Prologue
Sa buhay na kinakatayuan ko ngayon, sobrang daming problema. May dumadating, may namamatay at unaalis. Walang araw na hindi ako nagkaka problema at walang araw hindi pumapatak ang aking mga luha sa akong pisnge.
Sarili kong pamilya, hindi ko ramdam ang kanilang pag mamahal o kaibigan. At dahil doon, ang pinaka ayaw ko ay ang salitang "love"? Ano nga ba? Hindi ko alam.
Ang akin nakaraan ay masyadong madilim at kumplikado.. Ayaw na ayaw kong napapagusapan iyon. Maraming taong mapanghusga.. Baka pag malaman nila ang aking nakaraan, husgahan nila ako.
"P-paalam..."
Sunod sunod ang pag tulo ng aking luha sa tuwing na naririnig o naalala ang salitang yan. Nanghihina ang aking mga tuhod, nanlalamig at nanginginig ang aking mga kamay.
Tangina, hanggang saan ba itong problema na ito? Hanggang kelan ba ito? Kelan ba ito matatapos? Pagod na pagod na ako.
"I bought some medicines for you" ngiti niyang sabi.
Nginitian ko siya pabalik at kinawayan. Kaso biglang.. Sumikip ang akong dibdib at hindi ako makahinga.
Ito naba? Ito naba ang katapusan ng buhay ko? Dito naba mag tatapos ang aking mga problema?
Ngunit.. Ayaw ko pang mamatay. May mga tao akong nakilala na sobrang importante sakin, to the point na, na-attach na ako sakanila at hindi ko alam king saan papunta ang buhay ko kung wala sila.
Lalaban ako.