Chapter 41

1551 Words

Sa gitna ng nagtataasang mga pine tree at ang malamig na simoy ng hangin sa itaas ng bundok, tila huminto ang mundo para kina Niccolo at Lhevie. Ang resort na ito ay isang tagagong paraiso na pagmamay-ari ni Niccolo. Ang naging saksi sa muling pagbubukas ng kanilang mga puso. Nagliliyab ang apoy sa fireplace sa loob ng kanilang marangyang cabin. Nakatayo sila sa balkonahe, tanaw ang mga bituin na tila mga dyamanteng isinabog sa itim na langit. Ang katahimikan ng gabi ay hindi nakakabingi, sa halip, ito ay puno ng kapayapaan na matagal na nilang hindi nararamdaman. Dahan-dahang yinakap ni Niccolo si Lhevie mula sa likuran. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ng asawa, ninanamnam ang amoy nito na tila isang pamilyar na tahanan. "Lhevie," bulong niya, ang boses ay puno ng emosyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD