Sikat na ang araw nang magising si Lhevie sa loob ng opisina ni Niccolo. Nakayakap pa rin sa kaniya ang asawa, at ang init ng balat nito ay sapat na para maalala niya ang tindi ng pag-aangkin na nangyari kagabi. Wala na ang lamig, wala na ang distansya. Sa bawat paghinga ni Niccolo sa kaniyang balikat, ramdam ni Lhevie na buo na silang muli. Dahan-dahang gumalaw si Niccolo, ang kaniyang mga mata ay dumapo kay Lhevie nang may kakaibang lambot na siya lang ang nakakakita. "Stay," paos na utos ni Niccolo nang akmang babangon si Lhevie para ayusin ang kaniyang sarili. "I'm not done holding you." "Niccolo, baka pumasok si Bebang..." mahinang tawa ni Lhevie, bagaman isiniksik niya ang kaniyang sarili sa dibdib ng asawa. "Let her. Pagkatapos niyang marinig ang lahat ng sigaw mo kagabi, alam n

