SEBASTIAN..
LUCAS POV.
Hawak hawak sa balakang ang babae at papasok sila sa gusali.
"GOOD MORNING SIR!"
Sabay sabay bati ng mga tauhan.
Lahat man ay nagtataka sa mukha kung sino ang kasama nyang babae ay binabalewala lang nya ito at tuloy tuloy lang sa paglalakad.
Nilagpasan nila pati na ang kaibigang si Rafael Vargas na magsasalita pa sana.
Nang maramdaman pa ang paglingon ng babae dito kaya mabilis nya itong Ipinasok sa elevator at siilin ng halik..
"Ayukong titingin ka sa ibang lalaki, sakin lang dapat."
"Bakit, sino ba yun?
Saka mukhang may sasabihin eh, kaso nilagpasan mo lang."
"Kaibigan ko at pupunta rin yun mamaya sa meeting kaya magkikita rin kami."
Anya sa babai.
Bumakas ang elevator at tuloy tuloy naman sila ulit sa paglalakad at dito mas namamahangha pa ang mga empleyado sa kanilang dalawa, saka sya binati ng mga ito.
"Beatrice, make us coffee."
Utos nya sa sekretarya, saka nya pinag buksan ng pinto ang babai.
Tuloy tuloy syang umupo sa sofa at kinalong ang babai saka hinalikan ang leeg nito.
"Lucas..
Wag naman dito."
Pag-iiwas ng babae sa kanya, pero di ito pinaalis sa kandungan kahit pa tinutulak na sya.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang kaibigang si Vargas.
"Sorry, I disturb your moment."
Anya Rafael.
Ang babai naman ay umalis din sa kanyang kandungan saka umayos ng upo sa tabi nya.
"Sa susunod ay kumatok ka muna."
Inis nyang sabi dito, ngunit di sya nito pinansanin at tuloy pang umupo sa kanilang harapan at nagpapakilala sa babae.
"Hi, I'm Rafael Vargas-"
"Asawa ko sya!"
"Ang dami mo namang asawa
Mr. Vincente?"
"Sya ang Reyna ko at wala kang paki."
Anya pa sa lalaki, tumingin naman sa kanya ang babai saka ito tiningnan din, ngunit walang emosyon ang maganda nitong mukha.
"Wag kang makikinig sa kanya, ehmm?
Parati yang nagbibiro."
Sabi pa nya sa babai saka ito hinalikan ng mariin.
Ang lalaki naman ay napabuga ng hangin saka umayos ng upo.
"So sweet..
Anung oras na nga ang meeting?"
Pang iinis pa sa kanya ni vargas.
Alam na nya ang istilo nito pagdating sa mga bagay na ganito na parati syang iistorbuhin sa tuwing may kasama syang babai.
Tiningnan naman ang oras sa relo at imbis na sagutin ang lalaki ay mas binalingan nya pa ang babai.
"Sasama ka sakin sa meeting, ha?"
Tanong nya sa babae, pero umiling ito.
Bigla namang tumawa ang kaibigan.
"So, ibig sabihin binabakuran mo palang sya...
Kaya pala kung mahatak mo ang Reyna mo ay halos di mo na pakawalan."
"Manahimik ka vargas, di kita kinakausap."
"Fine!
Kung ganun sumunod kana lang sa meeting."
Anya pa vargas, saka walang sabing kinuha ang kamay ng babai saka ito hinalikan.
"Hope to see you again Miss...?"
"Brianna."
Sagot naman ng babai, saka ngumiti pa ito.
Naiinis nyang tinapunan ng tingin ang lalaki saka ito tumayo at lumabas...
Matapos ngang makipag usap sa babai at iwan ito sa opisina nya ay naririto naman sya sa lugar kung saan sila nagpupulong.
Panay rin ang sulyap sa relo upang malaman ang oras dahil di rin sya nakasisiguro sa babaing iniwan.
Alam nyang dispirada ito sa pag alis sa puder nya kaya naman pinabantayan nya ng maigi ang babai sa sekretarya at naglagay narin ng dalawang magbabantay para lang di makalabas..
******
BRIANNA POV.
Kanina pa sya pabalik balik ng lakad sa pintuan at nag-iisip ng iba pang idadahilan upang pakawalan na sya ng mga ito, ngunit mukhang loyal talaga ang mga ito dahil wala man lang sumumbat sa mga nauna nyang rason dito.
Nakita pa ang telepono at sinubukang tawagan ang pinsan, ngunit hinila ang kable saka nakitang sinadyang guntingin ito.
"Haist!"
Bumalik nalang syang naiinis saka umupo at humiga narin.
Hanggang sa di namamalayang inaantok na pala sya...
"MOM!"
Sigaw nya, habang napapahilamos gamit ang kanyang kamay.
Tinungo saglit ang banyo upang maghilamos at nang mahimasmasan dahil sa panaginip tungkol sa mommy nyang binaril daw ng lalaking di kilala.
Bigla pang tumulo ang kanyang luha sa isiping naiganti na nya ito sa taong pumaslang, kaya bakit patuloy parin syang dinadalaw ng magulang sa panaginip o baka mayroon lang itong gustong ipahiwatig..
Naririnig pa nyang may sumisigaw dito sa loob ng opisina kaya lumabas sya upang silipin ito at ang lalaking si Lucas ang bumubulyaw sa tauhang kasing laki rin nya.
"Bakit?"
Anya at biglang tumingin ang lalaki sa kanya.
Mabilis sya nitong tinungo at yakapin ng mahigpit.
"Akala ko natakasan mo na sila.
Saka bat ka sumigaw?
Umiyak kaba?"
Sunod sunod na tanong lalaki.
"Wala, napuwing lang ako."
"Eh bat ka sumigaw, sabi ni Beatrice?"
Tanong pa nito ulit.
"Gusto ko ng umuwi."
Sabi nya dito imbis na sagutin ang tanong.
Huminga naman ng malalim ang lalaki saka ito tumango kaya nangingiti nyang tinitigan ito.
"Pumapayag ako pero babalik ka sakin, kung hindi ipapapatay ko ang pinsan mo."
Pananakot pa sa kanya nito, pero bahala na ang importante ay pauuwiin na sya nito..
Habang nasa loob ng taxi ay naalala parin ang kanina, halos di sya bitawan ng lalaki kung di pa nya sinabi dito na babalik din at kung gusto ay ipasundo nalang...
*****
Narating ang bahay ng pinsan at dito ay nag doorbell sya ng nag doorbell ngunit walang sumasagot hanggang sa mapansin na nakabukas rin pala ang gate.
Tuloy tuloy syang pumasok sa loob at dito ay tahimik lang.
"Sebastian?"
Tawag nya sa pinsan ngunit walang sumasagot.
Nagtataka sya dahil maaga pa naman at mamayang gabi pa ang punta nito sa bar.
Tinungo ang itaas at saka binuksan ang kwarto nito.
Tumambad sa kanya ang amoy alak na kwarto, saka binuksan ang ilaw at nakita ang pinsan na nakahilata na sa sahig.
"Sebastian!"
Lumapit sya dito saka ito inalalayang tumayo.
"Anung nangyayari sayo?"
"Brianna, sweetie ikaw ba yan?"
Anya Sebastian na walang lakas itong hahawakan sya sa mukha saka nahimatay...
*****
Katabi nya sa kama ang pinsan habang wala paring malay matapos dalhin dito sa ospital sa kadahilanang bumagsak na nga ang katawan nito dahil sa sakit. ..
"Brianna?"
Mahinang boses ng lalaki saka nya tiningala at bahagya pang bumangon.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
Tanong nya dito pero imbis na sumagot ito ay hinalikan pa sya sa labi na nagpagulat sa kanya.
Di gumagalaw ang halik nito, pero ramdam nya na gusto nitong yumakap pa sya..
Bumitiw ang lalaki at imbis na saktan ito ay hinihintay lang na magsalita at magpaliwanag.
"Brianna..
Hindi tayo tunay na magkadugo. Hindi ako tunay na Hendas.
Hindi ko ama si Nethan..."
"Pero bat mo ngayon lang sinabi ito? At bat mo ako hinalikan?"
"Dahil mahal kita Brianna at diko sinabi sayo noon dahil baka iwasan mo na ako."
"N-nagugulohan ako, papaanong dika anak ni tito?"
"Mahabang kwento Brianna, kaya ipapaliwanag ko nalang sayo pag nakauwi na tayo sa bahay."
Tumango sya sa lalaki kahit may agam agam na sya sa sasabihin nito.
Lumipas pa ang mga araw at inamin nga rin ng lalaki ang malala nitong sakit, at ang pagtatapat nito ng nararamdaman ay tinanggap na nya kahit panandalian nalang..
Lumipat narin sila ng tinitirhan at sa iisang condo na sila ngayon.
Umalis sa dating bahay nila dahil may umaaligid na mga taong Di kilala at sa hinala nya ang mga tauhan ni Lucas iyon, lalo na't pinag hahanap sya nito..
Magkahawak kamay silang pumasok sa bar at tuloy tuloy sa opisina nito.
Umupu sya sa lamesa nito habang may ipinapakitang larawan na pupuntahan naman nila sa susunod na mga araw..
"Mahal na mahal kita Brianna.
At sorry kung matagal kong inilihim at ngayon lang kung kelan malapit na akong mawala sa mundo."
"Sshhh, wag kang magsasalita ng ganyan dahil matagal pa tayong magsasama, magtatravel, kakain lahat lahat na."
Anya rito, para lang palakasin ang loob nito na sa totoo lang ay kailangan lang nyang pakitaan ito ng pagmamahal kahit pagsisinungaling lang.
Hinalikan sya ng lalaki sa labi na kanya ring ginantihan.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si lucas na nanlilisik ang mata nito sa kanilang dalawa.
Mabilis nitong sinunggaban ng malakas na suntok si Sebastian kaya napahandusay ang lalaki sa sahig.
"Kaya kaba hindi kana bumalik hah Brianna, dahil sa lalaking ito?
Na kahit sarili mong kadugo ay papatulan mo?"
Anya lucas.
Kinwelyuhan nito ulit ang lalaking nakahandusay na walang kalaban laban saka pinatayo at aaktong susuntokin sana ito..
"Sige, subukan mong Ituloy yan at baka dito kana rin bawian ng buhay."
Anya kay lucas habang nakatalikod.
Unti unti naman nitong binibitawan ang damit ni Sebastian saka humarap sa kanya habang nakataas ang dalawang kamay.
"Pagsisisihan mo ang araw na ito, Brianna lalo na ang pagpatol mo sa lalaking yan-"
"Lumayas ka!"
Sigaw na nya dito saka nilagpasan sya..
Dinamamayan naman nya si Sebastian na basag ang labi nito.
"Ayos ka lang ba?
Umuwi nalang tayo para magamot yan..."
Narating ang Condo at dito tuloy tuloy sila sa 14th floor.
Palabas palang ng elevator ng di naman napansin ang lalaking nakasalubong...
Habang ginagamot ang sugat sa bibig ng lalaki ay di nya maiwasang maiyak dahil sa kalagayan na nito.
"Bat ka naiiyak?"
Anya Sebastian.
"Kasi kung nalaman lang natin ang sakit mo dati ay naipagamot na kita, kaso masyado kang malihim eh."
Naiiyak na nyang sabi dito, pinunasan naman ng lalaki ang kanyang luha.
"Wag mo na akong alalahanin, ang importante lang sakin ay nalaman mong mahal kita... "
Anya pa nito na ikinatahimik nya.
"Sabihin mo sakin Brianna.
May nangyari ba sa inyo ng Lucas yun, at mahal mo ba sya?"
Tanong nito na sa unang pagkakataon ay magugulohan syang sagutin ito.
Tinititigan lang ang lalaki habang naghihintay ito ng sagot mula sa kanya, nang bigla pang tumulo ulit ang kanyang luha.
"Ayos lang sakin, kung ano man ang namamagitan na sa inyo.
Basta tandaan mong andito lang ako at kahit sa kabilang buhay na ay babantayan parin kita.."
"Hindi Sebastian..
Please, wag mo akong iwan.
Wala na si mommy, si daddy, si tita at ang taong itinuring akong anak kahit sa kahuli huliang hininga nya ay nakaya ko paring patayin..
Kaya please, ikaw nalang ang natitira sakin kaya wag mo akong iiwan hah?"
Anya pa, saka yumakap ng mahigpit sa lalaki...