palad ko. "What's with you, dude? Since when did you care about other people? Don't you think that's too cheesy? Have you got no shame?" dire-diretsong sabi ng boses mula sa apoy. But this time, it wasn't Cohen. It was the idiot, Forest. "Mind your own business, my tree buddy," singhal ni Primo sa kanya. "Come back, dude. Kakagaling lang sa sakit ni Akira. Hindi na niya kaya pang patagalin 'tong tawag." Muli kong narinig ang boses ni Cohen. Akira? The beautiful woman at the clinic? How is she related to the Mortal Seven? "I said I'm not going—" Lumapit ako kay Primo at pinutol ang sinasabi niya. Kinuha ko mula sa kanya ang pinahawak kong kendi at dinilaan iyon bago ko sinabing, "We'll go back." Napatingin siya sa akin, gulat at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Lierre, is that you?" rinig kong boses ni Forest na mayroong pagpa-panic. "I heard Lierre's voice! You were with Primo all this time?" Sumulyap ako kay Primo na napabuntong-hininga na lamang. "Yes. We'll definitely go back tonight." "Alright. See y—" Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Forest ay tuluyan nang nawala ang bolang apoy at naging abo. "You shouldn't have said that," kalmado ngunit may bakas ng pagkairita ang boses ni Primo. "I wasn't going to, but I also got a call from The Pinnacle," balewalang sabi ko. "This compass would tell us where to go." Hindi umimik si Primo at nagsimula lamang na maglakad. Hinabol ko siya kahit na lugi ako sa haba ng mga biyas niya. "I'm not going anywhere," inis na sabi niya nang mapansin ang paghabol ko. "It is urgent," pagkumbinsi ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. "Go by yourself if you want." Napahinto rin ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Naramdaman ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa ulo ko nang dahil sa sinabi niya. I scoffed. "You think I won't do that? Bye, then!" Saka ko pabalang na ibinalik sa kanya ang kendi na binili niya para sa 'kin. Inirapan ko pa siya bago nag-martsa palayo sa kanya. Kahit hindi ko alam kung saan ako patungo, sinundan ko na lamang ang itinuturong direksyon ng aking relo. Nakatutok ito ngayon sa numerong 3 at 12 na ibig sabihin ay pa-three o'clock ang destinasyon ko. Paglabas ko ng Zero Market ay bumati na sa akin ang isang madilim na kagubatan. Tanging mga puno lamang ang nakikita ko rito. Ang naghihintay sa akin sa kadiliman sa loob nito ang hindi ko alam. Anuman ang mga 'yon, confident naman ako na kaya kong lagpasan ang mga bagay na iyon. I was about to take a step to the forest when someone grabbed my arm. Handa na akong hugutin ang isa sa mga binili kong armas ngunit nakahinga ako nang maluwag nang mapaharap ako sa humila sa akin at nakita ang pamilyar na mukha ni Primo. He was calm, as usual, but his brows were arched. "She's so stubborn that it drives me crazy," bulong niya na tila ba kausap ang sarili bago ako tiningnan nang matiim. “I’ll go with you.”   Habang tinatawid namin ni Primo ang madilim at malamig na kagubatan, minabuti kong basagin ang katahimikan. Mukhang naiinis pa rin kasi ito sa mga nangyayari. “You can teleport, right?” usisa ko. “Mukhang malayo pa ang lalakarin natin. Hindi kaya tayo abutin ng umaga nito?” Tiningnan niya ako, pero halata sa hitsura niya na ayaw niyang sumagot. “It drains my energy.” “Oh, does it?” Marahan siyang tumango. “Ha, I wonder how you managed to take me in Zero Labyrinth in an instant.” Tiningnan niya ako nang masama. “Are you doubting me?” I shrugged. “I’m just wondering.” Umirap siya sa akin at muling humarap sa dinadaanan. “Bakit ka ba atat bumalik? Was it because of Forest? I heard you were pretty close.” Halos wala nang sumisilip na liwanag dito dahil sa malalagong dahon ng mga puno. Ngunit wala naman akong nararamdaman na ibang presensya sa paligid. Mag-i-isang oras na kaming naglalakad ni Primo at mukhang narating na namin ang pusod ng kagubatan. Sabay kaming tumalon ni Primo sa magkabilang gilid at nagtago sa likod ng mga puno nang maramdaman naming mayroong mga pana na patungo sa direksyon namin. “What is it?” rinig kong boses ng isang babae. “I just thought I saw someone,” tugon ng isang boses lalaki. “Are you done with your job?” “Yes. I’ve taken care of the rat. Somebody must have found out by now. I hope it’ll be my last mission in the Capital.” “Alright. Let’s report to The Lord.” Narinig na lang namin ang mga yabag palayo. Nang masiguro namin na tuluyan na silang nakaalis, sabay kaming tumayo ni Primo. Nagkatinginan kami at alam kong pareho kami ng iniisip. The rat in the Capital? The Lord? “Shall we follow them?” bulong ko. “It doesn’t seem like they work for Lord Kira.” “It’s dangerous.” Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. “Let’s head back for now.” For a minute, my vision went all black that I didn’t know what in the underworld happened. But when I opened my eyes, we were already in Magi Academia. Sa harap mismo ng gusali kung saan matatagpuan ang opisina ng Supreme Student Council, Mortal Seven, The Pinnacle, at iba pang organisasyon dito sa paaralan. “I’ll go report what we saw in the woods,” saad ni Primo. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. “You should go do your thing. Are you a part of the Academia’s newspaper?” “Yes…” Halos hindi ako makahinga at makapagsalita nang makitang muli ang maaliwalas na mukha ni Primo. Hindi ko alam kung bipolar siya o mayroon siyang split personality, pero kahit anong pagbabago niya ay iisa lang ang epekto sa akin. Bumibilis na parang may sira ang puso ko. Napayuko ako at pakiramdam ko ay nag-iinit na ang buong mukha ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko. “Thank you for the other day, yesterday, and today . . . Primo Klausser.” Bago pa siya makasagot, tumakbo na ako papasok sa gusali at dumiretso sa opisina ng The Pinnacle. Nasa pinaka-ibaba lamang kasi ito, samantalang ang Mortal Seven ay nasa pinakataas na palapag pa. Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko sina Chantel at Damian na aligagang nag-iimpake ng mga gamit. “You’re right in time, Lierre! Mamaya na tayo magkumustahan. Mayroon tayong kailangang puntahan sa labas ng Academia.” Kumunot ang noo ko. “Anong meron?” Huminto si Chantel sa ginagawa at diretso akong tiningnan, halatang nagpipigil lamang siyang umiyak. “Ambush.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD