Nakahilig si Lhevie sa malaking bintana ng kanilang silid. Ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa malawak na hardin na naliliwanagan ng buwan, ngunit ang kaniyang isipan ay malayo. Biglang pabalik iyon sa mga salita ni Isabela. "Niccolo is a monster. He is dangerous. You are playing with fire." Paulit-ulit itong umaalingawngaw sa kaniyang pandinig. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Lhevie na ang mundong ginagalawan ni Niccolo ay hindi gawa sa bulak at rosas. Nakita niya ang dugo, narinig niya ang putok ng mga baril, at naramdaman niya ang malamig na talim ng panganib sa gubat. Ngunit may bahagi sa kaniya na gustong maniwala na ang Niccolo na nakita niya ay ang Niccolo na humaharap sa bala para sa kaniya. At iyon ang totoong pagkatao nito. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Pumasok si Niccol

