Kabanata 1
Not everyone's love can be rewarded the way they wanted to be.
This means that not everyone will receive love in the way they hope for or expect. People may express love differently, and it might not always match our ideal or desired form of love.
Katulad nalang ng kalagayan ko ngayon. Nang yayain ako ni Owen dito sa coffee shop sa harapan ng school na pinapasukan namin ay may kutob na ako sa kaniyang nais sabihin. Though, i'm not really assuming but I know for sure na magtatanong siya. Dahil in the first place ay wala naman siyang ibang dahilan para yayain ako rito.
First year college palang ako ay crush ko na talaga siya. He's popular in our campus dahil nasa kaniya na ang lahat. Gwapo, mabait at matalino. Consistent honor students at hindi pa kaylanman nasangkot sa anumang gulo. Many girls could make so many moves just to get his attention at aaminin kong isa na ako roon. And yes, successful! Napansin niya ako.
"Hezel?" Nag-angat ako ng tingin sa maamong mukha ni Owen.
Still, I can't really imagine na darating ang araw na ito. Ako at siya, kaming dalawa, nakaupong magkaharap sa iisang mesa.
"Huh?" tanong ko dahil nakakunot-noo na siya.
Ngumuso siya tsaka tinuro ang kape sa aking harapan. "Lalamig 'yan, kung hindi mo pa iinumin."
Tipid akong ngumiti tsaka dinampot ang tasa ng kape na lagi kong iniinom dito.
"You really like chocolate coffee." Komento niya habang nakatitig sa akin. Kanina niya pa 'yan ginagawa. Na tila ba parang mawawala ako kung kukurap man lang siya ng ilang segundo.
"Masarap kasi," ang tanging tugon ko.
Matagal niya akong tinitigan na halos matunaw ako sa kaniyang tingin.
"Hindi ka ganiyan." Sambit niya bago sumimsim ng kaniyang kape.
Alam kong napansin niyang hindi ako masyadong madaldal ngayong araw. Sa tuwing kasama ko kasi siya'y napupunta nalang sa kung saan ang aming usapan dahil sa mga tanong na ibinabato ko sa kaniya.
"Probably, because of your mom?" Kuryoso niyang tanong. Hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman na dinala namin ang mama sa hospital kahapon dahil inatake na naman. Last heart attack niya ay last year pa. Tuloy tuloy naman ang maintenance niya at hindi nakakalimot sa pag-inom kaya ganoon nalang ang panic namin kahapon.
"Sort of," tipid kong tugon.
"Care to tell kung ano pang gumugulo sa isip mo baka makatulong ako?" Aside sa mabait napaka-caring din talaga ng lalaking ito. Kaya naman gustong gusto ko talaga siya.
"Ikaw."
Napatigil siya sa paghigop ng kape at napakunot-noo.
Ikinuyom ko ang aking mga daliri para doon humugot ng lakas. Gusto ko pa sanang tumagal ang pag-uusap naming dalawa pero alam kong hindi na pwede.
Tumitig ako sa kaniya. "Ito na siguro ang huling araw na lalabas tayo." Umpisa ko.
Linapag niya ang tasa ng kaniyang kape at napatitig sa'kin ng seryoso. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Bakit? Aalis ka?" Aniyang hindi maalis alis ang titig sa akin.
Umiling ako. "My internship is coming. Marami kaming ganap ngayon. May pre board pa." Pagsisinungaling ko.
"So? I can check my schedule para magtugma sa'yo." Ani niya na para bang hindi iyon big deal.
Doon ako napailing.
"Huwag na Owen dahil ito na ang huling paglabas natin." Pinatatag ko ang aking loob para lang deritsong lumabas ang bawat katagang binitiwan ko sa aking bibig.
Tinitigan niya ako ng ilang saglit bago siya muling nagsalita.
"Is that your indirect way of rejecting me?" Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata habang tinatanong iyon.
"..."
I didn't utter any response. Kung papipiliin man ako, si Owen ang kahuli hulihang taong pipiliin kong saktan.
Itinuon ko ang tingin sa aking kape dahil hindi ko na siya kayang titigan pa. "I'm sorry." Mahina kong tugon habang nakayuko.
I heard him sighed loudly. Tanggap kong may masasabi siya sa akin. Tanggap kong magagalit siya.
"Don't be sorry. I respect your decision."
Iniangat ko ang aking tingin at itinuon iyon sa kaniya. He's smiling to my surprise!
"I know it's not the right time. Bata pa naman tayo." He said. My heart skip a bit when he said that. Aside from his good side I also admire his maturity.
Pero kahit na, I know deep inside na nasaktan ko siya and I hate myself for that.