"No, it’s not real! Ahhhh!”
Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw nang sipain ni Isabela ang kaniyang vanity mirror. Ang mga mamahaling pabango na regalo pa sa kaniya ni Vito at Niccolo noong mga nakaraang birthday niya ay nagliparan at nabasag sa sahig. Ang amoy sa loob ng kwarto ay naging matapang at nakakahilo—halo-halong bango na sumasakal sa kaniya, parang ang mga alaala nila.
Hinihingal siya, ang kaniyang dibdib ay parang sasabog. Ang kaniyang buhok na laging maayos ay gulo-gulo na, at ang kaniyang mga kuko ay bumaon sa kaniyang sariling palad.
"Bakit siya, Niccolo? Bakit?” hikbi niya, habang dahan-dahang napaupo sa gilid ng kaniyang kama.
Dito lumabas ang lungkot. Masakit para sa kaniya dahil si Niccolo ang lalakeng matagal na niyang pinapangarap. Akala niya, dahil magkaibigan ang kuya niyang si Vito at si Niccolo, ay may priority pass na siya sa puso ng huli. Akala niya, sapat na ang ganda niya at ang tagal ng pinagsamahan nila para piliin siya.
"I was always there! Sa bawat party, sa bawat event, ako ang nasa tabi mo!" bulong niya habang yakap ang kaniyang sarili.
“And Lhevie... she’s my best friend. I shared my secrets with her, and then she takes the only thing I ever wanted? How could she do this to me?”
Nalilito siya. Confused. Sa isip ni Isabela, hindi siya ang masama. Sa tingin niya, siya ang biktima ng traydor na kaibigang si Lhevie. Hindi siya nagkulang nang paalala rito noon. at ang lalakeng hindi marunong tumingin sa halaga niya.
"Sinabi ko na kay Lhevie na mapanganib si Niccolo! Sinabi ko sa kaniya na lolokohin lang siya! Bakit hindi siya naniwala? Bakit mas pinili niyang maniwala sa lalakeng 'yun kaysa sa akin na BFF niya simula pa noong bata kami?”
Hindi niya ma-process kung paano natalo ng ilang buwan na relasyon nina Niccolo at Lhevie ang ilang taon nilang pagkakaibigan. Para sa kaniya, isang malaking pagkakamali ang lahat ng ito.
Ngunit ang lungkot ay mabilis na napalitan ng nagliliyab na galit. Tumayo siya at hinablot ang isang frame, litrato nilang tatlo nina Vito at Niccolo. Tinanggal niya ang salamin nito at pinunit ang bahagi kung saan nandoon ang mukha ni Niccolo.
"You insulted me? You called me a disease?” hiyaw niya habang pinupunit ang litrato hanggang sa maging maliliit na piraso.
"Matapos kitang mahalin nang palihim? Matapos kitang hintayin? You choose a nobody over me?”
Wala siyang pagsisisi. She was unapologetic. Hindi niya iniisip na mali ang pagsusulsol niya. Sa utak niya, deserve ni Lhevie na masaktan dahil inagaw nito ang para sa kaniya. Hindi niya iniisip na mali ang pagsira niya sa tiwala ni Lhevie bilang BFF.
"You want to protect her, Niccolo? Sige. Let's see how you can protect her from me," tawa niya, isang tawang puno ng panganib.
"Kuya Vito thinks he can stop me? He thinks he can choose you over his own sister? Well, think again."
Kinuha ni Isabela ang kaniyang phone sa gitna ng mga basag na gamit. Ang kaniyang mga mata ay naniningkit, ang kaniyang panga ay matigas. Wala nang bakas ng best friend sa kaniyang mukha. Ang tanging nandoon na lang ay ang mukha ng isang babaeng handang sumira ng buhay.
"Masyado kayong naging kampante dahil akala niyo ay mabait ako. Dahil akala niyo ay kaibigan niyo ako," bulong niya habang tinitignan ang contact list niya.
“You created this monster, Niccolo. You and Lhevie. Kaya huwag kayong magagalit kung sa susunod na magkita tayo, hindi na sorry ang sasabihin ko."
Sa gabing iyon, sa loob ng wasak na kwarto, tuluyan nang kinalimutan ni Isabela ang pagkakaibigan nila ni Lhevie. Ang tanging mahalaga na lang sa kaniya ay ang makitang nagdurusa ang dalawa. Kung hindi niya makukuha ang pag-ibig ni Niccolo, sisiguraduhin niyang walang matitira sa kaligayahan nina Niccolo at Lhevie.
“Fine! We’ll see then.”
Sa loob ng kaniyang kwarto, habang tinitignan ni Isabela ang mga record ng hospital bills sa Switzerland, isang demonyong plano ang nabuo sa kaniyang isipan. Alam niyang ang tanging weakness ni Lhevie ay ang kaniyang tatay.
"Gusto mong magpaka-bayani para sa tatay mong sabungero, Lhevie? Sige, tignan natin kung paano ka magiging bayani kapag nalaman mo ang totoong kondisyon niya," bulong ni Isabela.
Kinabukasan, habang wala si Niccolo sa mansyon para sa isang shipment inspection ay dumating si Isabela na humahangos at tila balisa. Saktong nasa garden si Lhevie, nagbabasa ng libro habang hinihintay ang asawa.
"Lhevie! Salamat at naabutan kita!" bungad ni Isabela, ang kaniyang mga mata ay tila namamaga sa pag-iyak.
"Isa? Bakit? May nangyari ba?" kabado na tanong ni Lhevie.
"Ito... nakuha ko ito sa files ni Kuya Vito. Hindi ko kayang itago sa 'yo 'to, Lhevie. Niloloko ka lang ni Niccolo tungkol sa tatay mo!" Inabot ni Isabela ang isang envelope na may mga pekeng medical reports at bank statements.
Dahan-dahang binasa ni Lhevie ang mga papel. Ang kaniyang puso ay tila pinipiga sa bawat linyang nababasa niya.
"Anong ibig sabihin nito, Isa? Bakit nakasulat dito na matagal nang gumaling si papa sa Switzerland? At bakit... bakit may mga records dito na si Niccolo ang nagbabayad sa mga tao sa sabungan para lalong malubog si Tatay sa utang?”
"Lhevie, don't you see?” sulsol ni Isabela, habang hinahawakan ang mga kamay ni Lhevie.
“Sinadya ni Niccolo na malubog sa utang ang tatay mo! Pinainom niya ng kung anu-anong gamot sa Switzerland para magmukhang maysakit pa rin siya, para lang manatili kang nakatali sa kaniya! He’s using your father as a hostage to keep you in this marriage!"
"Hindi, hindi magagawa ni Niccolo 'yun," iling ni Lhevie, pero ang kaniyang mga luha ay nagsisimula nang pumatak.
"Lhevie, ang tatay mo ay sabungero lang! Madaling manipulahin ni Niccolo ang mga lalakeng katulad niya! Ginamit niya ang kahinaan ng tatay mo para makuha ka! Matagal nang magaling ang tatay mo, pero ayaw niyang pauwiin dahil alam niyang kapag wala na ang dahilan mo para manatili, iiwan mo siya!"
Saktong dumating ang sasakyan ni Niccolo. Pagbaba niya ay agad siyang sinalubong ng isang nagwawalang Lhevie. Ibinato ni Lhevie ang mga papel sa mukha ni Niccolo.
"Nasaan ang tatay ko, Niccolo? Nasaan siya?” hiyaw ni Lhevie.
"Lhevie, what are you talking about? He's in the clinic in Switzerland, getting the best treatment—"
"SINUNGALING!" sampal ni Lhevie kay Niccolo, dahilan para magulat ang lahat ng mga bodyguards at maski si Bebang na nakadungaw sa bintana.
“Gumaling na siya three months ago! Pero hinahayaan mo pa rin siyang nandoon! Pinadalhan mo pa siya ng pera para magsugal doon para lang hindi siya makauwi at hindi ko malaman ang totoo!"
"Where did you get that?" malamig na tanong ni Niccolo, ang kaniyang tingin ay lumipat kay Isabela na nakatayo sa likod ni Lhevie.
"Is it true, Niccolo? Ginamit mo ang tatay ko para lang mapilitan akong pakasalan ka? Para lang maging display mo rito sa mansyon?” hikbi ni Lhevie.
“My God, Niccolo... ang tatay ko 'yun! Alam mo kung gaano kahalaga sa ‘kin si papa!”
"Lhevie, listen to me. Those papers are fabricated. Isabela is playing you—"
"Stop blaming her! Siya lang ang may lakas ng loob na sabihin ang totoo sa akin!" sigaw ni Lhevie.
“Ayoko na, Niccolo. Ayoko na sa mundong 'to. Ayoko na sa 'yo! Isabela, ilayo mo ako rito. Ngayon din!"
Isang matagumpay na sulyap ang ipinadala ni Isabela kay Niccolo habang inaalakay niya ang nanginginig na si Lhevie patungo sa kaniyang sasakyan.
"Lhevie, don't walk away from me!" sigaw ni Niccolo, akmang hahabulin sila pero hinarangan siya ng mga gamit ni Lhevie na itinapon nito.
"Huwag kang lalapit sa akin, Niccolo Altierre! Kundi papatayin ko ang sarili ko!" banta ni Lhevie habang hawak ang isang matalim na piraso ng basag na paso.
Napatigil si Niccolo. Hindi niya kayang makitang masaktan si Lhevie, kahit ang kapalit niyon ay ang pag-alis nito. Pinanood niyang lumayo ang sasakyan ni Isabela, dala ang asawang mahal na mahal niya.
Nang mawala ang sasakyan, humarap si Niccolo kay Vito na kakarating lang. Ang kaniyang mga mata ay hindi na lang galit, ito ay ang mga mata ng isang mamamatay-tao.
"Vito," tawag niya, ang boses ay kasing-lamig ng semento.
“Hanapin mo ang kapatid mo. At sabihin mo sa kaniya... sisiguraduhin kong ito na ang huling gabi na makakahinga siya nang maluwag. Because tonight, the alliance is over. Tonight, she dies."
Napakunot-noo naman ang binata. Tila hindi alam kung ano ang sitwasyon.
“What happened?” gulong tanong niya.
“She fabricated lies about Lhevie’s father. f**k! Hindi ba titigil ang kapatid mo hangga’t hindi ko siya mapapatay ha? Inuubos niya ang pasensiya ko, bullshit!” galit niyang wika at basta na lang na ibinato ang mamahaling vase sa gilid.
Hindi naman makasabat si Bebang at natatakot siya kay Niccolo. Hindi rin alam ni Vito ang gagawin at napapikit na lamang sa stress.
“Vito darling,” aniya rito.
Napalunok naman ang binata pagkakita kay Bebang sa tabi niya.
“Stress ka na ba? Remind ko lang ha. 1.6 million iyang antique vase na ‘yan. Galing ‘yan sa auction. Bayaran mo ha, sige. Hanapin mo na ang bruha mong kapatid,” anito at umalis na.