Nakaupo kami ni Akira sa magkabilang dulo ng bangka na provided ng Magi Academia. Hindi na kami kumuha ng magsa-sagwan dahil kaya ko namang pabilisan ang pag-anod ng tubig sa bangka.
Naka-krus ang mga braso niya sa dibdib at hindi maganda ang timpla ng mukha. Kanina pa siya nagrereklamo na hindi pa siya nakakapag-pahinga mula ng pagbalik namin kagabi sa Magi Academia. Hindi rin daw niya makakasama ang mabalbon niyang alagang si King dahil takot ito sa tubig.
Wondering why this woman is here with me? It's Miss Thomnus' idea!
"If you are going to rescue all the magians down there, you need a rescue boat... and an assistance," suhestiyon niya nang sabihin sa kanya ang plano ko matapos makausap si Gramps.
Kumunot ang noo ko. I made it clear to them that I would go under the sea alone. Mapapahamak lamang ang sasama sa akin o kung hindi nama'y magiging pabigat.
"Assistance? From who?"
"Someone that is brave enough to sail with you, but won't go underwater with you." Nangiti si Miss Thomnus at tinapik ang braso ko. "Meet us at the main gate, alright?"
Wala akong nagawa kung hindi pumayag since nangako naman siya na ako lang mag-isa ang sisisid sa tubig.
So nandito ngayon si Akira upang hintayin ang mga taong ire-rescue ko mula sa kailalim-laliman ng karagatan. Tutulungan niya akong isakay ang mga ito sa bangka at saka niya ihahatid sa pampang ng Magi Island, kung saan mayroong naghihintay na Medical Team.
But the mission won't stop there. My task is to eliminate the curse under the sea. Sigurado akong kahit na i-rescue namin ang mga magian sa ilalim ng dagat, magiging katulad lamang sila nina Emerald at Laura na wala sa sariling katinuan. That is why I need to jump in.
I made a lot of thinking last night that I wasn't able to properly sleep. I suspect that this curse has something to do with me, since I am the only sea child alive. Natunayan ko 'yon sa mga pag-atake nina Emerald at Laura sa akin noon, bago sila ipinadala sa pagamutang institusyon.
"Are you really gonna do this?" tanong sa akin ni Akira nang mapansin na desidido ako sa plano ko. "You, of all people, should know the danger that the curse under this sea brings."
Tumango ako. "And this sea, which is under an unknown, evil curse that cages my friends somewhere down there, is still my home."
Nagkibit-balikat siya. "Alright. You do not have to be emotional. I'm just worried." But she doesn't sound worried at all.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang kakaibang kilos na napapansin ko kay Akira at itinuon ang atensyon sa tubig. Ayokong mawala ang focus ko sa misyon na ito. Maraming buhay ang nakasalalay sa gagawin kong ito, kung kaya't hindi ako pupwedeng magkamali.
Hininto ko ang bangka sa pusod ng karagatan kung saan dating nakatayo ang kuweba ni Master Acius. Tumayo ako at pinagmasdan ang kalmadong mga alon ng dagat. Huminga muna ako nang malalim bago tumalon at sinisid ang asul na asul na tubig ng Kingdom of the Waves.
Hindi na ako nagpaalam kay Akira nang tinalon ko ang tubig. Wala akong oras na dapat sayangin. Lumangoy ako nang dilat ang mga mata, iniikot ang paningin sa bawat paglangoy na gagawin, hanggang sa maapakan ko ang mga damong dagat at buhangin sa pinaka-ilalim.
Tulad noong bago ako magpunta sa Magi Island, walang nagbago sa parteng ito ng dagat. Nagkalat pa rin ang mga nawasak na mga bahay at kagamitan maraming taon na ang nakakalipas. It was as if they were never caught in currents underwater...
"Damn it," naibulalas ko nang ma-realize ang sitwasyon.
Dali-dali akong lumangoy palayo sa lugar na iyon. Hindi ako tumigil sa paglangoy papuntang silangan hanggang sa mawala na sa paningin ko ang tanawin ng nawasak na nayon. I just realized that it was an illusion or a setup. It was a huge trap!
Nahinto ako sa paglangoy nang marating ko ang isang kuweba na nabuo ng patung-patong na matatalim na mga bato. Isang malapad na parihabang kahoy naman ang nagsisilbing pinto nito.
Akmang lalapitan ko na ang kuweba upang pasukin iyon, nang may maramdaman akong gumalaw sa kaliwa ko. Nang lingunin ko iyon, nakita ko ang isang pamilyar na mukha ni Vergel. Walang malay at palutang-lutang ang katawan.
"I'm glad to have you as my niece." I thought I heard his voice even underwater. Dali-dali akong lumangoy papalapit sa kanya at niyakap siya. Wala pa rin siyang malay, but he kept uttering that he was glad.
Lumangoy ako pataas habang yakap-yakap pa rin si Vergel.
"You'll be fine now, Uncle," bulong ko sa kanya nang makaahon kami pareho sa tubig. Sinalubong kami kaagad ni Akira na matiyagang nagsasagwan papalapit. Tinulungan niya akong iangat si Vergel at isinakay sa bangka. "Please take good care of him," pakiusap ko.
"I will," tipid na tugon ni Akira at nilampasan na ako upang ihatid na si Uncle sa pampang.
Muli akong sumisid sa tubig. Nagulat ako nang pagbalik ko, nagkalat na ang nakalutang na mga katawan sa ilalim ng dagat. Nakita ko si Trese at ang isang grupo ng mga lalaki na nagpunta rito para sa isang misyon.
Ginamit ko ang buong lakas ko upang hilain silang apat pataas sa tubig. Ginamit ko ang magaè ko upang tulungan ako ng tubig-dagat sa pag-ahon sa kanila. Mabuti na lamang ay nakabalik sa si Akira nang makaahon kami.
"They are all from Magi Academia," tukoy ko sa apat habang pinagtutulungan namin ni Akira na isakay sila sa bangka.
Umakyat ako sa ibabaw ng tubig na parang isa lamang ito solidong lupa upang mapabilis ang paghila ko isa-isa sa apat palabas ng tubig. Nakita kong napataas ang kilay ni Akira nang makita ang kaya kong gawin sa ibabaw ng tubig.
"May iba pa bang nasa ibaba?" tanong ni Akira bago ako sumisid muli sa tubig.
"Hundreds of bodies." Bumuntong-hininga ako. "But no signs of Cohen."
Muli akong sumisid sa ilalim ng dagat. By batch ang pag-rescue ko sa magians na nagkalat sa tubig. Hindi ko kasi sila kayang pagsabay-sabayin. What am I, a god?
Sa lahat ng mga naahon ko sa tubig, napansin ko na pare-pareho ang kalagayan nila. Walang malay, but they were uttering something... as if they were dreaming, or sleep talking.
Pabalik-balik ako sa ibabaw at ilalim ng tubig hanggang sa tuluyan naming maisalba lahat. Nang maisakay namin sa bangka ang huling batch ng magians na nasa ilalim ng dagat, sinsero akong nagpasalamat kay Akira. Kitang-kita ko kasi ang pagod niya sa pabalik-balik at paulit-ulit na pagsagwan niya upang sunduin ang mga natirang magians.
She frowned. "I'm not happy about this."
Napahalakhak ako. "I'm sure Cohen is still hanging down there. You should take some rest until I find him."
Umirap siya. "Don't give me that unusual kindness. You sound like you're bidding a goodbye."
Muli akong natawa sa sinabi niya. "Don't worry, you'll still get to see me around. I won't die just yet. Not under the sea." Tinapik ko ang braso niya at muling tumalon sa tubig.
I tried looking around and searched for Cohen, but he was nowhere to be found. Hanggang sa makabalik ako sa harap ng kuweba na natagpuan ko kanina. It was calling me; hypnotizing me. It was obviously a trap for a mouse, like me, who was looking for its cheese—and I could smell that cheese inside this stoned cave. I had no choice but to take the bait.
Hinawakan ko ang kahoy na pinto at dahan-dahang binuksan iyon. Lumangoy ako papasok sa kadiliman sa loob. Kusang nagsara ang pinto nang makatungtong ako sa loob.
Dahil wala akong makita, sinulong ko na lamang ang kahabaan ng kuweba at sumunod sa agos ng tubig. Hanggang sa masilayan ko ang liwanag sa dulo ng eskinita. Mas binilisan ko ang paghampas ng mga kamay at paa ko sa tubig upang madaling marating amg dulo, ngunit kahit anong bilis ng paglangoy ang gawin ko ay hindi ko marating-rating ang liwanag.
Then I heard a rusty, old voice circled around my head. "I have been waiting for you, Lierre Kingsley."
Napahinto ako sa paglangoy nang maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko, but the voice still rung in my ears that I felt dizzy. Binalot ng kadiliman ang paligid ko.
"Who are you?" I managed to ask the voice's beholder.
"I am the holder of your forgotten dream." The voice dominated my head; slowly conquering my mind. "I have the power to grant you wishes."
"Who..." I muttered.
"They call me Master Poseus," the voice proudly said. "I've been giving the youth, who was like lost puppies in the road of Magus, a new life and beginning. I am planning to build a perfect world where these young magians realize their dreams and happiness."
Pinipilit kong imulat ang mga mata ko, ngunit wala na akong ibang makita kung hindi kadiliman. Fortunately, nararamdaman ko pa rin ang katawan ko na lumulutang sa tubig.
"What do you want from me?" I asked again. Hindi ko alam kung may boses na lumalabas sa bibig ko nang sabihin ko iyon, o nasa isip ko lang lahat.
"You are the last element in building that world," tugon ng boses sa malumanay na boses, as if convincing me about something. "If you voluntarily join hands with me, I promise to revive the dead and forgotten dream of yours."
Unti-unti akong binalot ng matinding antok, ngunit pinipilit kong buhayin ang diwa ko sa pamamagitan ng paggalaw ng mga daliri ko sa kamay at paa.
"What dream are you talking about? I don't even know what keeps me going," I replied abruptly. My head was spinning... I'm sleepy...
"That's because you are lost, my child," said the calm voice. "You have forgotten the beauty of life and dreams of youth. I must show you this beautiful world that I created..."
"I don't understand..." Unti-unti nang bumigay ang katawan ko sa matinding antok. Naramdaman ko ang paglubog ko sa ilalim ng tubig, ngunit hindi ko na kayang imulat pa ang aking mga mata.
"The world where you won't ever have to feel pain and remorse." Binalot ng malamig na tubig ng dagat ang buong katawan ko. Ramdam ko ang pagbagsak nito sa isang walang-hangganang pagkahulog. "Your long forgotten dream... I'll make you remember."
"What dream?" my mind kept questioning that dream the voice was babbling about. I also love to know what that dream was.
"The revival of the Kingdom of the Waves."