Nagsimula ang panibagong linggo sa Altierre Tower na tila binabalot ng makapal at malamig na hamog. Ang dating tensyon na puno ng pagnanasa sa pagitan nina Niccolo at Lhevie ay napalitan ng isang "Cold War" na sadyang nakakabingi. Sa labas ng glass office ay nakatitig si Lhevie sa kanyang monitor, pero ang totoo ay wala siyang nababasa sa mga reports. Ang kanyang mga kamay ay nanlalamig. Bawat kaluskos sa loob ng opisina ni Niccolo ay nagpapatalon sa kanyang puso. Nahihiya siya. Natatakot. At higit sa lahat, nasasaktan. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isip ang mga salita ni Niccolo: “I own you... someone like you.” Sa loob naman, hindi mapakali si Niccolo. Kunwari ay nagbabasa siya ng kontrata, pero ang kanyang mga mata ay nakatutok sa salamin saka nakamasid sa tahimik na pigura

