Nakayuko si Isabela, ang kaniyang mga mata ay tila namumula sa pagsisisi. Hawak niya ang mga kamay ni Lhevie na tila ba ito ang kaniyang huling pag-asa sa mundo.
"Lhevie, please... patawarin mo ako," simula ni Isabela, ang boses ay nanginginig.
“Hindi ako nakatulog nang maayos. I was just so scared for you. Seeing Niccolo in that hotel, nadala lang ako ng emosyon. I hate seeing you being abused or lied to. My protective side just went overboard because I love you, bestie."
Si Lhevie, sa kaniyang likas na kabaitan at pagiging "naive," ay dahan-dahang lumambot. Nakita niya ang luha ni Isabela at naalala ang maraming taon ng kanilang pagkakaibigan. Para kay Lhevie, hindi kayang gawin ng kaniyang BFF ang manira nang dahil lang sa kasamaan.
"Naiintindihan ko, Isa. Alam kong concerned ka lang," malumanay na sagot ni Lhevie.
“Nagkaayos na kami ni Niccolo. Sana... sana bigyan mo rin siya ng pagkakataon. He’s really trying his best."
"Of course, Lhevie. If you're happy, I'll try to be happy for you too," sagot ni Isabela sabay yakap nang mahigpit.
Sa likod ni Lhevie, ang mga mata ni Isabela ay nanatiling malamig at walang emosyon, pero ang kaniyang yakap ay tila yakap ng isang mapagmahal na kapatid.
Hinatid ni Isabela si Lhevie hanggang sa mansyon. Dahil sa kagustuhan ni Lhevie na maging maayos na ang lahat, inimbita niya si Isabela na pumasok para mag-tsaa. Pagkapasok na pagkapasok nila sa sala ay agad na bumungad ang pamilyar na boses na tila isang alarm system.
"Ay! The bratinella is back for more! Welcome to the house of no entry,” bungad ni Bebang, hawak ang kaniyang spray bottle ng pampabango na tila gagawin niyang holy water para itaboy ang masamang espiritu.
"Bebang, please. Nagpunta ako rito para kay Lhevie," irap ni Isabela, pilit na pinapanatili ang kaniyang perfect friend image.
"Ah, for Lhevie? I thought for the exit door,” balik na asar ni Bebang habang umiikot sa paligid ni Isabela.
“Lhevie, bakit mo isinama 'yan dito? Baka 'yung mga bulaklak natin ay malanta sa sobrang toxic ng hangin.”
"Bebang, huwag ka namang ganyan. Nag-sorry na si Isabela," saway ni Lhevie.
Umupo si Isabela sa sofa, pero agad siyang sinundan ni Bebang na kunwari ay naglilinis ng alikabok sa mismong tabi niya.
"Isabela, you want tea? Or you want truth serum?” tanong ni Bebang habang iwinawasiwas ang duster sa harap ng mukha ni Isabela.
“Because your face is looking very guilty. Like a cat that ate the canary!”
"It's just my makeup, you old woman!" asik ni Isabela.
"Ay! My makeup is natural, your makeup is national! Because everyone in the nation knows you are peke,” tawa ni Bebang.
“Lhevie, tignan mo 'tong si Isabela. Ang ganda ng suot, pero ang aura ay low battery. Parang cellphone na naiwan sa ulan na nag no signal.”
"What is your problem?" sigaw ni Isabela, nagsisimula nang maubos ang kaniyang pasensya.
"Hulaan mo muna. ‘Pag nahulaan mo eh ‘di beri good,” sagot ng matanda at nginisihan ito nang nakakauyam.
Hindi na nakapag-tsaa si Isabela. Sa bawat hirit ni Bebang, tila tinutusok ang kaniyang balat. Alam niyang hindi niya maloloko ang matanda, at ang bawat asar nito ay tila isang babala na bantay-sarado siya.
"You know what, Lhevie? I'll just go. I can't stay in a house with... with this entity!” sabi ni Isabela sabay tayo at ayos ng kaniyang Chanel bag.
"Ay, entity? I am the identity of this house!No Bebang, no entry!” habol ni Bebang habang hinahatid si Isabela ng spray ng pampabango sa likuran.
“Go home, Isabela! Drive slowly like a turtle because your brain cannot process fast driving! Shoo! Shoo! Fly away, butterfly of destruction!"
Nang tuluyan nang makaalis ang sasakyan ni Isabela, humarap si Bebang kay Lhevie na nakatayo lang at napapailing. Hindi na nakasabat pa si Lhevie at hindi siya nagkaroon ng pagkakataon.
"Lhevie, ang bait mo talaga. Pero tandaan mo, ang ahas kahit magpalit ng balat, ahas pa rin 'yan," seryosong sabi ni Bebang.
Huwag kang masyadong kampante sa sorry niyan. Dahil ang sorry ng taong inggit, ay parang sugar-coated poison. Matamis sa umpisa, pero nakamamatay sa dulo."
Natahimik si Lhevie. Alam niyang may punto si Bebang, pero dahil sa kaniyang tiwala sa pagkakaibigan, pinili niyang maniwala na may pag-asa pa si Isabela. Hindi niya alam, sa labas ng mansyon, galit na galit na pinukpok ni Isabela ang kaniyang manibela handa nang ituloy ang kaniyang mas madilim na balak.
———
Ang silid ay balot ng amoy ng mamahaling alak at ang matapang na bango ng sandalwood ni Niccolo. Nakatayo siya sa harap ng glass window, ang kaniyang anino ay tila isang dambuhalang kumot na lumalamon sa liwanag ng silid. Pagpasok ni Isabela ay hindi siya lumingon, pero naramdaman ng dalaga ang pagbigat ng presyon sa paligid.
"You called for me, Niccolo?" ani Isabela, pilit na itinatago ang kaba sa pamamagitan ng pag-aayos ng kaniyang buhok.
“I hope it's about the proposal I sent to your office regarding the Farinelli merge."
Dahan-dahang humarap si Niccolo. Ang kaniyang mukha ay tila lilok sa bato, walang emosyon, walang init, tanging isang malamig na poot ang mababasa sa kaniyang mga mata.
"The Farinelli merge?" ulit ni Niccolo, ang boses ay mababa at nakapanghihina.
“Is that what you call your desperate attempt to crawl back into my life, Isabela? O 'yung pananabotahe mo sa pagsasama namin ni Lhevie?"
Lumapit si Isabela, inipon ang lahat ng kaniyang natitirang ganda at awra.
“Niccolo, let's be practical. Alam nating dalawa na ang nararamdaman mo para kay Lhevie ay isang phase lang. She’s a distraction. Isang magandang laruan na nakuha mo sa gitna ng gulo. But you and I? We are the same blood. We belong to the same elite circle. I am ready now, Niccolo. I am ready to be the woman who stands beside the King of Altierre. I'm sorry for being immature before, but I’ve grown. I can give you the children that will carry our combined legacy. Ano ba ang maibibigay ni Lhevie sa'yo kundi sakit ng ulo at kahinaan?"
Tumigil si Niccolo sa harap niya. Ang kaniyang panga ay humigpit, isang senyales na ang bawat salita ni Isabela ay tila isang insulto sa kaniyang pandinig.
"Legacy?" bulong ni Niccolo. "You think I give a damn about a legacy shared with someone like you? Isabela, you're so blinded by your own reflection that you don't see the filth you're standing on. You claim to be ready now? Ready for what? To lie to me like you lied to Lhevie? To act like a saint while you poison the air she breathes?"
"I did that for her own good!" sigaw ni Isabela. "She deserves to know what kind of man you are! At ikaw... you deserve someone who can handle the darkness, not someone who cries every time she sees blood!"
"That’s where you’re wrong," malamig na tugon ni Niccolo. Humakbang siya palapit, dahilan para mapaatras si Isabela hanggang sa tumama ang likod nito sa pader.
“Lhevie doesn't just handle my darkness, Isabela. She’s the only reason I still want to find the light. Samantalang ikaw? You are the darkness itself—the kind that is hollow, selfish, and ugly."
"Ugly?! How dare you!" asik ni Isabela, ang kaniyang mukha ay namumula na sa kahihiyan.
“I am a Farinelli! I am the most sought-after woman in this city!"
"In the eyes of those who only look at the price tag, maybe," pang-uuyam ni Niccolo. "But to me? You are a failure. You failed as a friend, you failed as a woman, and you failed to realize that I saw through you the moment you stepped back into this country. You offered yourself to me today as if you’re a prize. But the truth is, you’re just a desperate option I discarded years ago."
Tumingin si Niccolo sa mga mata ni Isabela nang may matinding pandidiri.
"Every time you touched Lhevie's hand, every time you hugged her and pretended to care, I wanted to cut those hands off," patuloy ni Niccolo, ang kaniyang boses ay naging isang seryosong banta.
“You think you're smart? You think your class protects you? No. The only thing protecting you right now is the fact that you share the same blood as Vito. But even that is running thin."
"Niccolo, please... I can be better than her," pagsusumamo ni Isabela, ang kaniyang boses ay nabasag na.
"Better?" tawa ni Niccolo. "Isabela, if you lived a thousand lives, you could never even be a shadow of who Lhevie is. She has a heart that is pure—something you traded for designer bags and social status a long time ago. You are not a queen. You are a beggar in a silk dress, begging for a love that will never, ever be yours."
Dinuro ni Niccolo ang dibdib ni Isabela, hindi pisikal kundi gamit ang kaniyang mapanakit na mga salita.
"Enough is enough.. And if I ever see your face in my mansion again, or if I hear that you even sent a single text to my wife... I will destroy the Farinelli’s name until it’s nothing but a footnote in a history book. I will make sure you spend the rest of your life in a place where no amount of money can buy you a way out. Get out of my sight. You make me sick."
Naiwan si Isabela na humihikbi, ang kaniyang buong pagkatao ay tila dinurog at itinapon sa basurahan. Ang bawat salita ni Niccolo ay tila mga pako na bumaon sa kaniyang pride. Sa unang pagkakataon sa kaniyang buhay, naramdaman ni Isabela na siya ay maliit, walang silbi, at higit sa lahat talunan.
Habang naglalakad siya palabas ay naririnig niya ang boses ni Niccolo sa kaniyang isipa, isang sumpa na hindi na niya kailanman mabubura. Ang pangarap niyang korona ay naging isang korona ng mga tinik, at ang tanging natira sa kaniya ay ang malamig at malupit na katotohanan. Si Lhevie ang reyna, at siya ay wala lang. and it hurst her even more. Lalo lang pinapalaki ang galit niya. Hindi niya matanggap ang katotohanan.