Kinabukasan, tila may namumuong bagyo sa tapat ng mansyon ni Niccolo. Isang kulay pula na sports car ang humarurot papasok sa driveway, at bago pa man bumukas ang pinto, amoy na ni Bebang ang kamandag ng dumating. Si Isabela, ang kapatid ni Vito. Isang certified bratinella na akala mo ay laging nasa runway ng Paris. Higit sa lahat, siya ang mortal na kaaway ni Bebang dahil tutol ito sa relasyon nina Niccolo at Lhevie. Para kay Isabela, ang kaniyang BFF na si Lhevie ay isang anghel na napunta sa kuko ng isang "criminal mastermind" na gaya ni Niccolo. "Where is Lhevie? I need to rescue her from this house of horrors!" sigaw ni Isabela pagkapasok na pagkapasok. Naka-sunglasses pa ito kahit nasa loob ng bahay at bitbit ang isang designer bag na mas mahal pa sa huling hantungan ng karamiha

