Kabanata 2

871 Words
Una akong lumabas ng coffee shop matapos ang aming pag-uusap. Mabigat ang loob ko habang papalabas papasok sa next subject. Unang bumungad sa aking ang nakangiting mukha ng aking mga kaibigan. "Mabuhay ang petchay ng may bagong jowa!" Masayang sabi ni Alyssa pagkalapit ko sa kanila. Halos magkakatabi kasi kaming apat sa klase. "Sinagot mo na, Hez? Kayo na ni Owen?" Namimilog ang mga matang tanong ni Diana. Umaasam sa positibo kong impormasyon. Hindi naman lingid sa kaalaman nilang tatlo na nagkakamabutihan na kami ni Owen. Halos label na nga lang talaga ang kulang para masabing in relationship na kaming dalawa. Tipid akong ngumiti tsaka umiling sa kanila. Kapwa nalaglag pareho ang kanilang mga panga. Mukhang hindi rin makapaniwala. "Huh? Eh di-rineject mo siya?" Naguguluhang usal ni Gretchen. Isang tango ang naging tugon ko. "Damn! Bakit?" Gulantang tanong ni Alyssa. Mukhang galit pa. "Alam n'yo naman kung bakit 'di ba?" Mahina kong tugon. Isang nakakamay na irap ang ginawa ni Alyssa. "Ano naman kung engaged ka na? Pwede ka namang magboyfriend, ah. Hindi mo dapat tinatali ang sarili mo sa lalaking hanggang ngayon ay hindi mo pa nakikilala." Gretchen nodded. "Alyssa's right, Hez! Pano pala kung hindi mo magustuhan yung nirereto sa'yo ng Mommy mo. Ikaw lang din ang masasaktan sa dulo." "Agree rin ako kay Alyssa, Hezel. Pano na lang kung may girlfriend na rin pala yung lalaking sinasabi ng Mommy mo at ayaw naman talaga sa'yong magpakasal. Anong gagawin mo? Sayang yung chance mo kay Owen. Nandoon na e. Matagal mo yung pinaghirapan 'di ba? Napansin ka na niya tapos ganoon nalang?" May bahid na lungkot na komento ni Diana. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Alam ko namang nadisappoint ko silang tatlo sa naging pasya ko. Saksi kasi sila kung gaano ko kagusto si Owen una palang. Sila rin ang naging tulay para mapalapit ako kay Owen. Boto na silang lahat roon sa tao dahil sobrang bait namang talaga. Kaya alam kong masakit rin para sa kanila ang ginawa ko. "Alam kong disappointed kayong lahat sa akin pero anong magagawa ko? Ayokong sagutin siya tapos pansamantala lang naman ang magiging relasyon namin. In the end, masasaktan lang kaming pareho." Alam kong kahit ako ay dismayado sa aking naging pasya. Sa totoo lang si Owen na talaga yung tipo ng lalaking gusto kong makasama. But then alam kong hindi madali ang lahat. Marami pang pwedeng magbago. Tama siya sa sinabi niya kanina, bata pa kami, marami pang pwedeng mangyari. "Bakit? Sa tingin mo ba hindi pansamantala 'yang pagiging engaged mo sa lalaking gusto sa'yo ng Mommy mo?" Alyssa fired back. Nakataas ang kilay niya. Mukhang nanghahamon. Umiling ako. "I don't know." Sa totoo lang hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan patungo ang lahat. Pero isa lang ang aking sigurado. Kung kami man ni Owen ang nakatadhana sa isa't isa walang makakapigil noon kahit sino. "See? Tapos pinakawalan mo lang si Owen ng ganon ganon? Hindi kita magets." Aniyang tsaka umirap. Ngumuso ako. Kung may pinakagusto man ako sa klase ng pagkakaibigan naming apat iyon ay kung paano namin ibabahagi ang aming mga sariling opinyon. Though alam naming makakasabi kami ng masasakit na bagay sa isa't isa but we make it sure na para naman iyon sa ikabubuti namin hindi dahil para may masabi lang. I'm so glad na napunta ako sa ganitong klase ng friendship. Walang halong kaplastikan dahil lahat ay totoo. Alyssa Mararac is a kind of a savage girl. Ginagamit ang kadaldalan sa pagmumute ng mga tao sa paligid maslalo na iyong mga walang sense ang pinagsasabi. Kung hindi mo siya kaibigan mapagkakamalan mong masungit kasi nga sinasabi niya talaga kung anong gusto niyang sabihin without worrying kung masasaktan ka man o hindi sa sinabi niya because that's only for your own good. Diana Rose Guerrero is a kind of angelic one. Sobrang bait. Sa sobrang bait niya minsan maiinis ka nalang dahil inaagrabyado na ng iba. She's also sensitive among us. She can't take too much words from other people. Bukod sa madali siyang masaktan, mababaw rin ang kaniyang luha. Pero sa lahat ng mga bagay na pinakagusto ko sa kaniya ay ang kaniyang pagiging appreciative. Hindi mo kailangang magbigay sa kaniyang ng mamahaling bagay para lang siya ay mapasaya. She always looks for what's in your heart not in what you can offer. Gretchen Joy Rafael is a kind of independent s***h rebelled one. Pinakapalaban sa aming lahat kahit saang angulo mo tingnan. She's a bit competitive in her own good way. Malayo ang pinanggalingan niya kaya tumatayo sa sariling paa kasama ang kaniyang nakababatang kapatid. She's a kind of friend na hinding hindi ka iiwan kahit anumang mangyari. She always got your back no matter what. At ako? Nah, there's nothing really special about me. I'm just a good girl giving her best every day to live a peaceful life in this chaotic world. A girl who always prefer reading books and watching dramas online than partying at the bar. A girl who always prefers sleeping than going out. A girl who always follows what her mother told her to do because she knows that her mother knows best for her. In short, a nerd or a boring girl by many.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD