TRIXIE.. LUCAS POV. "Wow papa! You look handsome na po, dika na old man!" Anya Alexandra na itinataas pa nito ang dalawang kamay dahil sa natutuwa sa nakikita sa ama. Matapos ngang mangako sa mga anak na titigil na sya sa pagsusulat at mag babago na ng itsura ay heto nga't nagpagupit na sya na parang naibalik rin ang dating Lucas Vicente na kagalang galang at hindi na matandang lalaki.. "Tandaan nyo, kahit nagbago man si papa ng itsura ay di parin magbabago ang pagtingin ko sa mama nyo, mananatili parin sya dito sa puso ko.. Sa puso nating tatlo." "Walang problema papa, kasi ayaw rin ni mama makita kang ganun ka old, masyadong makapal ang balbas tapos ang baho baho ng itsura nyo kahit naliligo pa kayo." "Aba't, lukong bata ito ah.. Sino nagturo sayo nyan?" Wika sa anak na kunwar

