Gabi na nang makauwi si Niccolo. Inaasahan niyang sasalubungin siya ni Lhevie ng mga tanong o kahit galit na pagsusumbat, pero ang bumungad sa kanya ay isang bahay na tila walang tao. Nadatnan niya si Lhevie sa sala, tahimik na nagbabasa ng libro. "I'm home," maikling sabi ni Niccolo habang tinatanggal ang kanyang coat. Walang sagot. Hindi man lang nag-angat ng tingin si Lhevie. Tila ba hangin lang ang dumaan sa harap niya. "Lhevie, I'm talking to you," muling sabi ni Niccolo, ang boses ay nagsisimula nang mairita. Tumayo si Lhevie, isinara ang libro, at dinala ang baso niya patungong kusina nang hindi man lang sinusulyapan ang asawa. Ang bawat kilos niya ay kalmado, pero ang lamig na dala niya ay mas matindi pa sa aircon ng mansyon. Napakuyom ng kamao si Niccolo. Hindi siya sanay na

