Ang abandonadong warehouse sa gilid ng pantalan ay nababalot ng makapal na katahimikan, maliban sa tunog ng alon at ang mahinang pag-ugong ng makina ng itim na SUV ni Niccolo. Sa loob at sa ilalim ng isang bumbilyang aandap-andap, nakatayo si Isabela, nanginginig ang buong katawan habang nakatali ang mga kamay. Sa tabi niya ay si Vito, na ang mukha ay tila isang estatwang bato, walang emosyon ngunit bakas ang matinding pagkadurog ng puso. Bumukas ang malaking pinto. Pumasok si Niccolo. Ang bawat yabag ng kaniyang boots sa semento ay tila tunog ng hatol ng kamatayan. Ang kaniyang mga mata ay hindi lang basta galit. Ang mga ito ay kulay dugo sa tindi ng poot. Ang kaniyang panga ay nakakuyom, at ang kaniyang aura ay kasing-lamig ng isang libingan. "Niccolo..." pabulong na tawag ni Isabel

