Madilim ang paligid ng paboritong private lounge nina Niccolo. Tanging ang mahinang tugtog ng jazz at ang usok ng mamahaling sigarilyo ang namamayani sa silid. Sa gitna ng sofa, nakaupo si Niccolo Altierre, tila isang bulkang malapit nang sumabog. Ang kanyang suit ay gulo-gulo na, ang butones ng polo niya ay nakabukas na rin. Sa tapat niya ay nakaupo ang dalawa niyang matalik na kaibigan. Si Vito, ang lalakeng laging may pilyong ngiti at tila walang sineseryoso sa buhay, at si Luca, ang mas tahimik pero mas matalas magsalita. Pumailanlang ang tunog ng basag na bote sa paligid. Biglang ibinato ni Niccolo ang basong hawak niya sa pader. Kumalat ang bubog at ang natitirang whiskey sa mamahaling wallpaper ng lounge. "Bullshit!" mura ni Niccolo, ang boses ay puno ng panggigigil. “Tang-ina

